Chapter 17

1.3K 39 0
                                    

Chapter 17: Disheartened



I knew Vince said he wasn't sure if he could come, but I still hoped that he would. Thus, it was disheartening when he didn't. He called to tell me that he couldn't cancel his meetings. He was even in a hurry when we were talking. I sighed.

"Lalim naman non," Jerome said as he sat on the sand beside me. "Papunta na ba ang boyfriend mo?"

"He can't come," malungkot na sagot ko. "Hindi daw kasi niya ma-cancel yung mga meeting niya."

"Huwag ka ng malungkot. Makikita mo rin naman siya pag uwi natin mamaya. Saka businessman ang boyfriend mo. Kaya intindihin mo na lang na may mga bagay siyang hindi pwedeng itabi para sa mga ganitong okasyon."

"I know that. Naiintindihan ko naman siya. Nami-miss ko lang talaga siya."

He smiled. "Yun naman pala eh. Huwag ka ng magmukmok dito. Tara na. Balik na tayo sa party," he said as he stood up.

Inalalayan din niya akong tumayo. Nilibang ko ang sarili para hindi ko maisip si Vince. Nagawa ko din naman mag-enjoy lalo na at nakakatawa at magugulo ang mga kasama namin. Ginabi na kami sa pagsasayahan pero ayaw pa rin nilang paawat.

"Best, okay lang ba kung bukas na tayo uuwi?" nakangiwing tanong ni Mikey. "May tama na kasi si Bobby. Hindi na niya kayang mag-drive."

"No problem, best. Tatawag na lang ako kina mama para sabihin sa kanila na hindi pa tayo makakauwi ngayon."

Namumula na nga si Bobby. Hindi na siya makakapag-drive. I called my mother. Wala naman naging problema. Then I just sent a message to Vince.

"Best, laro daw tayo! Tara!" Hinila na ako ni Mikey sa grupo.

Nakisali kami sa laro nila na kung anu ano lang. I found myself enjoying. It was already past midnight when I thought of checking my phone. Ang dami kong messages saka missed calls! They were all from Vince. Kaagad ko siyang tinawagan. After five rings, he answered.

(I've been calling and texting you,) mariing sabi niya.

I grimaced. I knew right away that he was pissed. Nagpaliwanag na lang ako agad sa kanya kung bakit hindi ko nasagot ang mga tawag niya. He just breathed out harshly.

"Sorry, Vince."

(Akala ko ba ngayon ang balik niyo?)

"Medyo lasing na kasi si Bobby. Hindi na niya kayang mag-drive ngayon. Kaya bukas na lang kami uuwi."

(Do you want me to fetch you?)

My lips parted. "Vince, wag na. Ilang oras ang biyahe papunta dito. Saka anong oras na."

(Susunduin kita.)

"Uuwi na rin kami mamaya kaya wag na. Saka pagod ka pa sigurado sa work mo."

(But not too tired to drive.) He sighed. (I miss you.)

Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. He sounded so sincere. I smiled and touched my necklace. It waa the one that Vince gave me.

"I miss you, too."

(I'll wait for you tomorrow. No more extension, Angel.)

Napangiti ako ng may tunog. "Opo. Wala ng extension."



Habang palapit kami sa bahay ay nakikita ko na ang sasakyan ni Vince sa tapat ng bahay namin. Napangiti na lang ako. Kanina pa siya nagtetext sa akin. Tanong ng tanong kung nasaan na kami at kung anong oras ako makakauwi ng bahay. Pero hindi niya sinabing hihintayin niya pala ako sa bahay namin.

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon