CHAPTER • 37

320 13 3
                                    

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila sa mga oras na iyon. Lahat-lahat naiisip ko.

Baka nag-uusap na sila tungkol sa kanila. Baka nagkakamustahan na sila. Baka nilalandi na nila ngayon ang isa't-isa at baka mamaya ay magtiti-text na si Prince sa akin na ayaw na niya.

Binatukan ako ni Kiko ng di kalakasan kaya ako natauhan. "Kumalma ka nga! Hay. Natural lang na mag-usap sila no? Kasi ang daming dapat e-expalin ni Kate sa kanya." Mataas na boses na wika nito.

"Kiko, kaibigan mo si Kate diba? Sa tingin mo, magkakabalikan kaya sila?" Halos maluha ng tanong ko.

"Desenteng babae si Kate at mabait siya. Sigurado naman akong maiintindihan niya na may mahal ng iba si Prince."

Bumagsak ang balikat ko. Hindi parin ako mapakali. Pero bakit hindi man lang siya nagpaalam saken? May karapatan akong malaman lalo pa't ex niya 'yun. Ibinagsak ko ang sarili sa kama.

Hanggang sa umabot na sa dose oras siyang hindi nagtitext sa akin. Wtf! Galit na galit na ako sa mga oras na ito at parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanila.

Hanggang sa sumapit na ang gabi.

Hating gabi.

"Cia, matulog kana. Bukas magti-text na iyon.." sabi ni Kiko mula saloob ng kwarto. Nasa balkonahe ako, nakatitig sa malayo. Pagod na sa kakaisip ang utak ko.

"Mamaya na ako, Kiko. Mauna kana." Sabi ko.

Nakaupo ako doon habang nakahiga ang ulo sa maliit na lamesa namin ni Kiko.

Bawat segundo chini-check ang cellphone. Hanggang sa pumatak na ang oras sa eksaktong alas dose. Bumagsak sa gilid ng mga mata ko ang luha ko.

Hanggang sa nakita ko ang helicopter toy niya na lumilipad sa harap ng veranda ko. Mabilis nagpunas ako ng luha at napatayo. Tiningnan ko siya mula sa baba pero wala siya doon. Mas lumapit sa akin ang laruan at may nakaipit na sulat doon. Kinuha ko ito saka umalis pababa ang helicopter toy. Tiningnan ko kung saan ito bumagsak. Sa isang malaking puno kung saan lumabas si Prince.

Tila napawi ang lahat ng pangangamba ko ng makita ko siya. Nakangiti. Kumakaway.

Binasa ko ang nakasulat sa loob ng maliit na papel.

"I'm sorry, baby. Hihintayin kita sa labas ng school." Wika ng sulat.

Agad na kumaripas ako pababa at nagpaalam sa guard na babalik din agad.

Pumasok ako sa front seat ng sasakyan niya. Ngiti ang binati niya sa akin at agad na hinalikan ako sa labi.

"I'm sorry ngayon lang ako ha?" Sabi niya saka in-start ang sasakyan niya.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko na takot na takot na hinihintay ang sagot niya.

"Ahh. May tinapos lang ako bahay.." he awkwardly said. He can't look at me straight. Nasaktan ako ng sobra-sobra dahil hindi niya sa akin sinabi ang totoo.

Ang hirap-hirap magpigil ng mga luha.

"Talaga?" Tanong ko na punong-puno ng laman.

Bumaling siya sa akin. Nakakunot ang noo. "Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Linya ng mga guilty.

"Prince, wala akong sinasabing hindi ako naniniwala." Sabi ko habang nagsisimula na siyang magmaneho.

"Pero sa tono mo, Ciara! Halata eh." Mataas na ang tono ng boses niya sa mga oras na ito.

Pumekeng tawa ako habang pigil na pigil parin sa pagluha.

"Bakit 'yun ang nasa isip mo?! Bakit, Prince? Totoo bang may tinapos ka lang sa bahag niyo? Ang tagal ha? Inabot ka ng hating gabi? Kahit isang tawag or text, Prince? Hindi kaman lang nagpaalam?!"

Inis na umiling siya. "Fine. Sorry na." Kumalma na ang boses niya sa mga oras na ito at sandaling bumaling sa naiiyak kong mukha.

Nabalot ng pangamba ang mukha niya. Itinigil niya ang sasakyan sa ilalim ng poste sa park. Humugot siya ng malalim na hininga at kinuha ang kamay ko saka ito ilang beses na hinalikan.

"I'm sorry.. I don't mean to shout.. Okay?" Iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

"Baka may iba ka pang gusting sabihin sa akin, Prince?" Namamaos na tanong ko. This time, alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Prince, sabihin mo lang kung nagbago na ang isip mo. Sabihin mo lang kung na-realize mo nang hindi muna ako mahal. Sabihin mo lang kung si Kate parin talaga ang mahal mo-"

"Ciara, ano bang pinagsasasabi mo?"

"Sabihin mo lang kung hihiwalayan muna aki kasi kusa naman akong hahakbang palayo eh. Para hindi kana mahirapan?"

Umilinh siya at hinaplos ang magkabilang pisngi ko. "Sige na. Magkasama kami ni Kate. Sorry. Pero hindi ibig sabihin nun nagbago na lahat, Ciara. Hindi kita iiwan, wala akong na-realize. Hindi tayo maghihiwalay. Kasi mahal na mahal kita."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Bakit ha?!"

"Kasi ayokong magworry ka. At kung anu-ano ang iniisip mo."

"At sa tingin mo hindi ako mag-iisip ng kung anu-ano gayung halos buong araw kang wala?!"

"I'm sorry na nga.." naglalambing ng wika niya. "Actually, kaya kita nilabas ngayon.. Kasi ipapakilala na kita sa kanya."

Mabilis na bumaling ako sa kanya. "Kay Kate?"

Nakangiting tumango siya. "Marami kaming pinag-usapan. Gusto kong walang gusot sa aming dalawa, okay? Gusto kong linisin ang kalat ko para wala kang isipin. Ipapakilala kita sa kanya. Kasi mahal na mahal kita."

____________

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa park sa gitna ng gabi. Wala ng tao doon  kaya malaya kaming nakakapaglakad.

"Prince, the fountain. Remember? Diyan mo kita sinagot sa lahat ng maraming tao eh." Masayang wika nito.

Nagbaba ng tingin sa akin si Prince.

"Oh, I'm sorry. I don't mean to say that.." anito.

"Don't worry guys, walang makaalam sa relationship niyo. Your secret is safe." Bawi nito.

Naiinis ako. Hindi ko alam. Pero parang wala akong tiwala sa kanya. Tama lang na ipinakilala ako ni Prince sa kanya pero wala akong tiwala sa kanya.

••••••••

NOTES/

DAPAT LANG, Ciara! DAPAT LANG. DAFAQ.

VOTE! :)

Si Bebe Ciara nasa ASAP! Pati si King at Claire. Aww. Mah heart. Mah soul. 😭❤

THE RULES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon