CHAPTER • 12

534 15 2
                                    


CIARA

Suot ang high waisted black leggings ko na pinares ko sa grey crop top at white rubber shoes, lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag pack ko na nakasablay sa kanang balikat ko.


Doon matyaga siyang nag-antay.

"Where did you get that outfit ideas?" Tanong niya habang sinusuri ang pananamit ko.

Ngumuso ako habang sinuri rin ang suot ko. "Sa youtube." Nagkakamot sa ulong sagot ko. May pangit ba sa suot ko? Hindi talaga ako marunog manamit, tbh. Kaya lagi akong nabu-bully noon eh. Pero nang ma-discover ko ang youtube, medyo natuto narin akong manamit kahit papano.


Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "That's cool. Para bumagay ka naman sakin." He chuckled and grabbed my hand.


Nagsimula kaming maglakad patungong elevator kung saan ang mga babae sa dorm ay nagwawala.


"Ngayon lang pumasok dito si Prince para sunduin ang isang babae.."


"Che. Hihiwalayan din ni Prince 'yan."


"Sinabi mo pa."


Umiling nalang ako. Alam kong maghihiwalay din kami. Kasi, agreement lang naman ito. May dalawang batas kaming sinusunod.

Pero, siempre, pababagsakin ko parin siya.

I want to serve the best revenge for the girl who committed suicide because of him. Paano niya nakakayang maglakad na parang walang nangyari?


Nang sa wakas ay bumukas na ang elevator ay pumasok na kami. Magkahawak parin ang kamay namin.


"Anong gagawin natin ngayon? May pasok pala ako, pero mamayang hapon pa." Sabi ko.


"Gusto kong sa amin ka lang ng barkada ko bumuntot para mapansin tayo ni Marchesa." Wika niya at hinatak ako palabas ng elevator ng umabot kami sa ground floor.


Nakasulubong pa namin si Miss Dinah sa hallway. I wonder kung bakit siya pinayagang pumasok sa Girls Dormitory.


"First, samahan mo muna ako sa VIP room. May kailangan akong gawin don." Mandar niya.

~•~


"Suit yourself," wika niya ng makapasok kami at mabilis ma tumungo siya sa mini-kitchen ng VIP room. Siya lang ang may ganitong VIP room? Mas maganda pa yata ang VIP room na ito sa classroom namin.


Naupo ako sa sofa at kumuha ng magazine na babasahin since wala naman akong ibang gagawin dito.


Inilapag niya sa table ang slice ng Yema Cake at Orange Juice. "The College Week will be on Saturday." Wika niya sabay upo sa tabi ko. Saka isinablay ang kamay sa balikat ko.


Agad na tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko dahil hindi naman namin kailangang gawin iyon dahil nasa loob lanh naman kami at wala si Marchesa.


"Kakatapos lang ng party, party na naman?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Yeah." Nakangiting wika sabay tango. "And the party will be Coachella Themed Party. Don't worry, it's not illegal." He assured.


THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon