CHAPTER • 19

400 14 0
                                    

"Hi, Ciara!" Nakangiting bati ni Clint habang tumatakbo siya papunta sa akin. Kakalabas ko lang ng classroom, kakatapos lang kasi ng klase namin.

Hingal na tumigil siya sa harap ko. "Bakit?" Tanong ko.

Umayos siya ng tayo. "Roof Deck, Now." Wika niya at agad na kumaway ng paalam.

Napakunot ang noo ko. Na naman? Pero gabi na ah?

Ano naman kaya ang gagawin namin don?

Biglang napataas ang dalawang kilay ko. "Oo nga pala.." sabay hawak sa panga ko. Napangiti ako saka kumaripas sa Roof Deck.

Dahil fully loaded ang elevator ay hinagdan ko ito.

Pagkarating sa 4th floor halos ay gumapang na ako.

Hinahabol ang hiningang naupo ako sa 6th floor.

"Leche," napamura ako sa sarili. Napasandal ako sa pader at sandaling pumikit habang nagpapahinga.

Hanggang sa may panyong  dumampi sa noo ko, marahang pinupunasan ang mga pawis ko.

Pagbukas ko ng mga mata ay ang maamong mukha at nakangiting mga mata ni Prince ang bumungad sa akin.

"Masyado ka namang excited sa surprise ko." He chuckled and took my chin for a kiss.

I don't exactly have any idea why the hell is he doing this?

Saka binuhat niya ako.

Nakasablay ang mga kamay ko sa leeg niya habang tinatahak namin ang hagdan papunta sa roofdeck.

Gosh, hindi man lang siya hinihika. Ganito na ba ako kagaan?

"Uhm. Prince?" Tanong ko.

"Bakit?" Tugon niya.

"Gusto mo ba ako?" Nakanunot ang noong tanong.

Bigla siyang tumawa. "Assuming si ate oh.."

"Seriously, bakit mo ginagawa sakin 'to?"

"Kasi nga girlfriend kita. Kahit totoo pa ito o hindi, ayoko namang maging walang kwentang boyfriend no?" Nakangiti na naman ang mga mata niya ng tumingin sa akin.

Pagkarating namin doon ay agad na malapad na gumuhit ang mga ngiti ko habang binababa niya ako.

Napaikoy ang mga mata ko sa buong Roofdeck na ngayon may dalawang cherry blossom tree na.. Ang dalawang cherry blossom tree na ito ay binuhay ng mga blue and white Christmas lights. Sa gitna ng dalawang cherry blossom trees ay ang isang table with wine and dinner in it. Napakaganda ng roofdeck dagdagan pa ng napakagandang view ng syodad sa gabi.

"Wow," tanging salitang lumabas sa labi ko at humakbang papunta sa table.

Nakangiting sumulyap ako sa kanya.

He offered me a seat. Saka siya umupo sa harapang upuan.

"Para saan to?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Since hindi natin masyadong na celebrate ang monthsary natin, heto.."

Napalunok ako ng laway at seryosong nagkatitigan kami. "Hindi ko alam kung bakit trinatrato mo akong parang.. totoong girlfriend pero, wow, thank you."

"Sinabi mo kasi sa akin kahapon na may lalaking nagpadala sayo ng flowers, baka kasi agawin ka niya sa akin." Tumawa siya ng marahan at kumindat.

Gosh, what is he doing?

Nag-aalala na ako baka may matinding balak ang mokong na ito.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon