CHAPTER • 38

379 15 11
                                    

Simula ng dumating si Kate, kahit pa pinakilala ako ni Prince sa kanya, nag-aalala parin ako. Lalo pa't patago ang relasyon namin habang sila, pinagkakaguluhan na para bang mga artista na hinihintay ang pagbabalikan nila.

Madalas silang magkasama in public. Nagkakasama lang kami ni Prince sa warehouse. Hindi na nagiging madalas ang paglabas namin dahil tila dumoble ang oras niya dahil kay Kate, may banda pa siya at nag-aaral din. Maliban don marami pa siyang ibang pinagkakaabalahan kaya halos wala na siyang naisisingit na oras para sa akin.

Pero iniintindi ko parin. Kahit sobrang nasasaktan na ako.

"Hi, Cia! Kamusta?" Tanong ni Kate ng bigla itong umulpot sa harap ko.

Ngumiti ako. "Ok lang ako." Parang dinudurog ang puso ko nang sagutin ko 'yun. Kasi  kabaligtaran ng ok lang ako ang totoo kung nararamdaman.

"Gusto mo bang manuod tayo ng gig ni Prince?" Anyaya nito.

Siempre. Nagdalawang isip ako. "Kate, alam mo naman ang sitwasyon namin di ba?" Malungkot na wika ko.

Sumimangot siya. "Nako, madilim naman doon eh. Saka, don't worry, sa pinakadulo naman tayo pupwesto." Aniya.

"Pero, baka kasi mahuli tayo eh." Sabi ko.

Nag-isip siya. "Magagawan natin 'yan ng paraan."

"Sige, ikaw ang bahala."

"I'll just call you later, babye!"

I miss him. So much.

Ang sakit-sakit sa pakiramdam na hanggang tingin lang ako sa kanya. Hindi ko makausap ng maayos. Ng matagal.

Pakiramdam ko tuloy, hindi ako mahalaga sa kanya.

Speaking of him, sa wakas, naalaa niya akong tawagan. Mabilis ko naman itong sinagot.

"Oo na po, sorry na po." Inunahan niya na ako dahil alam niyang nagtatampo ako sa kanya.

"Hindi. Okay lang." Wika ko kahit namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.

"I'm really sorry, baby. I promise, babawi ako sayo. Okay?"

Napaiyak na lamang ako, para akong batang kinukuso ang mata. I tried not to make any sound para hindi niya malamang umiiyak ako.

"Ciara, sumagot ka naman oh. Nag-aalala na ako. Nasan ka ba?"

I cleared my throat. " Uhm, actually may pasok ako ngayon. Ikaw ba?" Tanong ko.

"Nandito ako sa Acoustic Club. May mentoring kami ngayon sa mga bagong club members. Don't worry, susunduin kita mamaya sa labas ng school pagkatapos ng mga duties ko today.." sabi niya.

"Ano pa ba ang mga gagawin mo?"

"Uhm. Pagkatapos nito may klase ako, pero isang oras lang naman 'yun.. Tapos after class  tatapusin ko lang ang project ni Kate. Wala kasing magdu-drawing para sa kanya eh, kawawa naman. And then, diretso na ako sa rehearsal. Pagkatapos ng rehearsal, I can take you out for a dinner.."

Napapikit ako habang tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.. "Prince, pagod kana niyan eh?" This time namaos na ang boses ko.

"Ciara, umiiyak ka ba?"

"Ok lang ako.."

"Ciara naman.. Sige na, I will cancel everything today. Nasaan ka ba?"

"Prince naman eh. Pinagmukha mo pa akong selfish."

"Hindi naman. Just tell me where you are."

"Prince, tapusin muna ang trabaho mo. Kasi may pasok pa naman ako eh."

I heard him sighed. " Okay.. Basta magdi-dinner tayo ha? Sobrang nami-miss na kita."

Umiyak ako ng umiyak. I didn't make any sound kasi ayokong mabigat ang kalooban niya habang ginagawa ang responsibilidad niya. "I miss you too."

"I love you.." wika niya.

"Prince! Nandito si Kate!" Narinig kong sigaw ni Clint.

"Babe? Are you still there?"

"Ciara.."

"I said I love you.."

Hindi ko na magawang makasagot sa narinig ko. Mabilis na tinapos ko na ang tawag. Nagpunas ako ng luha at pumasok sa klase ko.

____________

Katulad ng pangako niya, sinundo niya ako sa labas ng school.

Binati niya ako ng halik sa noo. "Kamusta ang mahal ko?" Tanong niya.

Halatang pagod na pagod na siya. "Prince, pagod ka na. Magpahinga ka naman.."

"Lagi naman akong pagod eh, sanay na ako. At basta para sayo, hindi ako kailanman mapapagod." Ngumiti siya at nahawa ako sa ngiti na iyon. "I love you.."

"Mas I love You.."

Tumawa siya. " 'Yan, napangiti na kita. Siyanga pala, may gig ako mamaya sa Lights Club."

"Sinabi nga sa akin ni Kate. Niyaya niya pa nga ako.."

Sandaling bumaling siya sa akin at pinukos agad ang paningin sa daan. "Really? So, are you coming?"

"Pwede ba?"

"Hay.. Siempre, bakit hindi?"

"Baka may makakita sa akin doon."

"Harapin ko na kaya ang Ate May mo? Pati ang buong pamilya mo.. Para maging opisyal na tayo."

Umiling ako. "Hindi nga pwede diba? Ang dami nilang problema ngayon.."

Bumuntong-hininga ako. "Pero, gusto mo ba talagang sumama?"

Tumango ako .

________

Pagkatapos mag-dinner ay patagong ipinasok kami(ako at si Kiko) ni Clint sa VIP room malapit sa backstage. Walang ibang makakapasok doon kundi ang may gigs lang.

"Are you sure you're gonna be okay here?" Tanong ni Clint. Tumango ako.

"Don't worry, rinig naman kami dito mula sa stage eh.." aniya at saka tinapik ang balikat ko. Pagkalabas niya ay pumasok agad si Prince.

Niyakap niya ako. "Are you sure, ok kalang dito?"

Nakangiting umiling ako. "Oo nga. Good luck." Hinalikan ko siya and the way he response to my kiss is just the most satisfying feeling in this world.

Ngumiti siya ng maghiwalay ang mga labi namin at lumabas na.

Para kaming preso ni Kiko doon. Okay na ako na naririnig ko ang maganda niyang boses. Lalo pa nang sinimulan niyang tugtugin ang paborito naming kanta. Bago paman magsimula ang lyrics ay nagsalita siya.

"This song is for the person who makes me really.. really happy." Gumuhit ang ngiti sa labi ko, not until.

"Si Kate?!"

"Kate!!!"

"Kate is here!!"

Bumagsak ang mga balikat ko at napayuko nalang. Tinapik ni Kiko ang balikat ko, "Wag kang mag-alala. Alam mo sa puso mong para sayo 'yan.."

Slow down make it last..

I'm having the time of my life.

And take a photograph..

Let's jump and never look back.

••••••••

NOTES/

You can post my stories in facebook or IG using the hashtag #therulesbygraceM para makita ko siya. I love you guys! See yah all on my next update. Mwahugs.

Congrats Guys! We are rank #274 now, sa 1000 best Romance Stories. Ang galing natin. Ahihi.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon