THE RULES 2: PROLOGUE

1.9K 32 3
                                    

(WATCH THE CAST ON YOUTUBE)

CIARA's POV

Bagong mundo.

Bagong tao.

Bagong eskwelahan.

Bagong pagsubok.

Hindi ko alam kung anong aabutin ko dito. I just hope, hindi kasing worst katulad ng dinanas ko sa Greece.

"Plaza ba 'to, Miss? Ginawa mong tambayan ang hallway, eh." Wika ng isang eatudyante sa likuran ko. Mabilis na pumagilid ako bitbit ang kahon ng mga gamit ko.

Nasa building na ako ng Girls Dormitory. Parang isang buong school building ang laki ng building na ito. Nakakaloka. Ganito ba kayaman ang school na ito?

"I think I just found her.." nagulat akong wika ng isang babae sa harap ko na umikot-ikot pa sa akin habang sinusuri ako.

"Are you Ciara?" Tanong nito. Nagtatakang tumango naman ako. "Are you a transferee?" Sunod na tanong niya at muling tumango.

"Confirmed . The next target is here."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "What? What do you mean target?" May trauma na ako sa target na 'yan ah. Shet naman. Ano bang meron sa akin?!

"Where are the videos?" Nanlilisik ang mga matang tanong ng babae habang humahakbang palapit sa akin at humahakbang naman ako paatras.

"Videos?! Hindi ko alam ang sinsabi mo." Sabi ko.

"Give us the videos or else, you'll be punished to deaaaaath" Madiing wika niya.

"Miss Ciara Sanchez?" Tanong na bumasag sa tensyon sa pagitan naming dalawa. I guess this is Miss Dinah.

"I am Dinah Golez, I will assist to your room." Aniya at mabilis na sumunod ako sa kanya. Humuling sulyap ako sa kanya at bumulong siya mula sa kinatatayuan niya. Videos.

"What the heck?!" Wika ko sa sarili.

"Yes, Miss Sanchez?" Nagtatakang tanong nito habang hinihintay naming magbukas ang elevator. Aha, the dorm is elevated.

"So, your room is in G69. I guess your roommate is already here, kanina ko lang din siya in-assist eh." Anito habang hinihintay na makaabot kami sa 4th floor.

"Each room has its own bathroom and a small balcony so you and your roommate could have some coffee there. It's also air conditioned and we have a library at the ground floor kung gusto niyong mag-aral doon." Wow. Nakakamangha. May ganito talagang dorm?!

Also the walls are all painted in white and the doors are all in pink. Sosyal.

Pagkarating sa harap ng pinto ng kwarto ko ay inabot na niya sa akin ang susi.

"Good luck, Ciara! Welcome to Marquesa University." Iniwanan niya ako ng matamis na ngiti at marahang binuksan ko na ang pinto.

Pagpasok ko ay nagulantang ako sa bumulagta sa akin!

Naka-rasta na bonnet tapos nakasuot ng puro herbs covered na medjas, naka-plain black t-shirt at boxer? Anong klaseng roommate ito?!

"Hi, baby!" Agad na bati niya sabay kindat..

Napako ako ng matagal sa kinatatayuan ko at halos hindi ko dama ang bigat ng kahon ko.

Lalaki. Ang ROOMMATE KO?!

Tumawa siya ng malakas na halos mag-echo ang tawa niya sa buong kwarto.

"Gaga, tiboom ako." Tawang-tawang wika niya at inangat ang katawan.

Sabay na bumagsak ang balikat at mabilis na bumalik ang energy ko sa sinabi niya.

"I'm Kiko, Aika ang real name ko. Pero since hindi ko tanggap ang perlas ko sa loob ng boxer na ito, Kiko nalang." Aniya sabay abot ng kamay niya .

Hindi ko maiwasang matawa. Inabot ko rin ang kamay ko at nagkamayan kami. "I'm Ciara." Pagpapakilala ko.

"Nice to meet you, Ciara. Welcome sa school kung saan under ng isang student ang teachers. Not just the teachers, the whole freaking school." Wika nito sabay kindat.

Napangiti ako. "What do you mean?"

"It is for you to find out." Aniya. Habang isa-isa kong inilalabas ang mga libro, alarm clock ay napansin kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

Magkadikit ang dalawang kilay niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Tattered jeans paired with an old converse, plain black sleeveless inside of your checked. Long plain black hair. You are not so modern." Umiling-iling siya.

"Nakita mo ba ang mga babae sa labas? Wala pa akong nakikitang naka-jeans dito maliban sayo at sa akin. Lahat dito naka-skirt, dress, anak nang.. Parang araw-araw may fashion show.." biro pa nito at umiling. "Akala ko nga magkaka-roommate ako ng saksakan ng arte, you don't look like the rest of the bitcheese here so, I guess we'll be good friends." Dugtong pa niya at nagkibit balikat.

Ngiti nalang ang tinugon ko sa kanya at nilinis ng luma kong bimpo ang desk ko saka isa-isang pinatong na maayos ang alarm clock, lamp shade and few of my favorite jonaxx books. Oh, my dear jonaxx.

Napatalon ako sa kama ko ng biglang sumigaw si Aika, I mean Kiko.

Sigaw pambabae.

Mabilis na nilingon ko siya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa cellphone.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wala. Trip ko lang sumigaw, bagay ba?"

Anak ng patola..

Pumekeng tawa ako. "Nice try."

__________

Kiko (Aika's POV)

"This girl has the videos of Prince Franco? Omg!" Hindi makapaniwalang tanong ng isip ko.

"So, ibig sabihin siya ang susi sa pagbagsak ni Prince Franco? Well. Dumating na ang katapat niya.."

Oh, Prince Franco, the King of Bully. Your end is near.

••••••••••••••••

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon