Chapter 27: "It's so hard not talking to you."
I stood frozen on my spot, thinking if he were real or my mind was just playing tricks with me because as far as I could remember he was supposed to be in Germany. Pagbaba ko mula sa pamamahinga sa silid na inookupa ko kasama si Mikey ay nadatnan ko si Vince sa garden.
Kausap niya ngayon si Bob at ang ibang mga abay na halatang kinikilig kay Vince. Halos sampung minuto na akong nakatayo sa lugar ko, nagdadalawang isip kung lalapit ba ako o babalik na lang ako sa silid na inookupa ko kasama si Mikey.
"Ma'am,"
I nearly jumped out of my skin. Sapo ang dibdib na lumingon ako. It was manang Celia. Siya ang mayordoma ng mga Anderson.
"A-ano po iyon?"
"Hindi pa po ba kayo lalapit? Kanina pa po nila kayo hinihintay. Ihahanda na po namin ang miryenda."
I swallowed and smiled a bit. "Sige po."
Ngumiti siya sa akin at pinagmasdan ako na bahagyang ikinailang ko. "Mas lalo kayong gumanda, ma'am."
"Po?"
"Ikaw yung isinama ni senorito Vince noon. Hindi ko maaaring kalimutan ang maamo mong mukha." Hindi ako nakakibo. "Tinatawag ka na ng mga kasama mo."
I turned and saw Mikey, waving at me. I breathed out and walked towards them slowly. Ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin pero sinadya kong hindi tumingin sa direksiyon niya. Kaagad akong pinaupo ni Mikey sa tabi niya.
"Best, sabi ni Vi- mr. Anderson ipapasyal niya tayo sa buong hasyenda," said Mikey.
Awang ang mga labi na tumingin ako sa kanya. Alam ko na hindi rin siya mapakali tulad ko kaya pinili kong ngumiti na lang.
"Really. That's nice of him."
"Your friend seems tired," he said. "She can stay and rest if she wants while I tour you around the hacienda."
Bumaling ako sa kanya at pinilit na salubungin ang lamig ng tingin niya sa akin. I gave him a smile. "I'm fine, Mr. Anderson. Gusto ko rin sumama."
Kahit ilang minuto lang ay gusto ko siyang makasama. Tumiim ang bagang niya pero wala ng sinabi. Pagkatapos ng miryenda at kwentuhan ay lumakad na kami para ikutin ang buong hacienda.
"Does anyone know how to ride a horse?" he asked.
"I can but not well," Bob said.
Dalawa pa sa dalawang kasama namin ay marunong. Nagpakuha ng ilang kabayo si Vince dahil hindi daw kakayanin na libutin ang buong hacienda ng naglalakad lang. Of course, Mikey would ride with her fiancee.
"Mr. Anderson, pwedeng umangkas na lang ako sa'yo?" Kendi said in a flirty tone.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Si Mikey ay mukhang gustong kutusin ang pinsan. "Wait, what about Chela?" she asked.
"Ako na lang ang mag-aangkas sa best friend mo, Mikey. Don't worry, I'll take care of her," said Eric, the best man and Bob's cousin, flashing his charming smile at me. "Shall we?" inilahad pa niya ang kamay sa akin.
Inulan tuloy kami ng tukso. Sa daan pa lang ay kinukulit na niya ako. Napangiti na lang ako pero bago pa ako makasagot ay may humila na sa kamay ko.
"She'll ride with me," Vince said, using his authoritative tone.
I missed this: being inside his arms, feeling his warmth. If I could only stop the hands of time and stay like this forever. I closed my eyes, savored the moment, and leaned against his body.
BINABASA MO ANG
Tears Of An Angel
Romansa"Why would He bring these two people together, make them fall in love, open up to to one another, make them feel like they were meant to be together, and then just pull them apart..." -Grey's Anatomy You meet your Mr. Right. You have the perfect lov...