CHAPTER • 3

593 17 0
                                    



CIARA

Bumalik ako sa dorm na hingal na hingal. Worst first day of school ever!

Nararamdaman ko eh.

Hindi magiging maganda ang kapalaran ko dito.

Kapag nagsimula sa kamalasan, magtutuloy-tuloy na talaga ito! Hay. Ano bang klaseng buhay ito?


Pumasok ako sa kwarto na maluwag ng nakakahinga. Doon nadatnan ko si Kiko na namimili ng masusuot sa cabinet niya.

"Surviving the first day isn't always fun.  I guess nakilala muna si Torture." Wika nito habang tuloy ang pamimili sa mga inilapag niyang damit sa kama niya.

Nagdikit ang mga kilay ko. "Torture?" Tanong ko.

"Yes. 'Yung ka hhww mo kanina?" Wika niya at sinukat ang napiling niyang damit.

"W-why do you call him torture?" Tanong ko.

"Because he's dangerous. I'm sorry, katulad ng sinabi niya botong babae parin ako. At kahit malalaki pa ang muscles ko hindi ko parin siya kakayanin." Wika niya.

Marahang naupo ako sa kama ko. Nag-iisip. Paano kung balikan ako ng Prince na 'yun?

"Anyway, everyone should come to the party tonight. You need to make friends." Sabi niya.

"Hindi yata ako pupunta.." matamlay na sagot ko. I don't want to see that guy ever again.

"Sumama ka na, hindi ka safe dito. Lalo pa't everyone think na na sayo ang ang videos.." wika niya na ikinainis ko na naman.

"Ano bang meron sa video na 'yan?! Bakit ayaw nilang maniwala na wala sa akin 'yun? Shit." Ibinagsak ko ang katawan.

"Kaya nga sumama ka nalang so we could protect you.. I have tons of friends of who are against Prince. Pwede ka naming protektahan sa kanya. Kasi parang ikaw na naman ang susunod na gagapang palabas ng campus.."

I groaned. "Ano bang dapat kong gawin para patunayang wala sa akin ang hinahanap niyo?!"

"Prove them wrong, pumunta ka sa party. Ipakita mong wala kang kinatatakutan.." ngumiti siya sabay hablot mg tuwalya niya at tumungo na sa banyo.


~•~

Namimili ako sa mga susuotin. I literally don't wear dresses LMFAO! Hindi ako nagsusuot ng dress kung saan ang mga tao ay puro naka-dress. Bahala na.

Pinili ko ang plain white skinny jeans at ipinares ito sa black and white checkered ko na pinares ko rin sa black sleeveless ko sa loob. I wear my flats at sinuklay ang virgin na virgin kong buhok. Hindi ko pa ito pinasalon kahit kailan. Ako din ang kusang naggugupit nito kapag masyadong mahaba na.

Naglagay lang ako ng konting lip tint sa pisngi at labi ko. I curled my lashes and soaked very light amount of mascara.

Sa Greece University, ang malala doon ay binu-bully ako, wala pa akong kaibigan. I was not bullied because of my face. I was bullied kasi na-involved ako sa isang scandal na hindi ko naman ginawa. Nagkaroon kasi ng tensyon pagitan sa amin ni Chad, my bully sa Greece. Hanggang sa hindi na niya ako tinigilan. Pinahirapan niya ang araw-araw ko sa eskwelahang iyon hanggang sa nawala ang scholarship ko at nasira ang buhay ko. Sinusumpa ko talaga ang lalaking iyon. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya, pero hindi naman siguro tama na i-bully niya ako araw-araw.

"Hay salamat. Hindi talaga ako nag-iisa . Are you ready?" Tanon ni Kiko at sabay kaming lumabas ng dorm.

~•~

What. An. Actual. F*ck.

Party sa roof deck ng University. Everyone is allowed to get drunk, get freaking high. Nakalanghap pa ako ng usok ng bugaham mismo ako sa pagmumukha ko.

Nakipagsiksikan kami sa mga nagsasayawang estudyante doon. Lahat sila naglalampungan. Anak nang sa dulo may nagtutukaan pa sa dilim.

ESKWELAHAN BA 'TO?!

Kailangan malaman ni Ate ito. I can't stay another day here. I was about to call my Ate Claire ng hatakin ng isang babae ang kamay ko.

"Hi, Ciara. This way.." wika ng babaeng nagpakilala sa akin bilang Sahara noon.

Dinala nila ako sa isang stool kong saan may ilang grupo pa ng mga babae ng nanduon. "Hey, Ciara." Wika ng isang babaeng blonde. Maganda siya. Balinkinitan. Medyo singkit ang mata.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako saka, hinampas ang pwet ko. PUUUUNYEEETA? Napanganga na lamang ako sa mga nangyayari.

"Welcome to Marquesa, I'm Darlene. Actually, graduate na ako pero since Marquesa is still open for us, I'd like to enjoy this moment. Siempre, gusto rin kitang makilala kasi kaibigan ka ni Kiko." Aniya sabay turo. "Halika." Inilapit nila ako sa stool at inabutan ng lemon juice. "We know, girl. You don't drink. 'Wag kang gagaya sa mga 'yan. Dadalhin ka nila sa kasamaan." Pagtuturo niya sa mg grupo ng kabataang nagsasayawan.

"What kind of school is this?" Parang maiiyak na ako sa natutunghayan ko.

"Don't worry. This school rocks. Magandang eskwelahan parin ito kahit may illegal activities dito." Wika ni Mel sabay kindat.

"Ciara.. See these people around you? They will protect you." Wika ni Darlene.

"Protect from what?" Napapraning nang tanong ko.

"You will know soon.." sabi nila at nag-cheers.

~•~

Maaga akong bumalik sa dorm. Hinatid nila ako mismo sa kwarto namin ni Kiko. They reminded me to lock the door before they left.

Nagtataka na ako.

Sumandal ako sa pintuan pagkatapos ko itong isara. Ilang beses kung inuntog ang ulo ko doon sa sobrang inis.

"Makapag-shower na nga." Sabi ko sa sarili and since wala pa naman dito si Kiko hinubad ko na ang mga damit ko sa labas ng CR. Bitbit ang tuwalya ko na nakapulupot sa damit ko ay pumasok na ako sa CR.

10 Minutes Later.

Pagkatapos kong maligo ay hinablot ko na ang tuwalyang nakasabit katabi ng shower.

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa nakita.

Isang hidden camera na nakatago sa likod ng shower?! Mabilis na tinakpan ko ang katawan ng tuwalya.

Shit. Shit. Shit!!!

"Ahhhhhh!" Galit na galit na sigaw ko. Mabilis na nagbihis ako ng pajama at maluwag na t-shirt saka nagmamadaling binuksan ang pinto para magsubong kay Miss Dinah,


"Nice body, baby.."


•••••••••••••

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon