Chapter 11

1.5K 57 6
                                    

Chapter 11: Treasure




This is so awkward. Hindi na ko mapakali. Nate-tense ako. Kahit alam kong napag-usapan na namin ang tungkol sa picture at kay Jed ay di pa rin talaga siya ayos sa lahat. Kanina paglapit niya sa kin ay hinalikan niya sa ko sa labi. He was being territorial. Alam kong namula ng husto ang mukha ko. Ni hindi ako makatingin kina Maddy kanina. Tapos ngayon ay isinama pa nila kami sa bar. Ang isang braso niya ay nasa likod ng upuan ko. Ang mga daliri niya ay paikot-ikot sa balikat ko.

"Margarita?" tanong sa kin ni Maddy.

"Just juice for her," sagot ni Vince para sa kin. "Sorry, angel, but no alcohol for you," bulong niya sa tainga ko. 

Gumuhit ang kilabot sa batok ko ng tumama ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Nahalata niya siguro kaya tumawa siya ng mahina at dinampian ako ng halik sa tainga.

"Vince," sabay pa kaming tumingin kay Natalie. Kaibigan siya nina Maddy. "How many girlfriends have you had before Chela?"

"Best, kanina ko pa napapansin ang hitad na yan. Tanong ng tanong sa boyfriend mo," bulong sa kin ni Mikey. 

Of course I had also noticed that but I chose not to say anything. Pati ang mga malalagkit na tingin niya kay Vince ay di nakalagpas sa akin. Sure, the other girls were also staring at him pero siya lang ang lantaran.

"I'm sure you've had a lot, Vince. I mean with your looks, no doubt," dagdag pa niya.

"Actually Chela is my only girlfriend."

Napatingin ako kay Vince. Ako lang? He smiled softly at me. 

"I don't believe you!" Natalie said, giggling.

"Baka maraming flings pero si Chela lang ang sineryoso," said the other guy whose name I didn't remember. "Ang tamang tanong siguro, ilang flings pare?"

Tipid lang siyang ngumiti pero hindi sumagot. 

"Yun yon eh!" Tumawa sila.

Hinawakan ko ang kamay ni Vince. Alam ko kasi na ayaw niya ng ganito. He is a very private person. Kaya sigurado ako na pinakikisamahan niya lang ang mga ito dahil sa akin. At nagpapasalamat ako na hindi siya nagsusuplado.

"Girl, ang haba ng hair mo! Ikaw lang ang sineryoso." Pamela teased me. Tipid lang akong ngumiti.

"Pero kahit ikaw lang ang sineryoso, hindi rin naman ibig sabihin na ikaw na lang talaga," Natalie said laughing.

"Nat, don't be such a bitch," Jed mildly scolded her.

"What? I didn't mean anything about it. I mean, come on. Asawa nga, naaagaw, boyfriend pa kaya?"

"Baliw. Sa tingin ko kay Vince hindi siya yung tipong nagpapaagaw," sabi naman ni Pamela. 

Natalie just smirked. Nakakaramdam na ko ng inis sa kanya.

"That won't happen. Chela is the only one for me." Then Vince kissed the back of my hand.

"We can't really tell what will happen," ayaw patalo na giit ni Natalie.

"Best, makakatikim na talaga sa kin yan. Naku!" nanggigigl na bulong ni Mikey sa akin.

I touched her shoulder to calm her down and shook my head. The likes of Natalie aren't worth the trouble.

"Yes, that's true."

Lumawak ang ngiti niya sa isinagot ni Vince. "Of course it is-"

"However, I am pretty sure that Chela is the only girl I want to spend the rest of my life with." 

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon