Chapter 39

1.7K 47 18
                                    

Chapter 39: "My eyes refuse to watch you leave, so tears will blur the memory."



Losing my baby felt like the world was crumbling down on me. No one had prepared me for this kind of pain. I cried inconsolably knowing that I would never get the chance to hold my baby. The chance of being a mother was taken away from me. 

Mama and mommy Consuelo were also crying while trying to comfort me. I had to be sedated because I wouldn't stop crying. When I woke up, I started crying again. 

"Best, tama na. Makakasama sa'yo yan," she said, crying. 

"Wala na yung baby namin ni Vince." Thinking about him made me cry even more. "Si Vince? W-where is he? G-galit ba siya sa akin?"

"No, hija. Vince is not mad at you," said Mommy Consuelo.

"Nawala ko yung baby namin, mommy."

"Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari," sabi ni mama at niyakap ako. 

Dumating sina Jerome at si kuya Jess para tingnan ang kalagayan ko. Dinalhan din nila ako ng mga prutas at bulaklak. Kuya Jess explained that there are a lot of risks for people like me who had a heart transplant and miscarriage is included. 

"I hate to say this, pero kung natuloy ang pagbubuntis mo, ang buhay mo naman ang manganganib, Chela." Hindi ako umimik. "It hasn't been a year yet since you had your heart transplant. You are not completely healed yet."

Gramps and the others prayed for me and my baby. Sina Je at Mikey ay umuwi lang ng kinailangan ko ng magpahinga. Nakatulugan ko na rin ang paghihintay kay Vince. 

Nagising ako na may humahaplos sa pisngi ko. Kaagad na nangilid ang mga luha ko ng makita ko si Vince na nakatunghay sa akin. He looked so sad and in pain. 

"Vince.."

Kahit nahihirapan ay bumangon ako at yumakap sa kanya. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi siya kumibo. Basta niyakap lang niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo. 


Pagkatapos ng ilang araw ay umuwi na kami sa bahay. Hindi na muna umalis sina mommy Consuelo para may makasama ako. Ang parents ko at si Mikey ay araw-araw akong binibisita. Malaki ang pasasalmat ko sa kanilang lahat sa pagdamay sa akin. 

How I wish Vince would also be there for me because I need him now more than ever. But he's barely at home. At first, I was making excuses for him that he was just busy with work. Pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Sa ospital pa lang ay halos hindi niya ako kibuin. He wouldn't even look at me. Nasasaktan ako sa panlalamig niya sa akin. 

"Hija, why are you still awak?"

"Hinihintay ko po si Vince, mommy."

She glanced at the clock. "It's almost midnight. Bakit wala pa kaya ang batang iyon?" She sighed. "Matulog ka na, Chela. Hindi makakabuti sa'yo ang pagpupuyat. Uuwi na din siguro yon."

Tumango na lang ako at pumanhik sa kwarto. Pero hindi rin ako makatulog dahil wala pa si Vince. Napatuwid ako ng upo ng marinig ko ang ugong ng sasakyan. Alam ko na si Vince na iyon. Hinintay ko na lang siya sa kwarto namin. 

Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok siya. He seemed a bit surprised to see me awake, but he remained quiet. 

"Bakit ngayon ka lang?" mahinang tanong ko. "Kumain ka na ba?"

"Yes. Why are you still awake?"

Tipid akong ngumiti. "I was waiting for you."

Umiwas siya ng tingin. "Next time don't wait for me."

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon