CHAPTER • 43

309 20 4
                                    

Hinatak ako ni Jade sa loob ng isang lumang classroom kung saan niya ako idinikit sa pader at sinubukang pagsamantalahan.

"Prince!! Tulong!" Pagsisigawan ko pero tila walang nakakarinig sa akin. Binuhos ko lahat ng lakas ko para maitulak siya pero napakalakas niya.

"Jade! Ano ba?!" Sinipa ko siya gitnang bahagi niya at doon ako nakawala at namilipit siya sa sakit.

Nang makatakbo sa pinto ay hindi ko ito mabuksan.. "Tulog!!"

Hinatak niya ang buhok ko at muling hinampas ang katawan ko sa pader.



KIKO

HAY. Ang hirap talaga maging utusan ni Prince. Kung hindi ko lang kaibigan si Ciara hindi ko naman gagawin 'to, eh.

"Bakit ka nakasimangot? Pumapangit ka lalo eh." Wika ni Clint na kasama ko sa paghahanap kay Ciara.

"Wow! Gwapo ka ha? Mukha kang pusod ko wag kang ano!"

"Luh? Ang yabang mo ha? Mukha ka ngang nana sasugay eh-"

"Tulong!"

Pareho kaming napatingin sa isa't-isa sa narinig. "Narinig mo 'yun?" Tanong niya saken.

"Malamag, tanga!" Sai ko.

Tumakbo kami at hinanap iyon.

"Tulungan niyo ko!"

"Si Ciara 'yun!" Iniisa-isa namin ang mga lumang classroom at sa sigaw kung saan narinig namin ang boses ni Ciara malakas na itinulak namin ang pinto.

"Ciara!" Sigaw ko.

Naghanap si Clint ng kahoy at malakas na pinalo nito ang door knob.


Doon nadatnan namin si Ciara na  punit-punit na ang damit. Magulo ang buhok at may dugo sa gilid ng labi niya.


Agad na binuhat siya ni Clint papuntang ospital. Habang palabas kami ng classroom ay nahagip ng paningin ko si Jade na tumatakbo sa gilid ng field.


Galit na galit si Prince. Gustong-gusto niyang puntahan si Ciara pero nandoon ang pamilya niya.


"Humanda ang Jade na 'yan, dudurugin ko siya!" Galit na galit na sigaw niya.

"Anong balak mo, pare?" Tanong ni Marc.

Nandito kami ngayon sa warehouse niya kasama sina Clint, Marc, Justin at Tope. Mga kabanda ni Prince.


"Dalhin niyo saken, ako mismo ang dudurog sa kanya.." sigaw nito.


_______

CIARA

"Ciara, nahuli na si Jade. Bugbog sarado daw siya ng mahuli." Sabi ni ate Claire.

"I'm sorry, ate. Binigyan ko pa kayo ng problema." Umiiyak na wika ko.

"Ciara, mag-ingat ka kasi! Mabuti nalang at hindi ka natuluyan ng gagong 'yun!" Singhal ni Ate May.

"Ate, wag muna siyang pagalitan. Okay? Sige, sis. Aalis na ako ha? Dadaanin ko pa ang Kuya King mo. " Wika ni ate Claire at humalik sa noo ko. "Magpagaling ka agad.." sabi nito.


Nang umalis si Ate Claire doon na ako sinermunan naman ni Ate May. Palagi talaga siyang kontrabida sa aming magkakapatid.

"Sabi ng pulis dahil daw kay Prince ang nangyari. Nagalit daw ang Jade na 'yun dahil pinag-initan siya ni Prince dahil binastos ka niya?"

Nanginig ako  "Tinulungan lang naman ako ng tao, ate "


"Hindi ka niya tutulungan at magagalit ng ganun kung walang namamagitan sa inyo, Ciara! Paano ka nagkagusto sa taong balot ng tattoo ang katawan ha?! Sabihin mo, kayo parin ba?!"


Naiyak ako. At umiling.

"Hindi ako naniniwala sayo, Ciara. Kilala kita!"

Nanahimik na ako dahil ayaw ko ng makipag-away sa kanya dahil sangayon stress na stress ako.


"Isa nalang, Ciara. Kapag hindi kapa tumigil, aalis kana sa Marqueza at babalik kana ng Greece!" Sigaw niya at lumabas ng pinto.


_______

Iyak lang ako ng iyak sa loob ng room ko sa ospital. Hindi parin tumatawag sa akin. Imposibleng hindi niya pa alam ang nangyari saken.

Ilang sandali ay dumating na si Ate May.

"Matutulog ako Ciara ha? Ayokong pumunta ang Prince n 'yan dito." Sabi niya at nahiga sa sofa.


Nalungkot ako. Gustong-gusto ko pa naman siyang makita ngayon. Napapikit ako at napamulat agad ng bumukas ang pinto.

Napaupo si Ate ng dumating ag Doctor.

"It's okay, Maam. Ichi-check ko lang si Miss Sanchez, magpahinga nalang po kayo.." napakunot ang noo niya sa doctor pero nahiga rin siya agad.


Nagpunas ako ng luha at humarap dito. Wait..


Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang kumindat. Nakangiti ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.


Nakasuot ito ng lab gown at sombrero habang naka-mask.

Hinaplos niya ang kamay ko at sandaling lumingon kay Ate May na tulog niya. "How are you feeling, Maam?" Tanong nito na nakangiti ang mga mata. Langyang Prince, iba ka talaga.

Nagpigil ako ng tawa. "Masakit lang po 'yung sugat ko dito." Sabay turo ng sugat sa gilid ng labi ko.


"Eto?" Hinaplos niya ang sugat ko. Napangiti ako dahil hindi ko inaasahang gagawin niya ito.


"Ako na po ang gagamot ha? Maiit lang naman ito." Aniya at lumingon ulit sa ate ko na tinakpan na ang mukha ng magazine.

He pulled my chin at ibinaba niya ang mask para mahalikan ako. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng maghiwalay ang labi namin. "Ayan.. Okay na." Sabi nito. Napatakip ako sa bunganga ko dahil pigil na pigil ako sa pagtawa..


"Yakapsule nalang ang kulang.." niyakap niya ako at matagal na tinitigan.

Nahagip ng mga mata ko ang mga sugat sa kamay niya.


Napatingin din siya doon kaya agad na itinago niya ito. 

Bugbog na ng mahuli si Jade. Alam kung siya ang may pakana non.


"Magpagaling ka. I love you.." bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Nakahinga na ako ng maluwag ng makaalis na siya. Gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil nakita ko na siya.

_________

KIKO

Pinagkalat ni Kate na ni-rape talaga ni Jade si Ciara. Kahit hindi naman talaga niya ito natuluyan. Nang-init ang buong pisngi ko dahil sa ginawa niya.


"Hoy! Former Nerd!" Sigaw ko.

Inis na napalingon siya  "What the hell?"

"What the hell mo mukha mo!" Hinampas ko siya ng bag ko at nagkasabunutan kami. Tomboy ako pero hindi marunong sumuntok kaya sabunutan nalang!

•••••••••

NOTES/

Friends to the rescue!

Go KIKO! ❤

Yay! Don't forget to vote. Dami ko pong silent readers. :( Please show some appreciation po. Huhu. I love you

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon