CHAPTER • 39

316 17 3
                                    

Hindi ko na natiis na tapusin ang gabi na para akong preso sa loob ng VIP room sa club. Natulog na lamang ako dahil napagod ako sa kakaisip buong araw.

Kinaumagahan,

Paggising ko ay bumungad sa aking red rose petals na nakakalat sa puting kumot at bed sheet ko. Pati sa sahig namin ni Kiko.

Gumuhit ang mga ngiti ko at napailing. "Good morning, baby.." masayang bati niya bitbit ang tray ng breakfast.

Kahit badtrip ako sa kanya kagabi, gumagawa parin siya ng paraan para kahit papaano ay makabawi siya sa akin.

"Wow, breakfast in bed.." nakangiting wika ko saka kumuha ng fresh strawberry. Naghanda siya ng pancake, hot chocolate at strawberries.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Napatawa ako. "Pero gusto ko sana may kanin eh, saka tuyo. Oh, kaya pandesal. Masyado ka namang sosyal eh. May di pa roses-scattered-all-over-the-floor ka pang nalalaman diyan.."

"Pandesal lang maibibigay ko sayo eh.." sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "Eh wala ka namang pandesal."

"Meron." Sabay kindat at dahan-dahang tinaas ang puting t-shirt at pagiling-giling pa.

Napahawak ako sa noo at hindi mapigilan ang pagtawa. Hinampas ko siya ng unan. "Loko ka, ambastos mo.." natatawang wika ko.

Umusog siya malapit sa akin at pinulupoy ang mga braso sa bewang ko. " I'm sorry. " Alam kung galing ang sorry na iyon mula sa puso niya kasi ramdam na ramdam ko at tagos na tagos sa lamam ko.

"Ang arte.. Naiinis kang kasi ako kasi may ka loveteam ka dito eh." I rolled my eyes.

Ibinaba niya ng konti ang ulo niya para habulin ang mga mata ko. "Hayaan mo sila. Okay? Ang importante, walang ibang nagmamay-ari sa akin maliban sayo."

Matagal akong napatitig sa mapupungay niyang mga mata. The way he stare at me can make me melt in seconds. Iba talaga ba ang mga titig niya na parang ikaw ang pinakamagandang babaeng nakikita niya.

Inabot ko ang labi niya. I miss him so bad. Even this kiss.


"Sh*t. Doon ka muna matulog sa akin mamaya, pwede?." Pabulong na wika niya sabay kagat ng ilalim niyang labi at tumingin sa labi ko.


Hinampas ko ang dibdib niya. "Hay nako, Prince. Mabuti pa't umalis kana, make sure walang makakahuli sayo.."


Marahang pinisil niya ang tagiliran ko.

"Aray.."


"May tinatanong ako.."

Pangisi-ngisi siya habang hinihintay ang sagot ko. "Fine."

"Yes!" Pasigaw na wika niya with arms wide open pa.


Hinampas ko ang dibdib niya. "Ang ingay mo! Umalis ka na nga." Natatawang wika ko saka siya bumaon ng halik sa labi ko..

"I love you.." agad na sabi niya ng maghiwalay ang labi namin.

"Mas I love you.." tugon ko.


"Ang sarap talaga pakinggan ng Mas I love you mo.."


"Sige na, umalis kana. Magkita nalang tayo mamaya.."

"Okay." He bit his lower lip saka tumayo na at umalis.


____________


Sabay kaming kumain ni Kiko sa cafeteria. Mula sa kinauupuan namin ay biglang umupo doon si Kate.

"Kiko! I've missed you. Magkaibigan pala kayo ni Ciara?" Tanong niya na kunwari ay nagulat. Ang tagal na naming naglalakad ni Kiko dito sa school na magkasama imposibleng hindi niya alam. Gosh.

"Oo, eh." Sagot ni Kiko.

"Kaya pala, bigla mong nakalimutan na best friend mo ako.." anito.

Hindi na sumagot si Kiko kaya binaling naman niya ang paningin sa akin. "Hi, Ciara! Sorry, hindi nakita natawagan kagabi ha? Kasi, si Prince, eh. Sabi niya wag na daw kitang isama.. Baka daw may makakita sainyo?"


Tanga. Kung alam mo lang. Ang feeling mo.

"Oo nga eh, para din naman sa amin 'yun.." sabi ko.

"Ang saya nga eh. Sana nandon ka. Eh di sana sayo niya pa inalay ang isang kanta niya.."

Binigyan ko si Kiko ng Pigilan-Mo-Ko-Nangigigil-Na-Ako look.

"Okay lang. Palagi niya naman akong kinakantahan, eh." Pumekeng ngiti ako at halata ang bitterness sa mukha niya.

"Anyways, nandito ako para imbitahan kayo sa birthday ko. Mamayang gabi na 'yun. Kayo nalang ang hindi ko naimbitahan.."


"Baka hindi kasi ako makapunta, Kate."

"Hindi pwedeng hindi, Ciara. Besides, birthday ko naman 'yun. Walang maghihinala sa inyo ni Prince.."

Pero magkikita kami mamaya sa warehouse niya.

"Susubukan ko." Sabi ko.

"Okay. I'll see you both!" Saka umalis.


________

KATE

"Prince needs to give me the best birthday gift that I deserve.. At gusto kong matunghayan mo 'yun, Ciara. Mang-aagaw." Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

"You will see us under the covers.. Both naked. Tapos magagalit ka. Magwawala. Tapos maghihiwalay kayo. Aw, how dramatic."



________

PRINCE

She took my jacket off nang dumating ako sa bahay niya. Malagkit ang tingin niya sa akin na para bang kakainin niya ako.


Hindi naman siya dating ganito. She looks disgusting now.


"Kate, nasaan na ang project mo? Tatapusin ko na. Di ba deadline na bukas?" Sabi ko looking away.

Hinawakan niya ang dibdib ko. "You can still take me, Franco. I'm still yours." Like what the f*ck?!


"Kate, may mga tao sa baba. May party sa bahay mo kaya bilisan na natin, na tapusin na natin 'yang project mo.."

"Wala akong project."

"What?! I've wasted my time doing that sh*t! Nag-away pa kami ni Ciara dahil nawalan ako ng oras sa kanya!"


"So, that means? Mas mahalaga ako sa kanya."


Ipinasok niya ang mga kamay sa ilalim ng damit ko at hinalikan ako. Mabilis na naitulak ko siya.


"What the hell, Kate?! Anong nangyari sayo?! Hindi ka naman dating ganyan ah?"

Namuo ang mga luha sa mga mata niya. "Because I want you back, Prince!"

Umiling lang ako at lumabas ng kwarto niya.


Umalis ako sa party at pinuntahan ang taong mahal ko na naghihintay sa akin ngayon. Hindi ko na siya pinapunta dito kasi ayokong mag-isip siya ng masama kapag pumasok ako sa kwarto ni Kate.


I love her to death. Hindi ko siya kailanman kayang lokohin..


•••••••

NOTES/


HAYY. Isang Prince Franco nga sa buhay ko. 😭

#TheRulesbyGraceM

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon