Chapter 25

1.5K 48 5
                                    

Chapter 25: "How do you go back to being strangers with someone who has seen your soul?"



I hugged my knees and stared out of the window in my room. Simula ng makita ko ulit si Vince ay muling nagulo ang sistema ko. Nasaktan ako sa malamig na pagtrato niya sa akin. Alam ko na dapat lang sa akin iyon pero masakit pa rin. 

"Anak," tawag ni yaya Bebs sa labas ng pinto. 

"Bakit po?"

Bumukas ang pinto at sumilip si yaya Bebs. "Wala ka bang balak lumabas? Ang akala ko ba ay pagbalik natin dito sa Maynila ay gusto mong maglibut-libot? Bakit ngayon ay ilang araw ka ng nandito lang sa kwarto mo."

Tipid akong ngumiti at umiling. "Tinatamad lang po akong lumabas."

I didn't tell her that I'd already seen Vince again. Lumapit siya sa akin. 

"May problema ka ba, anak?"

"Wala po. Mamaya po siguro lalabas ako."

Napagdesisyunan ko na lumabas na lang kaya tinawagan ko si Mikey. Eksakto naman na may mga kailangan siyang asikasuhin sa nalalapit niyang kasal at hindi siya masasamahan ni Bob. 

"I'm super stressed with the preparations and stuff. Tapos, ang bwisit na groom ko pa-chill chill lang! I-cancel ko kaya yung kasal namin, tingin mo best?"

I laughed softly. "Hindi ba tinatapos na niya yung mga kailangan niyang gawin sa trabaho para wala na siyang problema sa honeymoon niyo?"

She rolled her eyes. "Iyan naman kasing ex mo may pagka-slave driver din! Kawawa tuloy yung fiance ko. Naku, sabihan mo yang ex m-" She suddenly stopped then turned to me with a grimace. "Sorry, best. I shouldn't have mentioned him."

Ngumiti lang ako. Sinamahan ko rin siya sa designer ng dress niya para magsukat. I was looking through a magazine while waiting for Mikey. 

"Best, look!"

Nag-angat ako ng tingin. Napangiti ako at tumayo para malapitan siya. "Best, ang ganda." Pinasadahan ko ng tingin ang gown niya. "Sigurado ako ikaw ang pinaka-magandang babae sa araw ng kasal mo."

"Hindi rin. Nandoon ka kaya pangalawa lang ako sigurado!" tumatawang sabi niya.

"Best."

"Ano ka ba? Okay lang yon. Ako naman ang number one kay Bobby!" she said with a giggle. "Saka luwa mata non sa akin sa honeymoon namin!"

Nakangiting napailing-iling na lang ako. Pinasukat na rin niya sa akin ang gown na isusuot ko sa kasal niya. It was simple and elegant. Light blue ang sa akin habang sa mga brides maid ay dark blue.

"Best! Kaloka ka! Ang ganda mo! I knew it! Pak na pak talaga sayo!" She excused herself when she got a call from Bob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Best! Kaloka ka! Ang ganda mo! I knew it! Pak na pak talaga sayo!" She excused herself when she got a call from Bob. "Uh, best?"

"May problema ba?" I asked. Mukha kasi siyang may pinoproblema.

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon