CHAPTER • 35

373 13 3
                                    

Kinuha ni Kate ang dalawang kamay ko.

Hinatak niya ako at inahon sa pool. Pagkatapos ay sumunod na binuhat ako ng mga lifeguard na huli na ng dumating. Hingal na hingal si Kate na naupo sa wooden bench habang nakapako ang tingin namin sa isa't-isa.

K-Kate is.. Alive?

Sobrang nagulat ako ng makita siya. Alam ko si Kate 'yun. Ilang beses ko ng nakita ang mukha niya sa mga paintings ni Prince kaya alam kong si Kate 'yun.

Ngayon, dalawang bagay lang ang laman ng isip ko.

Ang malamang buhay pala siya.

At dahil buhay siya malamang ay magkikita sila ulit ni Prince.

At kapag nangyari 'yun, baka magbago ang isip ni Prince at ma-realize niyang hindi niya pala ako mahal. Baka sobra lang siyang nalungkot kaya niya ako minahal.

Pagkatapos ay iiwan niya ako.

Bumuhos ang mga luha ko. Hanggang sa nadala na ako clinic. Hindi na ako nagpa-ospital dahil naging okay naman agad ako nang sagipin niya ako.

Alam kung hindi pupunta dito si Prince dahil baka kung anong isipin ng mga tao sa amin.

"Nurse, masakit po ang ulo at katawan ko, pwede makapagpahinga dito?" Rinig ko mula sa labas ng kwartong pinagpapahingahan ng mga estudyante. Napabagon ako mula sa double deck na higaan. Si Prince ito.

Ilang sandali ay bumukas na nga ang pinto saka mabilis niya akong niyakap.

Labis-labis ang pag-aalala niya na halos ayaw niya akong bitawan. Naupo siya sa tabi ko.

"Gosh, sino ba ang teacher mo?! Wala siyang karapatang ibagsak ka." Inis na sigaw niya. "Tiningnan mo nagyari sayo." Muli ay niyakap niya ako.

"Ang O.A. Prince, ha?" Nakangising wika ko."Okay na ako..

"Mabuti nalang ba may lifeguard doon?" Tanong niya.

Hindi ko alam pero mabilis na namuo ang mga luha ko. Naalala ko ang mga naiisip ko kanina. Nag-aalala na posible ngang mangyari lahat ng iyon. At siguro hindi ko kakayanin.

"Bakit?" Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko.

"Oo, mabuti nalang may lifeguard doon.. Hindi na sana tayo nag-uusap ngayon.." sabi ko habang umiiyak.

"Wag mo ngang sinasabi 'yan.."

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na si Kate ang sumagip sa akin. Na dahil kay Kate kaya ako buhay ngayon.

"Shhh. Tama na, okay? Nandito na ako. Hindi kita iiwan."

The hell, Prince. Sana paninidigan mo 'yan kung sakaling magkita kayo.

Inihiga niya ang ulo ko sa dibdib niya at doon, nakapagpahinga ako ng maayos.

_______

Hindi ko parin makalimutan si Kate. Napakaganda niya pala.

Sa ganda niya, baka nga magdalawang isip si Prince sa akin.

Hindi ba't dating nerd iyon?!

Bakit ang ganda-ganda niya? Huhuhu. Payat ako. Walang dede, sexy lang. Maputi rin naman ako, pero mas maputi siya. Mukha siyang barbie, p*ta. Huhu.

Ako naman heto, maganda lang ako. Siya, magandang-maganda. Siya talaga 'yung tipong pinapakasalan eh. Ginagalang. Ano ba naman ako?! Nadali na nga ako ni Prince eh! Hayop ang gwapo kasi ng Kumag nayon, sinong makaka-hindi.

Sinampal-sampal ko ang sarili. Parang mababaliw na ako.

Napatalon ako sa upuan ko ng tumawa si Prince, mabilis na sinagot ko naman ito.

"Nakapagbihis ka na ba?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ko. "B-bakit? Saan tayo pupunta?"

"Sige na, magbihis ka ng magandang-maganda. Okay? Hihintayin kita sa warehouse."

Saka niya binaba ang tawag.

Humarap ako sa salamin. Tiningnan-tingnan ang sarili ko.

"May igaganda ka pa naman, Ciara ah? Di ba? Mas maganda ka naman don eh. Mas payat kaya ang mukha mo sa kanya?" Tumungo ako sa cabinet at naisip kung e-make over ang sarili.

Pagkatapos ng isang oras,

Nagsuot ako ng pink off shoulder then I bun my hair

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagsuot ako ng pink off shoulder then I bun my hair. Nagsuot din ako ako ng mahabang hiyak (hindi naman masyadong mahaba) tapos naglagay ako ng light foundation, I fill in my brows, tapos nag-blus at naglagay ng matte light brown lipstick. I soaked thr mascara in my lashes at boom, ang ganda-ganda ko na.

Nabitawan ni Kiko ang hawak niyang popcorn ng makita ko siya mula sa salamin. Napanganga siya. Natawa ako sa reaksyon niya dahil ayaw niya nga ng mga babaeng ganito kababae manamit. Naka-off shoulder ako tapos pinares ko sa high waisted na pantalon na kulay puti tapos nagflats ako.

"Ang ganda mo! Saan ka pupunta, ha?!" Sita niya.

"Magdi-date kami ni Prince, bakit?" Sagot ko.

"Hindi ka naman ganyan manamit ha?"

"Hay nako, Kiko. Mabuti pang ihatid mo muna ako malapit sa Warehouse." Sabi.

"Sigr na nga, baka ma-rape ka diyan sa suot mo."

Hinatid ako ni Kiko ng motor niya at sa labas ng warehouse nakaabang sa akin si Prince na halos malaglag ang panga ng makita ako.

"Wow.." he gave the Wow-I-Can't-Belive-She's-My-Girlfriend look.

Matagal na matagal siyang napatitig sa akin saka dahan-dahang lumapit.

Napakagat siya sa ilalim ng labi niya saka napangiti. " Wow, ayaw mo na ba talaga akong pakawalan?"

Napangiti ako. "Exactly. Maganda na ba ako?" Saka umikot.

Ngumit siya at hinaplos ang pisngi ko. "Kahit magsuot kapa ng maluwag na t-shirt, lumang converse at naka-tattered. Kahit punit-punit pa ang damit mo. Ikaw lang ang pinakamaganda sa mga mata ko."

"Aray! Aray!" Umakteng akong sumakit ang tenga. Mabilis siyang lumapit at tiningnan ang tenga ko.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako. "Parang biglang lumaki kasi ng tenga ko.." biro ko at sabay kaming nagtawanan.

Niyakap ko ang braso niya at sabay kaming pumasok sa warehouse..

_______

Ang Mommy at Daddy niya ang bumungad sa akin sa loob ng warehouse.. Nabalot ako ng kaba at naluluhang nag-angat ng paningin sa kanya.

Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya?

••••••

NOTES/

Mas maganda ka parin bebe Ciara. Saka hello? Nagkita na sina Prince at Kate, at kung alam mo lang.. Ikaw ang pinili niya... Hindi mo pa siya tinatanong ikaw na ang pinili niya.

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon