CHAPTER • 27

367 17 7
                                    

Mabilis na bumangon ako at tumakbo papunta sa bintana kung saan siya nakadungaw. Nag-angat ako ng paningin sa kanya. Umiiyak.

Napatingin siya sa mga pasa sa katawan ko. Lalo na sa sugat sa gilid ng labi ko.


Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin.

Mas lumapit pa ako at humahak doon sa grills.

"I'm sorry." Wika ng namamaos ko ng boses.


"Masaya kana? Masaya kana na nagtagumpay kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong niya habang blanko parin ang emosyun.


"Hindi ko alam an plano nila, Prince.."

Pumekeng tawa siya. "At sa tingin mo maniniwala ako? Hawak-hawak mo 'yun, Ciara eh. Hindi ako tanga." Malakas na sinara ang sliding window.


"Prince!" Umiiyak na sigaw ko. Pagkatapos ay biglang bumuhos na ang malakas na ulan.

Nagsimulang pumatak ang makakapal na buhos ng ulan na napakasakit sa balat. Lalo na sa mga sugat ko. Nanatili ako doon.

"Prince! I'm sorry!" Malakas na sigaw ko. "I'm sorry talaga.." para na akong bata na nakatago ang mukha sa dalawang palad ko. "Sorry.." mahinag wika ko na halos ang sarili ko ay hindi ko madinig. Ubos na ubos na ang lakas ko. Parang anytime, magko-collapse na ako.

Matagal pa akong naghintay na buksan niya ulit ang bintana niya pero parang bigo na ako. Bumuntong-hininga ako at humakbang na lamang paatras.


Mag-isang tinahak ko ang madilim sa gubat. Basang-basa. Giniginaw. Umiiyak.


Walang Prince ang humabol sa kin. Walang Prince ang sumunod sa akin para tulungan ako. Walang Prince ang yumakap sa akin sa matinding lamig na nararamdaman ko.


PRINCE

(Play the song above)

Nakasunod ako sa kanya.

Hindi ko na dapat ginagawa ito pero hindi ko rin kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

Kahit papano, kahit niloko niya lang ako, kahit pinagkaisahan nila ako, minahal ko parin siya.


Hanggang sa nakita ko siyang bumagsak.

Nasa mainroad na siya ng bumagsak. Mabilis na itinayo ko siya at marahang gumuhit ang mga ngiti sa labi niya. Tumawag ako ng susundo sa kanya.

"Prince, I'm sorry." Namamaos ng wika niya. Halatang pagod na pagod na siya. Bakit ganito ka dami ang sugat niya? Anong nangyari sa kanya.

"Ciara, tapos na ang anim na buwan na pinag-usapan natin. Nanalo kana, pabayaan muna ako.." sabi ko kahit napakalabag sa loob ko.

CIARA

Tuloy ang pagbuhos ng ulan sa aming dalawa. Mas mahina na nga lang ngayon dahil naririnig na namin ang isa't-isa.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I don't mean everything I've said. Kaya 'wag muna sayangin ang panahon mo." Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya.


"Prince.." sinubukan kong kunin ang kamay niya pero humakbang siya paatras.

Nabalot ng katahimikan ang paligid namin. Sa puntong iyon naalala ko lahat ng mga pinagsamahan naming dalawa. Lahat ng masasaya.

Suminghap ako. " Hindi ako naniniwalang pagpapanggap lang lahat ng ito."

"Pwes, maniwala kana ngayon."

Nanikip ang dibdib ko at parang binagsakan ako ng langit sa sinabi niya.



Hanggang sa isang kotse na ang pumara sa harap na amin. Doon sinundo ako ni Clint at sa pilitang pinasok doon pero nagpumigil ako.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa mukha ni Clint. "Prince, sabihin mong hindi totoo ang sinasabi mo!" Pagsisigaw ko habang umiiyak. "Prince!" Sa pilitan na akong pinasok ni Clint sa sasakyan at mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo sa kanya.

_____

Dumaan pa ang isang buwan. Hanggang sa naghupa na ang lahat. Bumalik sa normal ang lahat. Nakakapaglakad na ako sa campus na walang nagbu-bully sa akin. Hindi ko alam, nagulat din nga ako isang araw na wala ng nakikialam sa akin. May nagbubulong-bulunga pero wala nang epek sa akin ang mga ito.


Hindi parin ako okay.


Naiiyak parin ako sa tuwing naaalala ko siya. Naaawa na nga ako sa sarili ko. Hindi ko naman magawang sabihin o mag open sa pamilya ko dahil may malaking problema silang kinakaharap.



Pinilit kung ipokus ang sarili sa pag-aaral. Actually, ngayon lang talaga ako nasaktan ng ganito. Mas masakit pala ang pag-ibig kesa sa pambu-bully na ginagawa nila sa akin.


Paulit-ulit sumasagi sa isip ko ang salitang

I don't mean everything I've said. Kaya 'wag mo nang sayangin ang oras mo.


Hanggang ngayon, parang may karayom paring tumutusok sa puso sa tuwing iniisip ko iyon.


Hindi niya ba talaga ako minahal?


Sinunod lang ba talaga niya ang Rules?


Napahiga ang ulo ko sa librong binabasa sa library. Kasabay ng paghiga ko ng ulo ko sa isang pahina ng libro ay ang pagbagsak din ng mga luha ko.



Minahal niya ba talaga ako? Bakit ayaw kong maniwalang hindi?


Si Kate parin kaya ang mahal niya ngayon?


Naging mahalaga din ba ako sa kanya?'


_________

PRINCE


Napadaan ako sa table na kinauupuan niya kung sana nakahiga ang ulo niya sa isang pahina ng libro. Umiiyak.


Napatitig ako sa kanya. At tila may bagay na tumutusok sa puso ko sa bawat patak ng mga luha niya.


••••••••••

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon