CHAPTER • 13

449 15 1
                                    


CIARA

Para akong bata na ready to palo habang pinipilit akong hatakin ni Prince na sumali sa Kissing Contest na ito habang siya at tawang-tawa sa reaksyon ko.

"Ano ba?!" Gigil na sigaw ko at hinatak ko ang sarili kong braso mula sa pagkakahawak niya.

Nakangiting namaywang siya. "Baby," malakas na wika niya habang nagtitinginan ang mga tao sa amin. "Sayang 'yung premyo 5000 Pesos." Wika niya.

Nakasimangot na umiling ako. Nasa audience na kami ng program habang nagsasalita na ang host ng event na iyon sa stage. Their are tons of couple here na tila sasali sa lintik na kissing contest na ito.

"Okay.

3

2

1"

Rinig kong wika ng host at nagulat na lang ako ng hinatak ni Prince ang kamay ko papalapit sa kanya at mabilis na dinakip ng dalawang malamig na kamay niya ang pisngi ko at hinalikan ako.

I felt his right hand went behind my waist. Marahang inilapit niya ako sa kanya hanggang sa magdikit na ang mga kamay niya. I felt his soft cold lips gently touch me.

Hindi ko namalayang tuluyan na akong napapikit and actually kissing him back.

Parang biglang tumahimik ang mundo ko. Biglang dumahan. Biglang parang may musika akong naririnig. I felt some butterflies in my stomach.

I can hear our hearts beating as one. Sabay. Magkasingbilis ang tibok. Magkasingtunog.

Parang napunta kaming dalawa sa ibang mundo dahil halos hindi namin namalayan na tapos na ang 30 second kissing game. Ang host ay nasa tabi na namin ilang beses ng sinabi na nanalo na kami at tapos na ang contest.

"Guys.. Hello, Hi! Maraming tao dito, duh? You won na, tama na..."

~•~

Naglaro kami ng pingpong at kung anu-ano pa. The events of Engineering Day are fun not until I saw this..

"In loving memory of Kate, from Engineering Department."

I was busy having so much fun that I actually forgot my purpose. To serve her the best revenge. Engineer pala sana siya. Kung hindi lang sana sinira ni Prince ang buhay niya.

"Manmanan mo si Marchesa. Kailangan nating malaman kung nasaan ang videos." Bulong ni Kiko sa tabi ko habang abala pa si Prince sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Tinapik lang niya ang balikat ko saka umalis ng bumalik na si Prince sa kinatatayuan ko.

"Anong kailangan ng tomboy na 'yun?" Tanong niya habang sinusunod ng tingin si Kiko.

"Wala." Sagot ko.

Napatingin siya sa Bulletin Board kung saan nakadikit ang picture ni Kate.

"That little brat." Umiiling na wika niya at hinablot na ang kamay ko para umalis.

Tumungo kami sa sasakyan niya kung saan pinagbuksan niya agad ako ng pinto.

Napakunot ang noo ko. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Nang makaratig sa elevator ay pinindot niya ang RD button. Nagtaka ako, ano naman ang gagawin namin sa roofdeck?

" Uhm, Prince. Anong gagawin natin sa roofdeck?" Tanong ko habang hinihinta naming bumukas ang elevator.

Binitawa niya ang kamay ko at namulsa. " Ano bang gusto mong gawin sa roofdeck?" Nanunuksong lumingon siya sa akin sabay sayaw ng mga kilay niya.

Mabilis na hinampas ko siya sa balikat. "Bastos!" Inis na sigaw ko.

Tumawa naman siya. " Bakit? Wala naman akong sinasabi ah?" Natatawang wika niya. " Napakadumi ng utak mo." Dugtong pa niya.

" Ako pang madumi?! Baka nakalimutan mo ang ginawa mo sa akim sa VIP room! Gusto mo bang kasuhan kita?!" Sigaw ko.

Tumawa lang ulit siya. " Bakit? Parang gusto mo rin naman ah," sabay kagat ng labi niya.

Malakas na kinurot ko siya sa balikat. "Yuck! Kadiri ka, sa lakas mo sa tingin mo makakagalaw ako?!"

"Uhm, excuse me?! Tapos na kayo mag-away? Pwede padaan?" Wika ng isang estudyante. Sa likod niya ay sandamakmak na estudyante rin na tila kanina pa yata nanunuod aa aming dalawa.

Hiyang-hiyang nagkamot siya ng noo. " Sorry guys, LQ kasi kami eh." Wika niya sa mga ito habag isa-isa silang naglalabasan.

Agad na hinatak niya ako papasok sa elevator. May iba pa sanang papasok ngunit mabilis niyang pinindot ang close button. Tarantado to ah?!

Nang makarating sa roof deck ay naupo kami sa wooden bench doon.

Doon itinuro niya sa akin ang isang bench sa tabi namin.

" That bench, diyan palaging nakaupo ang nerd at old fashioned woman na si Kate." Wika niya.

Bigla akong nagkainteres sa sinabi niya.

" She's always alone. Ilang beses ko ngang pinaalis iyon dahil teritoryo ko ito. Ang kulit, kailangan ko pa siyang kaladkarin..."

Saksakan nga ito ng sama.

"Binibigyan pa ako ng kung anong basura. I really hate her. Mula sa pananamit niya, sa pangit na pagmumukha niya. Sa sirang boots niya. Ang lahat-lahat sa kanya."

Namuo ang inis at eagerness ko na makaganti para kay Kate. Paano niya nagagawa ito?! How he treat her that way?! Wala siyan puso.

"But..."

"Hey guys!"

Biglang naputol ang usapan namin ng dumating si Clint at ibang barkada nita.

••••••••••••

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon