CHAPTER • 56

400 16 5
                                    

PRINCE

Nakangiti siya habang nakamasid sa bintana. Gosh, thank you Lord.

Balang araw, Ciara. Magiging malaya din tayo. Malaya ko nang mahahawakan ang kamay mo. Malaya ko nang maipapakilala ka sa pamilya ko at sa buong mundo. Malaya ko nang mayayakap ka at mapapainggit ang lahat ng insecure sayo. Balang araw hindi na kita kailangang itago. Balang araw, mapapatunayan ko sa buong pamilya mo na karapat-dapat ako sayo. At karapat-dapat ka sa akin. Tayo lang, Ciara. Hanggang sa huli, tayo lang.

Tahimik lang ang biyahe namin. Hindi namin alam kung saan kami patungo. Ang alam lang namin, masaya kami.

Nakakatawa.

Mahal kita, Mahal mo ko. Ayaw ng ate mo, ayaw ng buong mundo. Bakit lagi nalang ganun?

"Anong iniisip mo?" Tanong niya. I snapped back to reality.

"Bakit ikaw ba? Anong iniisip mo?" Balik na tanong ko at isang malakas na hampas na naman sa balikat ang natanggap ko.

"Bakit hindi kana makausap ng matino ngayon?"

"Wala naman kasi akong iniisip.." kahit na mala-teleserye na ngayon ang laman ng kokote ko.

We end up eating at the McDonalds. Malayong-malayo. Four cities away para siguradong walang makakakita samin. Masayang nag-usap kami na parang katulad lang ng dati.

Nakatulala lang ako sa ganda ng mga ngiti niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko grabe. Kung pwede lang sanang hindi na tayo bumalik sa Marqueza.

_______

CIARA

Umiling-iling ako ng makita si Prince na may kausap na babae pagkatapos ng practice nila. Hinawakan pa siya nito sa dibdib  at nagpabaya lang ang leche.

TEKA! TEKA lang naman, Ciara! Ano naman ngayon kung may kalandian siya? Hindi ba't friends lang kayo? Hayy. Kainis ka.

Naagaw ng tunog ng cellphone ko ang atensyon ko. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko ng makita kung sino ang tumatawag kaya mabilis na sinagot ko ito.

"Cassy!" Sabik na sigaw ko.

"Hoy! Bakit hindi muna ako kinakausap dito ha?!" Agad na tumawa siya.

"Sis, namimiss na kita." Nakasimangot na wika ko.

"Well, ngayon hindi na kasi  susunod na kami nina Mama at Papa diyan. Kailangan naming tumulong sa paghahanap kay Seve." Sabi nito.

"Oo nga, Cas. Namimiss ko na si Seve. Sana okay lang siya. Sana inaalagaa siya ng maayos." Malungkot na sabi ko.

"Ang sabihin mo, sana, may puso naman ang kumuha sa kanya. Hay! Ang daming problema."

Napangiti ako. "Hmm. Kamusta na pala kayo ng nerd na patay na patay sayo?" Pambubuysit ko.

"Yuck! Kadiri ka, Ciara! Can you please stop? Kaya nga ako babalik diyan para makahanap na ako ng boyfriend ng lubayan na ako neto no?!" Inis na sabi niya.

"Luh? Eh di ba sabi niya noon kahit saang lupalup kapa ng mundo hahanapin ka niya?"

"What the f*ck? Shut up. Bye na nga!"

Mainitin talaga ang ulo ng babaeng iyon. Pero mabuti nalang talaga tumawag siya at gumaan ang pakiramdam ko. I miss my sister. I just wish na hindi siya dito mag-aral. At sana, makahanap na siya ng boyfriend-

"Aray!" Malakas na sigaw ko ng aksidenteng mabangga ako ng isang estudyante. Haaay! Mga bata talaga ngayon!

Mabilis na tinayo niya ako. "I'm sorry, ate." Sabi nito.

"Liam!"sigaw ni Clint na humahabol pala sa kanya kaya siya tumatakbo. Mabilis na tumakbo siya at tila nag-eenjoy pa ito. Sino naman kaya ang Liam na iyon?

Hanggang sa nakatanggap ako ng text message mula kay Prince. "I'm sorry about my little bro. Nagmana 'yun saken." Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. May isa pa siyang kapatid?

Ang gandang lahi naman oo.

___________

Kung sinu-sinong babae ang kasama at kausap niya! Ang landi talaga nito.

"Kasi nga, babae, maghanap kana ng iba!" Sigaw ni Kiko sa tenga na halos lumabas na ang eardrums ko. "Alam ko 'yan eh, ang mga titig na 'yan?! Nako! Inggit ka no?"

Binatukan ko siya. " Hinde no?!"

Gumanti naman siya ng hampas sa braso ko. "Mapanakit kana ha?! Alam ko tama 'yang ate May mo, bakit hindi ka makipagdate sa iba? Malay mo, ma-in love ka ulit. Mas bongga 'yun.."

Napaisip ako. Oo nga naman. Bakit hindi ko e-try makipag-date sa iba? Nang masampal ko sa pagmumukha niya na hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Tama. I need to date someone, new.

________

I went out with Miggy again. Pero siempre, sinigurado ko na hindi malalaman ni Chad.

Puno parin siya ng sugat sa mukha. "I'm sorry about what happened." Sabi ko.

"It's okay, Ciara. Ang importante lumabas ko ulit with me." Masayang sabi niya.

I was able to get to know Miggy at medyo nagustuhan ko ang buhay na meron siya. He's law student. Mataas ang pangarap sa buhay. Gwapo din si Miggy, kaso iyon nga lang masyado siyang matinong kausap hindi katulad ni Prince. Umiiling na napangiti ko dahil naalala ko siya.

Napadalas ang labas namin ni Miggy hanggang sa naging magaan na nga ang loob namin sa isa't-isa.

Hindi na ako bumalik sa warehouse ni Prince dahil iniiwasan ko na nga siya. At parang hindi niya na rin naman ako pinapakialaman.

Na ngayon ay pinag-aalala ko.

Hindi na rin siya nagti-text sakin.

Nainis ako. Bakit nga ba ako naiinis?! Hay! Malamang nagsawa na iyon!

_______

Since parang opisyal na tapos na nga kami ni Prince, binuksan ko ang puso ko kay Miggy.

Masaya kaming nagsayawan kasama ang iba niyang mga kaibigan sa isang bar. Magulo. Medyo umiikot narin ang mundo ko dahil medyo naparami na ako ng inom.

Naramdaman ko ang pagdikit ni Miggy sa likuran ko. Nagulat ako ng haplusin niya ang legs ko at naglalakbay ang kamay niya papunta sa bewang ko.

"Miggy, what are you doing?!" Sigaw ko pero dahil sa lakas ng tugtog ay hindi niya narinig. Nanindig ang balahibo ko ng halikan niya ang leeg ko. Itutulak ko palang siya ng may malakas na na humatak sa kanya palabas ng bar. Nang sundan ko ng tingin, si Clint, si Liam at Prince! Walang nakakita sa nangyari dahil dinala nila ito sa parking lot kung saan walang tao. Aawatin ko sana sila ng hinarang ako ni Liam at hinila papasok ng rover ni Prince.

•••••••••

NOTES/

Cassy & Liam for The Rules 3. Who's excited?! Yay! 😍

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon