CHAPTER • 48

334 18 5
                                    

2 Months.

"Kamusta summer mo, Ciara?" Tanong ni Kiko habang naglalakad kami papuntang dorm.

Ngumiti ako. "Walang summer para sa akin. Tinulungan ko sina ate na mahanap si Seve. Hanggang ngayon, wala paring lead ang mga pulis kung nasaan siya. Halos mabaliw na nga si Ate Claire. Pero nagpapakatatag siya."

"Hay. Kawawa naman si Seve. Tsaka ang ate Claire at Kuya King mo. " Tinapik niya ang balikat ko. "Eh, ikaw? Kamusta ka?"

Alam ko ang ibig sabihin niya. Kamusta ako? Kamusta ang puso ko?

Heto. Hindi okay na nagpapanggap na okay.

"Okay lang ako." Sabi ko.

"Weh? Hindi mo siya namimiss?"

I rolled my eyes in annoyance. "Bakit ko naman siya mamimiss? Siya nga nang-iwan diba? Siya nanloko!"

"Oh, ba't galit ka? Hay.."

Nang makapasok sa dorm ay agad kaming nahiga sa namiss naming kama.

Agad kaming naglinis at inayos ang mga gamit namin. Sa kalagitnaan ng general cleaning namin ay may kumatok.

"Ako na." Boluntaryo ni Kiko saka tumakbo siya papunta sa pinto.

"Hi.. I'm Cess." Narinig kong sabi nito.

"Hello." Tugon ni Kiko. Sumilip ako at nakita ko ang magandang babae na sobrang wow, kagalang-galang. Mahaba na super itim ng buhok niya. Nakasuot siya ng pink dress at naka-white flats.

"Gusto ko sanang magpatulong kasi hindi ko mabuksan ang glass door sa balcony ko." Mahinhing wika niya.

"Ah. Sure! Saan ba ang room mo?"

"G70."

G70. Magkatabi lang pala ang room namin. G69 kami eh. Nagpatuloy ako sa paglilinis at nang madapo ang tingin ko sa balcony, naalala ko ang helicopter toy ni Prince. Napangiti ako. Mungtanga ka Ciara! Gago 'yun bakit ka kinikilig?

Pumunta ako sa balcony at nakita ko ang iba't-ibang mundo ng bawat estudyante. May nagtatalunan kasi nagkita ulit. May humahalik na sa mga magulang ng paalam. May mga nagkakantahan sa umbrella. May nag-uusap.

Nakita ko rin ang mga kabanda niya. Si Tope, si Marc at Clint. Nasaan naman ang walang puso nilang lider? Sana naman nalunod na sa sabaw 'yun.

"Ciara!" Malakas na sigaw ni Clint habang kumakaway sa akin.

Pumekeng ngiti at napilitan akong kumaway. Che! Magkasabwat kayo. Dapat nga hindi ko na kayo pinapansin eh."

"Clint!!" Napalingon ako sa kabilang balcony. Iyong Cess, masayang kumakaway kay Clint. Magkakilala sila? Labis ang saya ng tatlo ng makita din ito.

Pumasok ako ng maramdaman kung pumasok na si Kiko.

"Hay. Ang ganda ng kapitroom natin." Malapad ang ngiting sabi nito.

"Nakita ko nga.." sabi ko.

"Gusto niya daw magdinner dito kasama natin, libre niya daw." Sabi nito

Napakunot ang noo ko. "Nako, nakakahiya. Sabihin mo wag na."

"Huy. Mas nakakahiya kung hindi ka papayag no? Nakikipagkaibigan lang naman. Baguhan daw 'yan dito."

Nagkitbit-balikat ako." Ikaw bahala.."

Nagpatugtog ako ng radio. Kakatapos lang ng kanta ni Ed Sheeran. Naglipat ako ng channel. Napatigil ako sa pamilyar na kanta.

Slow down make it last..

I'm having the time of my life..

So take your photograph..

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon