Episode 13:
"Pansin ko, close na kayo."
"What?" Kunot-noong itinuro ko ang sarili nang magsalita sa tabi ko itong kaklase kong babae. She's wearing an eyeglass, plain looking, pero nadala ng pixie cut na buhok. Okay, cute naman siya. I think her name's Nalyn, kung tama ang pagkakaalala ko.
This was college anyway, hindi necessary na alam ko ang pangalan ng mga kaklase ko.
"Excuse me, are you talking to me?"
"Uhm, oo." She nodded her head shyly, following it with a smile.
Kaunti pa lang kami sa room. Lagi namang ganoon, may grace period kami na fifteen minutes pero walang sumusunod. Hindi rin naman kasi nag-a-attendance yung prof namin na hanggang ngayon ay wala pa.
Cheddy chatted me na hindi raw siya papasok. Ang reason, katamaran. Kaya laging alanganin ang grade, eh. While Rosendale, nakakagulat mang isipin pero tinatablan din pala ng lagnat iyon. Matigas lang talaga ang ulo.
She really wanted to go school with me, ako lang ang hindi pumayag. It's obvious that she's not in good shape to attend our class, she's burning hot with fever, she can't even stand straight without getting dizzy, sinong maniniwalang kaya niyang bumangon.
Kung hindi ko pa sinabi kina Papa na may sakit si Rosendale, malamang magpupumilit ang babaeng iyon. Stupid woman, she really liked hurting herself.
Hindi rin dapat ako papasok para bantayan siya but she firmly declined. Wala kaming magawa so before Mama and Papa go to work ay nag-iwan na lang sila sa room ni Rosendale ng makakain and even medicine. Hindi ako kumbinsido sa ganoong set up so right now, I was actually planning to go home early. Nevermind the afternoon class.
I sighed. Nagiging soft na naman ako. What can I do? I was damn worried. Hindi rin naman ako makakapag-concentrate so what's the sense kung papasok pa ako hanggang dulo ng araw na ito. Mukha lang akong tanga.
Well, I maybe I was an idiot para pumasok ngayon in the first place when I can't even do what I fucking want.
Napapadalas na pakikipagtalo ko sa sarili ko. This was horrible!
"Echo?"
"Yes?" I answered almost confusingly. May kausap pala ako, kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Pasimple akong napabuntong-hininga. "Sorry, what did you say again?"
Umiling siya. "Itatanong ko lang sana kung may kasabay ka mamayang break?"
"Bakit?" pagbabalik ko sa tanong. Wala akong makitang reason kung bakit siya nagtatanong sa akin not unless there's a specific reason. "May kailangan ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Uuwi agad ako after ng class na 'to."
I didn't know if she's intimidated or what. Likas na sa akin magtaray, lalo na kung hindi ko naman close. Ibinuka niya ang bibig para lang itikom. She bowed a bit, fixing her eyeglasses, and averting her gaze at me. "If you don't mind, can we talk just for a bit later? Saglit lang, swear."
"Bakit nga?" tanong ko ulit, "Kung may sasabihin ka, bakit hindi na lang ngayon?"
"Please?" Napansin ko yung slight na pamumula ng pisngi niya. Napailing na lang ako at tumango that made her smile. "Thank you!"
Hindi na ako nagbalak pang sumagot, mabuti na lang at dumating na ang prof. I stole a glance from this girl beside me, mukhang masaya pa rin siya. Nakaka-curious ang babaeng 'to, hindi ko ma-gets, parang si—whatever.
Itinuon ko ang attention sa gurong nasa harap. Stop thinking about her, it's not like you have to, Echo.
"Where's your other classmates?" Our professor, asked. Para namang hindi pa sanay na kaunti kami.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...