Chapter 38

1.9K 50 6
                                    

Chapter 38: "She is my entire existence." - Perry Poetry



The look on his face when I told him I'm pregnant will always be one of my favorite moments that I'll share with our kids someday. Hinaplos ko ang buhok niya habang hinahalikan niya ang tiyan ko at kinakausap ang baby namin. 

"While daddy is at work, don't give mommy a hard time, okay?"

Napangiti ako. Medyo maselan ang paglilihi ko. Lagi akong nagsusuka sa umaga at nahihilo kaya si Vince ay halos hindi ako maiwan dahil sa pag-aalala. Kung hindi pa siya itataboy ng mommy niya para pumasok ay hindi siya aalis sa tabi ko. 

Para rin akong babasaging kristal kung itrato niya. He wouldn't let me do anything. Pati pagbe-bake ko ay binawal niya. 

"Vince." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I miss yaya Bebang. I wanna visit her."

"No problem. I'll have manong to pick her up-"

"No. Gusto ko ako yung pumunta sa bahay." He looked hesitant. "Please? Hindi naman ako magpapagod. Sa bahay lang naman kami. Sige na," naglalambing na hinaplos ko ang pisngi niya.

He sighed, took my hand, and kissed it. "Fine. But no tiring activity."

Lumawak ang ngiti ko. "Promise!"

"Then let's go and take a shower."

I squinted my eyes as he gave me a sexy smile that I know too well. "No tiring activity, right?"

He chuckled. "Your OB said it's okay, angel."

Natawa na lang ako ng buhatin niya ako papasok sa shower. 



While I was brushing my hair, he hugged me from behind, and gave me a kiss on my neck and shoulder. "You're getting more beautiful each day."

I laughed softly. "Bolero!"

"Nope. I'm just being honest." Matunog niya akong hinalikan sa pisngi. "Let's go?"

Kukunin ko na sana ang bag ko pero naunahan niya ako at siya na ang nagbitbit. Magka-hawak kamay kaming bumaba ng hagdan. Naabutan pa namin ang parents niya na nagku-kwentuhan sa living room.

"Isasama mo si Chela sa office?" 

"No, mom. She'll visit yaya Bebang."

"Oh please bring my pasalubong for her, hija. I keep on forgetting to bring it to her."

"Sige po, mommy."

Maraming paalala si Vince sa akin bago niya ako iniwan sa bahay. Kung hindi pa siya tinawagan ng secretary niya para i-remind ay hindi pa niya ako iiwan.

"Nakakatuwa talaga ang asawa mo. Mahal na mahal ka, anak."

I smiled. "Oo nga po."

Habang niluluto ni yaya Bebang lahat ng paborito kong pagkain ay nagku-kwentuhan lang kami. Pagkatapos namin mananghalian ay nagpahinga ako sa dati kong kwarto. Si Vince ay tumwag pa sa akin para I-check ako. 

It was around 4 in the afternoon when I had an unexpected visitor. "Je!" I gave him a hug. "I missed you!"

Masaya ako na makita siya but at the same time ay nag-aalala rin ako dahil hindi pa ulit namin napag-uusapan ni Vince ang tungkol sa kanya. The last time we talked, he didn't want me to see Jerome. 

"Buti na lang naabutan kita dito. Nagbabakasali lang ako actually." 

"Na-miss ko kasi si yaya Bebang kaya bumisita ako."

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon