Chapter 24

1.6K 58 10
                                        

Chapter 24: Engaged to Pain



It was the night of the engagement party. I wore a maroon dress. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok. 

"Ang ganda naman ng alaga ko," puri sa akin ni yaya Bebs. 

"Salamat po."

Sinundo na ako ni Jerome tutal ay pupunta din naman siya sa party. Medyo nahuli pa siya ng kaunti dahil galing pa siya sa hospital at nag-duty. 

"Sorry talaga, Chels."

"Okay lang. Nasaan pala si Charm?" 

Bahagyang nalukot ang mukha niya ng marinig ang pangalan ng nobya na isang nurse sa ospital kung saan siya nagta-trabaho. 

"Ayun. Naka-duty. Hindi man lang nakipag-palit ng shift para masamahan ako sa party."

"Baka naman sinubukan niya. Wala lang talaga siyang magawa."

"Right," he muttered. 

Iniba din niya agad ang usapan at bumalik sa dating masaya ang aura niya. Nag-umpisa na ang party ng makarating kami sa hotel. Ang daming tao. Sinalubong naman agad kami ni Mikey.

"Best! Je!" Niyakap niya kaming pareho. "Akala ko hindi na kayo sisipot. Magtatampo na sana ako."

Je explained why we were late. "Sorry medyo na-late kami."

"Naku ha! Yang work mo, Je, panira ng friendship!" Mikey said, rolling her eyes.

Natawa na lang kami sa kanya. 

"Best, 'wag ka ng magalit. By the way, you look so beautiful," I said sincerely.

"Aww.. Thank you, best! Ikaw rin! Pak na pak, best! Taray ng dating mo!"

I smiled. "Where's your fiance?"

Bahagya siyang napasimangot. "Ewan ko ba sa bwisit na iyon. Engagement party namin ito pero ginagawang business party! Letse siya! Puro businessmen ang mga kausap." Humalukipkip pa siya sa inis.

"Chill," I said, chuckling,

"Nasa business world po kasi ang asawa niyo kaya ganon," nakangising sabi ni Je.

"Letse. Sana nag-propose na lang siya sa business nila! Anyway, tara na sa table niyo,"

Kasama namin sa table ang mga pinsan ni Mikey. Mayamaya ay lumapit si Bobby na parang hindi mapakali. He greeted us then asked Mikey to come with him. Hindi naman nagtagal ay bumalik sila. They looked worried. 

"Uh, best.. ano kasi..." She clacked her tongue then glanced at his fiance. 

"What is it?" I asked.

"Tara retouch tayo!"

She didn't even give me a chance to answer. Kaagad na niya akong hinila. Pagpasok namin sa rest room ay mukha pa rin siyang hindi mapakali.

"Best, are you okay?"

Mukha pa siyang nagulat. "Ha? O-oo!"

"Are you sure? You don't look okay."

She clacked her tongue. "Bahala na nga!" she muttered. Tumigil siya sa kakalakad at lumapit sa akin. "Best, sabi mo mahal mo pa si Vince, diba?"

Bahagyang nawala ang ngiti ko. "Y-yes."

She scratched her forehead. "Gaano kamahal? If ever, are you ready to face him again?"

My forehead creased a bit. "Best, what is it about? May problema ba?"

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon