FINALE

621 18 12
                                    


CIARA

Two years.

Napakatagal na panahon. Kung sa iba, napakadali lang ng dalawang taon. Pero, para sa akin parang isang dekada ang nagdaan.

Napakahirap. Bawat oras, bawat araw, bawat linggo at bawat buwan ay napakabagal.

It was a really tough two years of my life. Napakahirap tanggapin para sa akin na tanggapin ang pagkawala ng ate May ko lalo pa't isa ako sa mga dahilan. Napakahirap mahiwalay sa taong mahiwalay sa taong pinakamamahal mo ng walang paalam.

Walang koneksyon. Walang tawag o text mula sa isa't-isa. Pansamantalang nagpokus kamu sa mga sariling buhay. We've moved on from all the pain. Hinintay muna namin na maghilom lahat ng sugat. Maglaho ng tuluyan ang dating masasakit na alala.

Now, two freakin' years is finally over. Itutuloy ko na a ng forever nating dalawa, Mr. Prince Franco.

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko at lumanghap ng masarap na simoy ng hangin dito sa roofdeck.

Napakadami ditong alaala. Dito, nakalimutan kong virgin ako.

Dito namin nakilala ang isa't-isa.

Dito binigay niya sa akin ang debut na hindi ko naranasan.

Kamusta kana kaya, Franco?

Ako parin kaya ang mahal mo?

Ano na ang nangyari sayo?

Naalala mo parin kaya ako?

Nagalit ka kaya sakin ng umalis ako?

Hinihintay mo parin kaya ako?

I mean, sino namang lalaki ang maghihintay sa babae sa loob ng dalawang taon, ni hindi nga ako nagpaalam sa kanya. Siguro galit na galit saken iyon?

Ako parin kaya? Hanggang ngayon?


"Anong ginagawa mo dito?"

Parang biglang nabuhay ang katawang lupa ko at muntikan ng tumalon sa bangin ang kaluluwa ko sa gulat ng marinig ko ang napakapamilyar na boses mula sa likuran ko. Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko at dahan-dahan akong bumaling sa kanya.

"Prince.." naiiyak na wika ko.

Ini-expect ko na tatakbo siya sa akin para yakapin ng napakahigpit pero hindi iyon ang nangyari.

"Bakit ka nandito? Bakit ka bumalik?" walang emosyong tanong niya.

Bumagsak ang mga balikat ko kasabay ng mga luha ko.

"Prince, hindi ba naipaliwanag ng mommy mo sayo?" humakbang ako papunta sa kanya at yumakap. "Prince, I'm sorry. I'm really sorry."

Hindi niya ako niyakap pabalik.

Marahang itinulak niya ako. "What made you decide to come back?"

"Prince, mahal na mahal kita. May iba pa bang dahilan?"

"Kung mahal mo ko, bakit mo ko iniwan?"

I nod my head unbelievably. "All these time akala ko maiintindihan mo ko. Kailangan kong ayusin ang buhay ko, Prince."

"Bakit? Ayaw mo bang ayusin ang buhay mo ng kasama ako?"

"Prince naman?!"

"Hindi ko naiintindahan kasi, Ciara! Iniwan mo ko? Habang tulog? Ni goodbye, wala? Tapos ni hindi kaman lang nag-text at tumawag kung ano na ba tayo? Kung tayo pa ba? Halos mabaliw-baliw ako sa kakaiisip at kakaantay kung kailan ka babalik!"

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon