CHAPTER • 64

405 20 6
                                    


CASSY

"Paano ba 'yan, Cassy. Mag-ingat ka dun ha? Sabihin mo sa ate mo, nami-miss ko na siya." Sabi ni Kiko saka yumakap sa akin.

Nahuli ko ng punta sa Greece dahil pinatapos ko muna ang natitirang buwang ko sa school.

Hay! Magkikita na naman kami ng nerd. Kainis!

Tinulungan ako nina Tope, Marc at Clint na ipasok ang mga maleta ko sa kotse. Napasimangot ako ng hindi makita si Liam.

"Cassy, regards sa ate ko ha?" Sabi ni Clint.

Malungkot na tumango ako. Lumapit ako kay Clint. "Nasaan si Liam?" Pabulong na tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Bakit?"

"Hindi man lang ba siya magu-goodbye saken?!" Inis na nagkrus ako ng kamay.

"Ano bang meron din sa inyo?"

Sumimangot ako lalo. "Wala."

"Oh, ba't ka galit?"

"Kasi gusto ko siyang maging boyfriend! Ayaw niya. Ang choosy niya ha? Akala niya gwapo siya." Pagtataray ko.

Nagpigil ng tawa si Clint at mga kabanda niya. Hinampas ko ang balikat ni Clint. "Bakit?!"

"Walang preno ha? Todo kung todo. Iba karin eh." Umiiling habang nakangiting sabi niya.

"Eto nalang. Sabihin mo sa kanya na pagsisisihan niyang binusted niya ako! Sabihin mo rin na wag siyang maglalaway saken kapag bumalik ako dito. Sabihin mo hindi siya gwapo!" Pagsisigawan ko.

Nagtaka ako dahil natahimik sila at nagpapapalit-palit sila ng tingin sa akin at sa likuran ko. Nang dahan-dahan akong lumingon. He was there. All this time na nagmumura ako tungkol sa kanya.

Nakataas noo. Naka-krus ang kamay. Yabaaaang!

"Aalis kana? Salamat naman nadinig lahat ng santo ang panalangin ko." Ngumiti siya. "Wala ng makulit na buntot ng buntot sa HINDI GWAPONG tulad ko. Ako lang siguro ang HINDI GWAPONG patay na patay kang maging boyfriend mo."

Nanggigigil na talaga ako sa mayabang na ito! Mabilis nagsangga ng kamay ng akala niya ay sasampalin ko siya.

Pero hinatak ko ang leeg niya at tumihin para maabot ang labi niya.

"Owwwww!" Pagsigawan nina Clint, Tope, Marc at Kiko.

Sinubukan niyang itulak ako pero yumakap na ako sa leeg niya.

Ngumiti ako ng maghiwalay ang labi naming dalawa. Humabang ako paatras at kinindatan siya. "See you in two years, Liam." Nakakagat sa labing sabi ko at pumasok na ng sasakyan.

Naiwan siyang nakanganga at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

KIKO

Aba-aba mukhang magbabago na ang ikot ng kwento ha? Kung sa mga ate niya si Prince at King ang aangkin sa mga ate niya. Ngayon, babae naman ang aangkin sa lalaki.  Cool. Hindi na ako makapaghintay na masubaybayan ko rin ang kwento ng dalawang ito.

__________

PRINCE

Napangiti ako habang nakamasid sa malayo. Nakatingin sa mga nagtataasang building mula sa roofdeck. Remembering the happiest moments we had together.

Mula noong una ko siyang makilala. The first time I laid my eyes on her, I know, she's the one.

Ang una naming away. The way he fight with me, gusto iyon ang ginagawa niya sa akin kapag may ginawa akong kalokohan.

The first time na hinalikan ko siya. I know, iyon ang halik na gusto kong maramdaman mula sa paggising ko sa umaga at pagtulog ko sa gabi.

The first time I hugged her. I knew, ang mga yakap niya ang magpapagaan palagi ng buhay ko kapag may pagdadaanan man ako. O kami.

Ang mga ngiti at tawa niya. Iyon ang gusto kong makita at marinig kapag pagod na pagod ako galing trabaho.

The way she cook food for me. Siya lang ang gusto kong makita sa kusina, nagluluto ng pagkain habang kinukulit siua ng mga anak namin.

And ang unang pagkakataon na isinuot ko ang singsing sa daliri niya. Nai-imagine ko siya na suot ang magarang wedding gown, napakaganda niya, tapos naluluha siya habang isinusuot ko ito sa kanya.

And the pain in her face the way we make love is the only pain I wanted her to feel.

If it wasn't because of Marchesa's stupid RULES. Hindi mabubuo ang pagmamahalan naming dalawa. Somehow, may magandang resulta ang pagiging Peacemaker niya, or Rule maker?

Hihintayin kita, Ciara.

Kahit gaano katagal.

Maghihintay ako.

Kahit habambuhay.

Mas I LOVE YOU.

Hindi ko siya susundan. I want her to live her life. I want her to move on from all the pain, except saken.

At sa pagdating ng tamang araw at panahon. Kapag tapos na ang lahat. Kapag naghilom na ang lahat. Kapag wala ng pwedeng humadlang sa akin. Kapag klaro na ang daan papunta sa panghabambuhay.

Hahawakan ko ang kamay mo ng mahigpit. Sabay nating haharapin ang mundo. Wala ng makakapigil sa atin. Tayo lang habambuhay.

•••••••••••••

NOTES/

Medyo tatagalan ko ang pag-update ng ending para parang two years lang din ang nagdaan? Hahahahahaha. See ya all in THE RULES 3.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon