CHAPTER • 63

385 17 9
                                    

(PLEASE DOWNLOAD OR SURE TO HAVE INTERNET CONNECTION TO PLAY THE SONG ABOVE.)

PRINCE

Patagong napadala ko na sa mga pulis ang lahat ng ibidensyang nakalap ko.

Ngayon, papanuorin ko nalang siyang kakaladkarin ng mga pulis.

In-start ko na ang sasakyan para puntahan si Clint. Tinawagan ko siya habang nagmamaneho na.

"Clint, I'm on my way there." Nakangiting sabi ko.

"Pare.. nahuli ako ni Drake." Bakas sa boses niya ang panghihina.

"What?! Nasaan ka?! Sabihin mo pupuntahan kita diyan!" Galit na sigaw ko.

Nanginig ang buo kong katawan ng si Drake na ang sumagot. " Pumunta ka dito sa roof deck. Wag na wag kang tatawag ng pulis kundi itutulak ko 'tong kabigan mo."

Binaba ko na ito at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko doon. How the hell did he get to Marqueza? Bakit si Clint?!

CIARA

Nagtago kami ni Kiko sa VIP room dahil dinampot ni Drake si Clint dahil ayaw nitong sabihin kung nasaan ako.

"Tumawag na tayo ng pulis!" Nanginginig na sabi ni Kiko.

Ilang sandali ay malakas na katok ang bumulabog sa aming dalawa.

"Sina Liam ito!" Sigaw nito saka mabilis ko itong binuksan.

Winala ni Drake si Tope, Marc at Liam para mas madali niya akong makuha pero mabilis na niatago din ako ni Clint. Si Cassy ay naiwan sa hospital kasama si ate May.

Nagplano silang tatlo kung paano tutulungan si Clint.

"Kailangan na nating tumawag ng pulis bago mahuli ang lahat.." wika ni Kiko.

"Kapag nalaman niyang may mga pulis baka kung anong gawin niya kay Clint." Sabi ni Marc.

"Sigurado, alam na niyang aarestuhin na siya. May nagtiktik na sa kanya na may nagpadala lahat ebidensya." Sabi ni Liam.

"A-ano ng gagawin natin?!" Nag-aalalang tanong ko dahin nag-aalala na ako kay Clint.

"For sure, papupuntahin niya doon si Prince. At kapag pumunta si Prince doon sila magtutuos."

Mas lalo akong kinabahan at nag-alala. "Magsumbong na tayo sa pulis! Ano ba kayo?!" Galit na sigaw ko. Sinubukan nilang tawagan si Prince pero hindi na ito sumasagot.

Wala na kaming ibang maisip na paraan kundi tawagan nalang ang pulis.

PRINCE

Nadatnan ko si Clint na nakaluhod sa harap ni Drake. Nakatali ang kamay at paa at may duct tape amg bibig habang nakatututok sa ulo nito ang baril ni Drake.

"Prince, Franco! My favorite cousin!" Tumawa siya ng malakas at itinutok sa akin ang baril. "Walang hiya ka! Paano mo nagawa sa akin ito?! Sarili mong dugo? Hayop ka!"

"Ano bang gusto mo?!"sigaw ko.

Tumawa siya. "Since makukulong narin naman ako, papatayin na muna kita." Gigil na sabi nito.

Pumekeng ngisi ako. "Napaka-duwag mo talaga kahit kailan. Matapang ka lang naman kasi may baril ka."

Bakas ang galit sa mukha niya sa sinabi ko. "Sinusubok mo talaga ako?! Sige! Magtuos tayo! Para pagdating ng girlfriend mo dito, parang lantang gulay kana. Hmm? I-rape ko narin kaya siya para magkapatid. Hindi ba?"

Tumaas ang dugo ko sa sinabi niya kaya tinakbo kn siya at malakas na sinuntok. "Wag mong idamay si Ciara! Hayop ka!" Pinaulana ko siya ng malalakas na suntok. Gumanti siya ng suntok at hinampas ako ng baril kaya bumagsak ako sa sahig.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon