CHAPTER • 62

342 19 5
                                    

PRINCE

Ayokong masaktan ka. Ayokong magkagalos ka. Ayokong mahawakan at masaktan ka ni Drake kaya pu-protektahan kita.

"Oh. Hello my favorite cousin? Himalang umuwi ka." Wika ni Drake ng madaanan ko siya sa pool area.

"Hindi ako magtatagal." Umalis agad ako pero hinarang niya ang daan ko.

Namaywang siya. "Don't you dare do anything stupid,you bastard." Taas noong banta niya sa akin.

"Tabi." Sabi ko.

Aalis na sana ako ng itulak niya ako pabalik sa kinatatayuan ko. "Maangas ka nga. Pero demonyo ako."

Bumaon ang tingin ko sa kanya. "Demonyo ka nga. Demonyong duwag sa kulungan." Ngumisi ako at inulo hanggang paa siya.

Dinakip niya ang damit ko. "Ano? Gusto mong masunod kay King?"

Malakas na kinuha ko ang kamay niya at inayos ang damit ko.

"Wag ako, Prince." Banta niya, while clenching his jaw.

"Mas wag ako, Drake." Ganti ko at binangga ang balikat niya.

______

"Ano na ngayon ang balak mo, pare?" Tanong ni Clint.

"Sa ngayon, kailangan ko lang protektahan si Ciara. Alam kong hindi siya gagalawin ni Drake dahil lagot din siya kay May. Pero pero pwede din siyang gamitin ni Drake laban sa akin para manahimik ako."

Tinapik ni Clint ang balikat ko. "Akong bahala kay Ciara. Kasama mo ko dito. Babantayan ko siya para sayo."

"Salamat, pare."

_______

CIARA

"WHAT?!" Umiiyak na sigaw ni Cassy. Napasandal siya sa pader at nanlumo. Hindi siya makapaniwalang magagawa lahat ito ni Ate May.

"We have to keep it. Kapag nalaman niyang alam natin, ipapatapon niya tayo pabalik ng Greece para mas malaya niyang magawa ang plano niya." Sabi ko. Nasa labas kami ng kwarto namin dahil may mga cctv ang kwarto namin.

"Kawawa naman sina Ate Claire at King, pati kayo ni Prince nadadamay. Wala na siya sa matinong pag-iisip! Dapat sa kanya sa mental!" Galit na sigaw niya.

"Kailangan nating gumawa ng paraan. Bago pa lumala ang lahat."

"Anong balak mo?"

"Maghihintay muna ako sa balak ni Prince. Delikado kasi tayo kay Drake. Ako ang gagawin niyang laban kay Prince dahil may alam si Prince sa nangyayari."

"Nako! Paano na 'yan?"

"No worries, ladies."

Sabay kaming napabaling sa nagsalita. Si Clint. Kasama si Tope, Marc at Liam.

Lumapad ang ngiti ni Cassy ng makita si Liam.

"Nandito kami para bantayan kayo. 'Yan ang matinding bilin ng Prinsipe."

Napangiti kaming dalawa at nagyakapan kaming lima. Maliban sa dalawang ito na inis yata sa isa't-isa.

_________

"Ciara.." tawag ni Ate May ng lumabas siya sa kwarto ni Kuya King.

Agad na tumayo ako. "Bakit, ate?" Tanong ko.

Inulo hanggang paa niya ako ng tingin. "Umalis na kayo ni Cassy. Tatawagan ko nalang kayo ulit kapag kailangan ko kayo."

Napalunok ako. " Pero ate, gusto ko po sanang makwentuhan si Kuya eh.. Para naririnig niya din po ako.."

"Ano naman ang iku-kwento mo sa kanya?" Nagtaas na siya ng kilay.

"Sige na nga po. Susunduin ko nalang si Cassy sa cafeteria." Sabi ko at umalis.

Sana okay lang si Kuya King. Baliw kana talaga, Ate. Masakit man para sa akin ito pero kailangan kong itama ang mali mo.

Sinundo ko si Cassy sa cafeteria at nag-taxi kami pabalik ng dorm. Tinawagan ko si Prince.

"Prince, kamusta kana?" Tanong ko.

"Okay na ako, tumawag kana eh. I miss you.." napangiti ako. Siya lang talaga ang nakakapagpapagaan ng loob ko. Hindi kasi siya pwedeng maunang tumawag sa akin dahil baka magkataong magkasama kami ni Ate.

"I miss you too." Sagot ko.

"Mag-iingat ka diyan ha? Wag ka munang masyadong lumabas kapag wala ka namang pasok. Lagi mong e-text kay Clint kung nasaan ka. Okay?"

"Oo na po, mahal na prinsipe. Walang mangyayaring masama sa akin.. Don't worry."

"You can't blame me. I'm obsessed about you.."

Nakangiting napailing ako. "Nasaan ka ba ngayon?"

"Sa warehouse. Drake knew this place kaya delikado tayong maglumpungan ngayon, namimiss muna ba ang abs ko masyado?"

Nagpigil ako ng tawa and Cassy awkwardly look at me.

"Tumigil ka." Umiiling na sabi ko.

"Napakamapusok mo kasi, bad influence ka saken.." he chuckled.

"Ako talaga no? Hiyang-hiya naman ako sa innocence mo." Sagot ko at tumawa.

"Mabuti nalang virgin pako ng makuha mo.. Ang swerte mo." Sabi pa niya.

Napalakas ang tawa ko. "Ang kapal mo! Imposible, Prince. Imposible!"

"Ayan.. Napatawa na kita. Wag ka nang mag-isip masyado ha? Everything will be fine. Magtiwala ka lang saken."

Huminahon na ang nangangamba kong puso. "Thank you so much, Prince. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming magkakapatid kung wala ka. "

"Hindi ba 'yan sapat na sign na ako talaga ang para sayo?" He laugh again.

"I love you.." pabulong na sabi ko.

"Mas I love you.. " tugon niya.

"Sige. Nandito na kami sa dorm. I  have to end this." Binuksan ko na ang pinto at nag-abot na ng bayad si Cassy.

"End the call ha? Hindi tayo." Biro pa niya.

"Oo na. Sige na. Bye."

"Bye."

_________

PRINCE

Wala akong ibang maisip na paraan kundi isumbong siya sa pulis. Pero hindi ko na ibubunyag ang rape case. Ibubulgar ko na siya ang bumundol kay King. Kapag nakulong na siya magiging safe si Ciara laban sa kanya. Ang ate nalang niya ang problema namin.

Bumalik ako sa bahay namin para mag-imbestiga. Kinuha ko ang mga importanteng document na magpapatunay na siya ang bumundol kay King. Isa sa pinakamatibay na ibidensya ay ang CCTV footage na binayaran niya ang may-ari para malinis siya. Ang pekeng plakang ginamit niya para hindi siya ma-locate ang picture ng sasakyan niyang nasira.

I safely went back to warehouse para tipunin lahat ng ibidensya at nag-isip ng paraan kung paano ito maisusuko sa mga pulis.

"You're dead now, Drake."

••••••••••••

NOTES/

Lately, kokonti lang ang nagagawa kung updates. I'm really sorry. ILY.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon