Chapter 32

2K 48 6
                                        

Chapter 32: "I want to wake up at 2 am, roll over, see your face, and know that I'm where I am supposed to be."




People were dancing wildly on the dance floor while I was tucked beside Vince with his arm firmly wrapped around my waist. He came with me when I had dinner with some friends. Then we went straight to a bar which was co-owned by Daniela's cousin. Ayoko na sanang sumama dahil alam ko na pagod din sa trabaho si Vince pero nagpumilit ang mga kaibigan ko.

"Lovebirds, ayaw niyo talagang sumayaw?" Daniela asked.

Bumaling ako kay Vince na tahimik na umiinom. Humawak ako sa hita niya. Tumingin siya sa akin. "Do you wanna dance?"

"Let's just stay here," he said pulling me even closer.

Umiling ako kay Daniela. She rolled her eyes with a teasing smile. Nagsipunta na sa dance floor ang mga iba naming kasama. Si Daniela ay niyaya ako sa powder room.

"Gosh. You didn't tell me that you're boyfriend is the Vince Anderson!" kaagad na sabi niya pagkapasok namin sa powder room. "You are one lucky girl! He's so into you. He never left your side. Nakakakilig!"

Napangiti lang ako ng may tunog. Pabalik na kami ng may biglang humarang sa amin na lalaki. He was tall and got a cute smile.

"Hi! Wanna dance?"

I declined politely, but he was very persistent. I gasped when he held my hand and was about to drag me to the dance floor but an arm pulled me back. Sa pabango pa lang ay kilala ko na. Pumalibot ang braso niya sa beywang ko.

"Let her go before I break your arm," he said calmly. Pero ramdam ko ang galit niya.

Itinaas ng lalaki ang mga kamay. Halatang natakot kay Vince. I couldn't blame him. "Sorry, man. I was just asking for a dance. Thought she was alone. Sorry." Nagmamadali na siyang tumalikod.

"V-Vince, let's go."

Madilim pa rin ang mukha niya kaya niyakap ko na ang braso niya at hinila na siya pabalik sa table namin.

"Girl, katakot pala si Vince," bulong ni Daniela. "But he was so hot back there!"

Hindi na ako nagkomento. Nilinga ko si Vince na kahit kausap ang iba naming mga kasama ay nanatili ang kamay sa beywang ko.

"Chels, try this frozen margarita. It tastes good."

"Uh, sure."

Buhat kanina ay juice lang ang akin dahil ayaw ni Vince na uminom ako ng alak. Nahiya na akong tumanggi kay Daniela kaya tinikman ko na. It wasn't as strong as I thought it would be. Nagustuhan ko ang lasa kaya itinuloy ko ang pag inom.

"That's enough."

I tensed as he whispered in my ear. Gumapang ang kilabot sa katawan ko sa pagtama ng mainit niyang hininga sa akin. It smelled minty. May halong amoy din ng alak na parang nagpapalasing din sa akin.

Napalunok ako ng halikan niya ang leeg ko kasabay ng pagpisil niya sa beywang ko. 



Napansin ko na napaparami na ang iniinom ni Vince. Halata rin ang pamumula ng mukha niya dahil maputi siya at mestiso. Mas naging mapangahas na rin ang kamay niya na kanina pa humahaplos sa beywang o kaya ay sa hita ko.

"You smell so sweet, angel," he muttered as he kissed my neck.

Napalunok ako ng humaplos pataas sa hita ko ang kamay niya. Buti na lang ay walang nakakapansin sa amin dahil okupado din ang iba naming mga kasama.

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon