CHAPTER • 46

315 21 7
                                    

KEEP REPEATING THE SONG ABOVE.

Lumingon ako sa kanya ng nilagpasan niya ako. Hindi man lang siya lumingon sa akin. Diri-diretso ang lakad niya. Naghintay pa ako ng ilang segundo, pero wala. Hindi siya lumingon hanggang sa maglaho na siya sa paningin ko.

Bakit ako nasasaktan? Bakit parang may mali?

Hindi parin maalis sa isip ko ang paglagpas niya sakin kanina. Gusto ko na talaga siyang tawagan at makausap. Hindi ako mapakali.

Hanggang sa gitna ng klase ay nahagip ng paningin ko si Prince, kasama ang buong banda, may mga kasamang mga babae. Napakaganda ng tingin ni Prince sa babaeng iyon. Parang 'yung mga tingin lang niya sa akin. Bumagbagsak ang mga luha ko habang hinahabol siya ng paningin ko.

"Miss Sanchez? Are you okay?" Tanong ng Prof. Mabilis na nagpunas ako ng luha at umiling sa kanya. "If you're not okay, hija. You are excuse to leave for a while."

"Okay lang po ako." Sabi ko na namamaos ang boses.

Hindi niya pa ako kinakausap. Kahapon okay naman kami ah? Bakit ganito nalang ang pangangamba ko? Nag-isip ako ng mga posibleng maling ginawa ko. Pero wala akong maisip na mali.

Pumunta ako sa warehouse dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng mapansin ko na nakakandado na ito. Bumagsak ang mga luha ko. Anong nangyayari, Prince? Anong ginagawa mo?


Naupo ako sa labas.

Magdamag. Hanggang inabot ako ng dilim.

Pinagtulungan na ako ng mga lamok doon pero matyaga parin akong naghintay.

"That was fun, Prince!" Sigaw ng isang babae.

Napatayo ako at nang lumingon, bumungad sa akin ang lasing na lasing na si Prince kaakbayan ang isang babae na kasama niya rin kanina.

Bumagsak ang mga luha ko at nanginig ang buo kong katawan.

Napatigil sila ng makita ako.

"C-Ciara?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae. Lumingon siya kay Prince. "Prince? What is she doing here?"

May hinablot si Prince na susi at ibinigay ito sa babae. "Mauna kanang pumasok." Sabi nito.

Pinanlisikan ako ng mata ng babae at binuksan ang nakakandado ng pinto.

"Make it fast!" Sigaw ng babae at malakas na isinara ang pinto.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Umiiyak lang.

Hindi ako makapaniwala.

Parang babagsak ako anumang oras dahil nanghina ang buo kung katawan.

"Ano 'to?" Nanginginig ang boses na tanong ko.

Blanko ang mukha niya. "Ganti ko. Ganti ko sa minsang pagpapabagsak mo saken. Ano, Ciara? Masakit ba?" Tumawa siya.

Parang biglang gumuho ang mundo ko na parang gusto kong isipin na nananaginip lang ako.

Umiling ako. "Prince, anong ginagawa mo? Hindi ako naniniwala sayo.."


"Gusto kong mas masakit ang ganti ko sayo kaya heto, tadaa.."

Sa galit ko nasampal ko siya ng napakalakas. Lahat ng lakas na natitira sa akin binuhos ko sa sampal na 'yun.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Sigaw ko.

"Oo, Ciara. Rinig na rinig ko! Ciara hindi kita mahal. Isang malaking palabas ang lahat. Pinaniwala kita. Pinasakay. Ginamit. Kasi walang pwedeng makapagpabagsak sa akin. Di ba iyon din naman ang gusto mo noon? Ang bumagsak ako? Pwes, patas na tayo ngayon.."


Bumagsak ang mga balikat ko at hinabol ko ang hininga sa kakaiyak. Umiling ako. May parte sa puso ko na naniniwala sa sinasabi niya ngayon, may parteng alam ko, mahal niya ako.

"The show is over, it's time to leave." Sabi niya sa mukha ko at tinalikuran ako ngunit hinatak ko ang braso niya pabalik.

"At sa tingin mo papayag ako?" Pumasok ako sa warehouse at hinanap ang babae. Hinabol niya ako pero hindi niya ako napigilan na hatakin ang buhok nito palabas ng pinto.

"Prince! What the hell is she doing?!" Sigaw nito. Papasok pa sana siya ulit pero malakas na isinara ko ang pinto.


"Ano ba, Ciara?!" Sigaw niya.

"Naghirap kang pahulugin ang loob ko diba?! Pwes maghirap ka rin na paalisin ako sa buhay mo!" Hinampas ko ang dibdib niya.


"Ano bang mahirap intindihin sa hindi nga kita mahal?!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Mahirap intindihin kasi hindi ako naniniwalang hindi mo ako mahal." Sabi ko at itinulak siya.

"Ciara, mabuti pa umalis kana." Hinatak niya ang braso ko palabas pero nagpumiglas ako.

"Ayoko! Dito lang ako!" Sigaw ko at naupo sa sofa.

"Fine! Bahala ka diyan!" Sigaw niya at pumasok sa kwarto niya.


Pagpasok niya ay hindi ko napigilan ang paghagulgol. Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ako makapaniwala. Ang sakit ng ginagawa niya sa akin. Is he playing with me all these time? Totoo nga kayang pinapaikot niya lang ako kasi gusto niyang maghigange? Pero bakit? Bakit hindi ako naniniwala?

_____

Hindi ko siya tinigilan. Araw-araw pumupunta ako sa warehouse. Ginagawa ang usual na ginagawa ko bilang girlfriend. Pinagluluto siya. Inaalagaan siya. Lagi akong nandoon kahit hindi niya ako kinakausap at pinapansin.


"Ciara, sagabal kana sa buhay ko. Please. Stay. Away. " Sabi niya.

Hindi ako umimik at pinagluluto parin siya.

Hinatak niya muli ang braso ko pero nagpumiglas ako. "Ano ba?! I want to stay here! Bitawan mo ko!"


Bumalik ako sa kusina. Hiniwa ko ang kamatis gamit ang matalim na kutsilyo.


"Ciara, hindi na kita kailangan dito kaya umalis kana."


"Pwes kailangan pa kita kaya hindi mo ako mapapaalis! Aray!"


Nahiwa ko ang daliri ko. Mabilis na binasa ko ito sa gripo at namilipit sa sakit.


"See?" Rinig kong wika niya.

Umiyak nalang ako habang tinitingnang maubos ang lumalabas na dugo sa sugat ko. Ginamot ko ang sarili kong sugat at pinapanuod niya lang akong gawin 'yun.

"Ano pa bang gusto mong marinig para tantanan muna ako?"


Umiiyak na nag-angat ako ng mukha. "Hanggang sa maniwala ako na hindi mo talaga ako minahal. Wag kang mag-alala. Kapag napatunayan ko 'yun. Hinding-hindi na ako babalik dito. "


Bumalik ako sa paggamot ng sugat ko pero hindi alintana ang sugat ko dito kesa sa sugat na dinudulog niya ngayon sa puso ko.

Hindi ako titigil. Alam kong minahal mo ako. At alam kung mahal mo pa din ako.

••••••••


NOTES/

Umuulan. Feel na feel kong masaktan ngayon huhu. Magdamag akong magsusulat hindi ko bibitinin ang lungkot niyo. Stay tuned.

VOTE. ILY.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon