Chapter 18: Fear of the unknown
Vince made it up to me. He cancelled all his appointments the next day to spend more time with me. I was really happy and thought that everything would be okay. But little did I know that it was just the start.
"Vince, it's a Sunday," I said with a soft chuckle when I found him in his library so immersed with the papers that he was working on.
We're at his house, hanging out. Sinundo niya ako sa bahay. I offered to cook lunch for us. Lately, nag-aaral na akong magluto para maipagluto ko si Vince ng mga putahe na gusto niya.
He looked up and smiled at me. "Sorry. I'll just finish this one."
I pouted my lips slightly as I walked towards him. Pumwesto ako sa likod niya. Yumuko ako at niyakap siya buhat sa likod. I rested my chin on his shoulder.
"Ano ba kasi iyang ginagawa mo? Akala ko ba araw natin 'to?"
He grimaced as he glanced at me. "I know. I know. Sorry. This is just really important."
Kinuha niya ang kamay ko at iginaya ako paupo sa kandungan niya. Ipinakita niya sa akin ang kanyang ginagawa. It was about business, of course. Konti lang talaga ang naiintindihan ko dahil wala rin naman sa business ang hilig ko.
"Crawford group of companies?" I muttered. Just like the Andersons, the Crawfords are also well known in the business industry.
"I'm working on a business proposal. If I get this one, this will mark my success as a businessman," he said. Napatingin ako sa kanya. "This would help me prove my worth."
"Vince..."
Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. "I know you'd say that I don't have to prove myself to anyone. But I need to. Not for anyone else. But for myself. This proposal would make or break me, Angel."
Hindi ako nakahuma agad. Alam ko kung gaano niya kagusto na mapatunayan ang sarili niya. At alam ko rin na walang makakapigil sa kanya. Niyakap ko na lang siya pabalik at ngumiti sa kanya para ipakita ang suporta ko.
Sa kagustuhan niyang makuha ang approval para sa kanyang business proposal ay ibinuhos niya lahat ng panahon at atensiyon niya sa kanyang ginagawang trabaho. Hindi na niya ako naihahatid o nasusundo man lang. Wala namang problema iyon dahil sa boarding house naman ako nag-i-stay. Pero ang hindi lang okay ay wala na siyang oras para sa akin.
Kung dati ay dumadaan pa siya sa boarding house para magkita kami bago siya umuwi, ngayon ay hindi na niya nagagawa. We rarely talked on the phone either. Madalas ay hindi rin niya nasasagot ang mga messages ko sa kanya.
"Best, anong tingin mo dito?" I asked Mikey, showing her the red blouse that I was holding.
"Maganda, best! Tingin ko pak na pak sa'yo yan."
Ngumiti ako. Dumaan din kami sa Nikey store para ibili ng cap si Vince. Balak kong daanan siya sa kanyang opisina dahil matagal na rin nung huli kaming nag-kita. The last time that we saw each other was more than a week ago.
"Best, white or black?"
"Para kay Vince?" I nodded. "Black, best."
I smiled. "Thanks, best." Kinuha ko na iyon at binayaran.
"Best, bakit nga pala ako ang kasama mo ngayon? Hindi sa ayaw kitang samahan ha? Pero diba sabi mo may date kayo ngayon ng boyfriend mo?"
"He cancelled. Busy kasi siya sa tinatapos niyang trabaho."
BINABASA MO ANG
Tears Of An Angel
Romance"Why would He bring these two people together, make them fall in love, open up to to one another, make them feel like they were meant to be together, and then just pull them apart..." -Grey's Anatomy You meet your Mr. Right. You have the perfect lov...