CHAPTER • 29

363 16 17
                                    

PRINCE

Ilang gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Lumapit sa akin si Marchesa at nalaman kung sina Chad ang may pakana ng pagpapalabas ng videos at hindi si Ciara.

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Nasaktan ko siya ng sobra.


I dialed Clint's number. "Pare, pwede ka bang makiusap sa Presidente ng Tales Club na sasama tayo sa camping nila? Sabihin mong, gustong tumulong ng Acoustic Club sa program nila." Meron kasi silang camping sa bundok dahil balak ng Club nilang mamigay ng libro sa mga bata doon.


Kailanga ko siyang makausap sa lugar kung saa makakapag-usap kami ng maayos.


Sa Quadrangle, nagtago ako sa isang sulok.

Kasalukuyang ginaganap doon ang programa ng club nila. Doon patago ko siyang pinagmamasdan.

Habang nakatitig ako sa kanya, wala akong ibang naiisip maliban sa mahal ko siya.

Her smile. Her eyes. Even her tears means so much to me. I can even see my goddamn future with her. Honestly.

Napapangiti din ako sa bawat ngiting lumilitaw sa mga labi niya.

"Ehem, sige na, lapitan mo na." Biglang wika ni Clint sa likuran ko sabay tulak sa akin.

Tinangka ko siyang sikuhin dahil hirap na hirap na nga ako sa posisyon kong nakadikit sa pader na halos half lang ng pagmumukha ko ang nakalabas tinula niya pa ako.

"Ang labo mo kasi eh." Natatawang wika niya habang nagkakamot ng noo.


"Oo na. Hindi ko nga alam kung paano siya haharapin eh." Sabi ko.


Ngumisi siya na parang may masamang binabalak.

"Wag na wag mong gagawin kung ano man ang iniisip mo." Banta ko pa.


Tumawa lang siya at umalis sa harap ko. "Hello Hello, Kids!" Biglang sigaw niya at naagaw niya ang atensyon ng mga bata at ng buong miyembro ng Tales Club.

WTH, Clint, pahamak ka talaga!!


Hindi ako mapakali sa pinagtataguan ko at tatakas na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko! The f*ck.


"Alam niyo bang may totoong Prince kami dito mga bata?! Prince Franco! Labas na! Yuhooo! Kanina ka pa diyan eh.."

Ilang beses pa akong nag-hesistate pero wala na, nabisto na ako.

Hiyang-hiya at nagkakamot akong lumabas suot-suot ang peke kong ngiti.

Naglahad si Clint ng kamay para makipag-apir pero pasekretong binale ko ito.


"Hi, Kids!" Bati ko sa mga bata at nagtaka ang mga miyembro ng TC sa akin. Pati si Ciara, na agad na umiwas ng tingin.

Masakit pala talagang iwasan ng tingin.


"Ang gwapo niyo po.."

"Prinsipe po talaga kayo?"

"Kung ikaw ang Prinsipe dito, eh, sino ang prinsesa mo?"


Marahang tinungo ko ang paningin kay Ciara na abala na sa pamimigay ng mga story books sa mga bata.

Tumungo ako doon at hinintay kong tumingin siya sa akin. Tumungo ako sa lamesa kung saan siya kumukuha ng mga story books. Kumuha ako doon at ako mismo ang kusang umabot sa kanya.

Nagkatinginan kami at sinubuka kong bigyan siya ng ngiti.


Yumuko lang siya at tinaggap ang libro. Ipinagpatuloy ko ang pag-abot sa kanya ng mga story books.



"Uhm.. Ciara?" Wika ng tonong naglalambing kong boses.


Hindi siya kumibo. Patuloy lang ang trabaho niya.


"Sasama ka ba sa camping?" Sunod na tanong ko.


Nakita kong tumango siya at nabuhayan ako ng loob.

"Uhm, ka-"


"Ciara!" Tawag ng isang babae sa likuran ko.

Nginitian niya ito. "Hmm?" Tanong niya dito.


"Palit muna daw tayo kasi hinahanap ka ng mga bata. Gusto daw nilang ikaw ang magkwento sa kanila." Anito.


Nakangiting tumango ito at agad na tumungo sa mga nagtitipong bata at masaya niyang hinarap ang mga ito.


Umiling-iling si Clint sa tabi ko. "Ganito pala ang pakiramdam na iniiwasan no?" Pakosensya niya pa sa akin.

Umiiling na umalis ako sa harap niya.


_________

Araw na ng camping.

Nagsipasok na ang lahat sa bus habang ang mga grupo ko naman ay nasa kabilang bus.

Bitbit ang malaking bagpack niya ay si Ciara ang huling pumasok sa bus. Akala ko pa naman hindi siya makakasama.


Umakyat narin ako sa bus at sandaling natulog sa mahabang biyahe.



_____

CIARA


Ano kaya ang nakain non at biglang nagbago ang ihip ng hangin?


Matagal ko ring hindi narinig ang boses niya. Sa katunayan, masaya akong binanggit niya muli ang pangalan ko.


Kung kailan siya natauhan doon pa pinagbawalan na ako ni Ate May na kausapin siya o kahit makasama siya.


Binisita niya kasi ako at nagkataong nalaman niya lahat ng nangyari sa akin dito at sa totoo lang, galit si Ate May ngayon sa kanya. Baka ano pang magawa ng ate ko sa kanya.


Ayoko namang masaktan siya ulit dahil sa akin. Iiwas nalang ako ngayon. Ayoko ng madagdagan pa ang iniisip ko. Okay nang maliwanag na sa amin na tapos na ang lahat. Tapos na ang agreement. Tapos na ang Rules. Wala na rin namang rason para ipagpatuloy ang lahat.


________


Handa na akong humiga sa loob ng tent ko. Papatayin ko na sana ang emergency light ko ng may biglang pumasok sa tent ko at mas nauna niya pang patayin amg emergency light kesa sa akin.



"Patayin mo nalang, baka ano pa isipin nila sa atin." Wika ng pamilyar na boses, boses ni Prince.




••••••••


NOTES/


IDK how many chapters I've finished today! Naganahan akong magsulat dahil sa comments niyo. Kahit iilan lang kayo pero hindi niyo alam kung gaano kayo kahalaga sa akin. Thank You! Bukas ulit. Hehe.

Goodnight Daniel, Goodnight King, Goodnight Prince. Goodnight mah boys. :* Buhay na buhay kayo sa isip at puso ko, ILY.



THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon