CHAPTER • 5

549 15 0
                                    




Thinking about the suicide issue between that innocent girl and Prince, sa palagay ko panahon na rin para lumaban ako. Hindi dahil may mga kakampi ako, kundi dahil kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko at kahit sino pang naaapi.


Dalawang araw nalang bago ang pasukan. Since isa akong freshman, expected ng puro mas bata sa akin ang mga kaklase ko.


I went to my study desk at kinuha ang maliit na notebook ko na good for reminders or important notes lang.


I like writing down my goals. Lalo na kapag nag-iisa ako, ang dami kong naiisip na pangarap. Like traveling the world, spoil myself much, make friends, nadagdag sa list ko ang NO TO BULLYING.


Habang nagsusulat ako ay may narinig akong parang tunog ng helicopter. Marahan kung binaling ang paningin sa balcony namin kung saan may nakita akong helicopter toy na paikot-ikot sa labas ng balcony. Napakunot ang noo ko.


Lumipat ako and slowly slide the glass door open. "Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko at biglang humampas ito sa pagmumukha ko. Nasugatan ang noo ko sa elisi ng laruang helicopter na iyon na bumagsak na sa sahig namin.


"Shhhht." Gigil na wika ko sa sarili hawak-hawak ang sugatan kong noo. Hindi naman ganun ka laki ang sugat ko pero dumudugo siya. Agad na pinulot ko ito at lumabas sa balcony kung saan nakita ko mula sa baba si Prince, kinakaway ang remote control ng helicopter toy niya.


Nang tingnan ko ito ay may nakita akong usb drive na naka-ipit sa loob ng laruan.


Agad na kinuha ko ito at tiningnan ang laman sa laptop ko.


Napatakip ako sa mukha ko. It's the video of myself inside the shower. TF!


This time its edited at may caption pa sa huli. I have the original copy, baby.


Gigil na sumigaw ako at dinampot ng helicopter niya at itinapon ito sa kanya.


Galit na isinara ko ang glass door at nagtago sa ilalim ng kumot ko at umiyak. Napaka-depressing. I was all naked in the video. Ano nalang sasabihin sa akin ng pamilya ko kapag kumalat 'yun.

Bumangon ako. "Gusto ni talaga ng laro ah, game."


~•~



PRINCE



Pumasok ako sa VIP room na malapad ang ngiti. Ang sakeeet non.



Tumawa muli ako ng maalala ko kung paano naglanding sa noo niya ang helicopter. Hahaha.



Pagbukas ko ng pinto ng VIP room ay hindi ko na natanggal ang kamay ko sa doorknob.



Shit! Ilang beses kung dinahan-dahang kunin ang mga daliri kong dikit na dikit sa door knob pero napakasakit na kunin nito!




"Shit. Who the f*ck did this!" Galit na sigaw ko habang marahang hinihiwalay ang balat ko sa door knob.




Hanggang sa may sumadal sa tabi ko na nakapamulsa pa sa jumper shorts niya. She's wearing white sleeveless inside na pinares niya sa jumper shorts niya.



"Dikit na dikit ba? Baby?" Pang-aasar niya habang nagpipigil ng tawa. "Alin kaya mas masakit? Matamaan ng laruan o madikit ang kamay sa door knob?" Tawang-tawang wika niya.




"Dikit na dikit nga.." sabi ko sabay hatak ko bewang niya at hinabol ang labi niya. Nakita niya ang pagluwa ng mga mata niya habang hinahalikan ko siya. Agad na tinulak niya ako at mabilis na sinampal.



"I hate you!" Namumula ang mga pisngi niya at halatang galit na galit siya.



"Clint, nakunan mo?" Tanong ko kay Clint na hindi niya namalayang dumating. Kinunan kami ni Clint ng picture.



Nagpapalit-palit siya ng tingin sa amin ni Clint. Namuo ang mga tubig sa mga mata niya.



Umiiyak na tumakbo siya. I wet my lower lips, can still feel her soft fluffy lips.



~•~



CIARA



Bumalik ako sa tambayang classroom nina Kiko. Umiiyak. Mabilis nagtipon-tipon sila sa akin.



"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Sahara.



Hingal parin ako sa kakatakbo kaya hindi ko pa magawang sumagot.



"Hindi natin siya titigilan. Kung gusto niya ng away, sige, magtutuos kami." Galit na wika ko at malakas na hinampas ang desk.

------------

Pumipila ako ng pagkain sa cafeteria. Nang makabili na ay nagbayad na ako ay kinuha ko na ang tray ng mga pagkain. Pagharap ko ay bumungad agad sa pagmumukha ko ang pagmumuka ni Prince.

Then popped ulit sa utak ko ang paghalik niya sa akin.

"Let me help you.." wika niya at kinuha ang tray ko.


Sinundan ko siya. "Hoy. Akin na 'yan!" Sigaw ko habang hinahabol siya.


"Tinutulungan nga kita diba? Baby?" Marahang tumawa siya hanggang sa umabot kami sa empty table.


Ilalapag na niya ang tray ko ng may biglang humila ng malakas ng table at bumagsak sa sahig ang tray ng mga pagkain. Nagkalat ang mga pagkain at juice ko sa sahig.

"Oops.." he raises his hands acting like he's guilty. Tumungo siya sa mga nagtatawanan niyang kaibigan at sinipa pa ang cup ng Juice ko.


Lalapit na sana ang janitor para linisin ito. "Manong, don't do it. Ipalinis mo sa kanya. Siya naman may gawa niyan eh." Wika nito habang may laman ang bunganga niya.



•••••••••••••

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon