CHAPTER • 7

482 15 1
                                    


CIARA

Nagising ako ng alas 3 ng umaga dahil sa malakas na kalabog sa kwarto. Mabilis napabangon ako at bumungad sa akin ang dalawang naka-hood na tao na mabilis nagsitakbuhan palabas ng kwarto.


"Sino kayo?!" Sigaw ko at hinabol sila, nadulas pa ako sa amoy pinturang nagkalat sa sahig namin. Nang magising narin si Kiko ay mabilis na binuksan niya ang ilaw.


Bumungad sa amin ang mga pinturang nagkalat sa sahig pati sa pader namin. May malaking nakasulat pa doon sa pader kaharap ng kama ko na malaking salitang torture.

Agad na tumalon ako sa cabinet ko at hinukay ang mga damit ko kung saan ko tinago ang usb drive.


Gosh, mabuti nalang at hindi nila ito nakuha.


"Sumusobra na ang Prince na 'yan!" Galit na sigaw ko.


~•~


Kinaumagahan sinugod ko siya sa basketball court kung saan siya naglalaro para magpapawis.


"Hoy!" Nag-echo ang boses ko sa court. Naagaw ko ang atensyon ng mga estudyanteng naka-gym attire. Dahil maraming estudyante ang nakatira dito, nakaugalian na daw na nagja-jogging sila around the school, minsan nanunuod sila dito kay Prince habang nagba-basketball.


Galit na sinugod ko siya at sinalubong niya din ako, taas noon pa ha?! Ang yabang!!


"Bakit?" Mayabang na tanong niya.


Inangat ko ang kamao at malakas na sinuntok ang pagmumukha niya.


Nag-slow motion pa ang sa akin ang pagtalsik ng dugo mula sa bunganga niya.


Namumula ang mga kamay na hinatak ko jersey niya. May bahid ng dugo ang gilid ng pasa at dugo ang labi niya.


"Nanggigil na ako sayo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya saka siya itinulak.


"Wow. Hanep ah." Tumatawang wika niya. Nagsitawanan din ang mga naka-jersey din niyang tropa.


"Tigre pala itong kalaban mo, pare." Wika ng Clint.


Ngumisi siya. " 'Yan lang ba ang kaya mong gawin? Hmm? Mamaya, may sorpresa pa ako sayo.." nagsimula siyang maglakad pero tumigil siya sa tabi ko. Pinanlisikan ko siya ng mga mata.


Hindi siya tumingin sa akin masama o ano. Ilang segundo niya lang tinitigan ang labi ko pabalik sa mga mata ko at nagpatuloy sa paglalakad habang nakabuntot sa kanya ang grupo niya.

~•~


First day of school. Ang aga kung nabadtrip. Pansamantala kaming lumipat ni Kiko ng kwarto habang nililinis pa ang kwarto namin.

Walang uniform ang skwelahang ito. Everyone can wear whatever they wish to wear. Your only uniform here is yourself. But eventually, the people here are not being themselves. Lahat sila nagpapaligsahan sa ganda. Tama nga si Kiko, mula kanina wala pa akong nakikitang naka-pantalon or skinny jeans. Merong iba pero naka-leather pants. Iba eh.

Papunta na ako sa Multimedia Arts Building ng mapadaan ako sa hallway ng Engineering Department. Nasa next floor pa ang classroom ko. Bumungad sa akin ang picture ng dalawang labi. Hindi kita ang buong mukha. Dalawang labinh naghalikan lang.


Mas inilapit ko ang paningin sa mga picture na iyon.


Napatakip ako sa bunganga. Naalala ko ang paghalik sa akin ng gagong iyon!


THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon