CHAPTER • 6

508 18 0
                                    



"Makakapaghiganti din ako sayo kumag ka." Kumod ko habang pinupunasan ng mano-mano ang nagkalat na juice sa tiles habang pinagtutulungan nila akong pagtawanan. Actually ngayon lang talaga ako napalaban ng ganito.


"Akala mo kung sino kang Prinsipe dito hayop ka.." galit na piniga ko ang trapo sa balde.



"Prinsipe naman talaga ako. Duh." Sagot niya at nagtawanan sila ulit. Pinanlisikan ko lang siya ng mata at nagpatuloy sa paglilinis.


Ilang sandali ay mga nagtatakbong estudyante ang lumapit sa akin. Sina Kiko, Sahara at Mel.



"Cia, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Sahara saka tinulungan nila akong maglinis.




" 'Yan! Tulungan niyo 'yan. Mga freak." Sigaw pa niya at mas lalong lumakas pa ang tawa nila.


"Pigilan niyo ko.." gigil na wika ko habang hawak-hawak ang balde.


Napangiti silang tatlo. "Hindi ka namin pipigilan.." wika ni Mel sabay kindat.


Binuhat ko ang maliit na balde at binasya ito lahat sa lamesa nila.


Ngayon, tikman niyo ang katas ng piniga ko. Waaaahhahahaha.


Nagsitalunan sila sa upuan nila na nakapaligo ng maduming tubig.


Prince was left speechless sa ginawa ko. Napako siya sa kinauupuan niya habang tinitingnan ang sariling basang-basa ng maduming tubig. Halatang diring-diri siya.


Nakakrus ang mga kamay na lumapit ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay para mas mataray.


"Ano, Prince? Tayo!" Hamon ko pa at tumawa.


Galit na napakagat siya sa labi niya.



"What is happening here?!" Galit na tanong ng D.O namin. Mabilis na napayuko ako.



"Obviously, pinaliguan niya ako ng maduming tubig!" Sagot niya.


"Miss Sanchez?" Tanong ng D.O.


"Siya naman po kasi ang nagsimula, eh. Gumanti lang po ako." Depensa ko.


"Hindi ko sinadyang matapon ko ang pagkain mo!" Depensa din niya.


"Miss Sanchez, kung nagkamali man si Mr. Franco, hindi sagot ang maglikha ng baha dito sa Cafeteria." The f*ck, seriously?! "It's in the handbook, Sanchez. Kapag may kasalan, isumbong sa D.O."dugtong pa niya. Hindi na ako umimik. "What do you wish to do with her, Mr. Franco?" Tanong niya na ikina-protesta ko.


"What?!" Inis na tanong ko.


"Hindi ko naman siya pahihirapan sa punishment eh. Papaliguan niya lang naman ako." Tumayo siya at namamaywang na lumapit sa akin.


Mabilis na nag-angat ako ng mukha. "What?!" Halos lumuwa ang mga mata ko.



Lumapit siya sa akin at amoy juice siya sa harap ko. Gumuhit ang ngiti niya. "Yes, baby. Paliguan mo ako." Sabay hatak ng kamay ko at kinaladkad ako papunta sa shower ng locker room ng basketball team.

"Ano bang problema mo ha?!!!" Galit na galit na tanong ko. Nag-echo ang mataas kong boses sa shower room.


Binato niya sa akin ang hose saka siya naghubad ng damit siya sa taas.


Holy abs. (Kagat labi)

Napalunok ako at tumingin sa ibang direksyon saka dinampot ang umaandar ng hose.


Nakatingin ako sa ibang direksyon habang tinutuon ang hose sa direksyon kung saan siya tumatayo.


"SANCHEZ!" sigaw niya.

"Bakit?!" Tanong ko.


"Saan nakatutok 'yang hose mo?!" Inis na sigaw niya saka mabilis na lumabit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko na may hawak na hose at itinaas ito. Doon yumuko siya at isinalod ang ulo niya sa bumubuhos na tubig.


Ako naman.


Pabagsak na ang panga sa sobrang ganda ng hubog ng katawan niya.


Shit. Parang malalaglag pa ang pantalon niya. Kita na ang Calvins niya.  Napakagat ako ng labi at tumingin na lamang sa ibang direksyon.



"Wait." Kumuha siya ng sabon at sinabon ang bawat muscles niya. Ang six packs niya. Ang kili-kili niya. 😂


Lumapit ulit siya sa akin at tumalikod. "Banlawan mo likod ko." Wika niya at sinunod ko naman agad ito. Itinutok ko ang hose sa napakahayop niyang likod.


Ginampalaan pa siya ng malaking pwet. Leche.


Pagkatapos ay humarap naman siya sa akin. Bumungad sa akin ang mga abs at  muscles sa braso niya. Meron din siyang tattoo sa puso niya. A rose tattoo. Bakla kaya ito? Bakit may rose siyang tattoo?


Pagkatapos ay pumasok siya sa locker room at doon nagbihis. Doon nakahinga na ako ng maluwag at napasandal sa pader.


"Ciara.." bulong ko sa sarili.

Pagkatapos ng I think 15 minutes lumabas na siya. Naka-ponytail na ang buhok niya. I think he dried his hair kasi its half dry. May mga excess hair parin na hindi naitali ng buhok. It looks cute on him.

Nakasuot siya ng tattered navy blue jeans na pinares niya sa white sando niya na may kung anong graffiti ang nakasulat doon. Pinares niya ito sa white adidas shoes niya.



Ang gwapo niya.


"Don't try messing up with me again. Hindi mo ko kaya." Inulo hanggang paa niya ako ng tingin at naunang lumabas ng locker room.


~•~



PRINCE

"I want the VIP room to be guarded. Ayokong makapasok ang mga freak na 'yun dito." Utos ko kay Clint at agad naman siyang sumunod.


Sinusubukan talaga ako ng bagong saltang iyon. Siya palang ang taong gumaganti sa akin.


Akala niya mapapasuko niya ako.



Nobody can drag me down.


Even her.


Kahit siya ang mga tipo kung babae.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon