CHAPTER • 60

342 13 4
                                    

It has been a month since me and Prince stopped talking. Nagpaka-busy ako sa pag-aaral at sa Tales Club. Madalas na kasing lumalabas ang club namin to reach out with the out of school youth at mga batang lansangan. Mas naging makabuluhan ang buhay ko dahil nakakatulon ako sa mga tao.

Nakiusap ako kay ate na hindi na muna ako dalhin sa Greece. Patatapusin ko nalang ang natitirang tatlong taon ko dito.

Naging busy si ate May sa kakabantay kay kuya King dahil umalis si Ate Claire papuntang Amerika para tumulong sa paghahanap kay Seve.

"Ate, napansin mo si Ate May? Masyadong hands on kay kuya King. Siya pa nagpapalit ng damit." Sumbong ni Cassy. "Pagkatapos palagi niya ring kinakausap. Tapos nahuli ko nga siya minsan, hinaplos niya ang pisngi ni Kuya King tapos nakahawak siya sa kamay." Inosenteng sabi ni Cassy.

Hindi kaya mahal niya parin si Kuya King? Kaya hanggang ngayon bitter parin siya?

"Ano kaba? Siempre kailangan ni Kuya King na may makakausap no?" Sabi ko. "Importanteng may nagpapalakas sa loob niya." Dugtong ko kahit may pagdududa din ako.

"Hello?! Hindi ako tanga noh? Kung kailangan wala si Ate Claire kaya niya ginawa 'yun?"

Kung may mas harsh sa aming magkakapatid si Cassy 'yun. Madali niyang naaamoy kung may kakaiba at kahina-hinala. Chismosa kasi to.

"Parang ikaw lang, ate. Kahit anong gawin mong pagpapaka-busy, at the end of the day, si Prince parin laman ng kokote mo!" Aniya at tumawa.

Kumunot ang noo ko. "Alam mo, ikaw? Kay bata-bata mo pa ang utak mo kung anu-ano ang laman.. Saan ba napunta ang matino mong utak?"

Tumawa siya at nginuso ang dibdib niya. What the fffff.

" Kita mo? Sa taba ng utak mo wala ng naiwan sa dibdib mo.. " ganti nito sa akin at mabilis na tumakbo dahil tinangka ko siyang hampasin.

"Ate?! Ate?!" Pagsisigawan niya sa pinto kaya mabilis ko naman siyang pinuntahan.

"Ay? Akala ko ikaw tong pinto," huling hirit niya at kumaripas sa pagtakbo.


Mabuti nalang talaga magkaiba kami ng dorm. Hindi ko talaga natitiis ang batang iyon. Ang ingay. Kapag may dalaw hindi nagsusungit pero kumakanta. Gosh! Her voice is so annoying na parang maghahanap ka nalang ng taling ikakabit mo sa ulo mo at bibitayin mo nalang ang sarili mo. Siya talaga ang pinakamakulit sa aming apat. Siya ang bunso, eh.

Napadaan ako sa stage bitbit ang isang kahon kung saan tumutugtog si Prince at kabanda niya. Ilang segundo lang akong sumulyap sa kanya at umiwas agad. Inilapag ko ito sa nakarayang lamesa kung saan nakalagay ang mga libro na isinulat naming lahat. May mga bisita kami mula sa isang foundation.

"Ate!" Tawag ng isang batang babae.

"Hi." Masayang bati ko.

Sinuri niya ang mukha ko na parang may inaaalala. "Kaano-ano niyo po si Claire?" Tanong nito.

Ngumit ako. "Claire Sanchez?" Pagtatama ko.

"Opo! Siya po!" Sabik na sabi niya.

"Ate ko siya." Masayang sagot niya. I think she's around 12.

"Kaya pala magkamukha kayo.."

"Hmm. Bakit?"

"Ako pi si Maureen. Taga-Silay po ako. Ako po ang tinulungan ni Ate Claire na bata sa foundation. Cancer survivor po ako!"

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon