Trisha's POV
Another day!
Nandito kami ngayon sa classroom. May announcement daw ang teacher namin eh.
Oo nga pala. Absent si Claire ngayon. Ewan ko ba dun sa babaeng yun. May problema ata.
"Uhm, okay class. Next week ay mag ka karoon tayo ng mga audition."
"Para saan po, sir?" Tanong nung kaklase ko.
"All of you, just please shut up your mouth and listen very carefully. Ayoko ng pabitin."
Sungit.
"Mag kakaroon tayo ng mga audition para sa mga magaling kumanta,sumayaw,arts,poetry etc. Kung saan ka magaling. And then, pi-pili at pi-pili ng mga magagaling at kung sino ang manalo edi siya ang mananalo."
"K, class. Dismiss."
Nice. Mukhang magiging maganda to hehe.
"San ka sasali, Trisha?" Tanong ni James na katabi ko.
Tsss. Feeling close. New friend ko lang naman siya.
"Uhm, baka di nalang ako sasali. Wala akong talent eh."
"Sa dance sya sasali." Sabi ni Dave.
Luh? Siya na pala si Trisha ngayon.
"Di ako marunong sumayaw. Kaya tumigil ka dyan." Tinarayan ko siya.
Di pwerket masarap yung carbonara ng mama nya ah!
Tssss.
"Napalista na kita sa group ko at wala ka nang magagawa pa." Sabi ni Dave.
"WHAT?!" sigaw ko sa kaniya.
'Yeah."
"Kapal naman ng mukha mo! Sino ka ba sa buhay ko para mag desisyon para sakin! Ako nga hindi ko hinahayaan na mag desisyon yung mga kaibigan ko para sakin. Tas ikaw ganon ganon lang? Tsk. Sino ka ba sa akala mo ha?" Galit kong sabi.
Nakaka badtrip naman kasi.
"Magulang ko ang may ari ng tinatapakan mong lupa ngayon."
"Oh sayo na nanggaling. Magulang mo! At hindi sayo!"
"At pwede ko silang kausapin para mapatalsik kita dito."
"Then go! Walang pumipigil sayo. Maraming school sa mundo na pwede kong pasukan! Isaksak mo sa baga mo tong lupang sinasabi mo!"
At nilamon siya ng lupa.
Joke.
Umalis ako doon! Nakaka badtrip talaga yang Dave na yan.
"Trisha!" May tumawag sakin pero di ko nilingon.
"Trisha!" Tawag nya ulit.
Damn this guy! Sino ba to.
Nilingon ko.
At nagulat ako dahil si James iyon hingal na hingal siya.
'Oh, James? Bakit?"
"Uhm. Galit ka ba kay Dave?"
"Wag ka na magtanong dahil alam mo na ang sagot." Mataray kong sabi.
"Bakit ba ang taray mo lagi?! Araw araw ba meron ka?! Nako masama yan."
Luh.
"Tsk. Mind your own business."
"Kala ko ba mag kaibigan na tayo? Pwede ka namang maglabas sakin ng galit eh."
"Tsk. Wag na. Wala namang mangyayari."
"May mangyayari."
"Anong mangyayari?! Pag nilabas ko ba sayo to mabubura ba yung pangalan ko sa listahan na yun ha?!"
"Bakit? Ganon ba talaga lagi? Kapag may problema ka, dapat kapag naglabas ka dapat malulutas agad yung problema na yun."
Wow.
"Ang paglalabas ng problema mo sa ibang tao ay nakakatulong. Dahil nalalabas mo yung galit mo, lumalabas yung mga hinanakit mo. And that way ga-gaan ang loob mo, ka-kalma ka. Tapos makaka isip ka na ng TAMANG paraan para malutas yung problema mo"
Nays. Ang dami niyang sinabi.
Pero tama naman siya.
"Yeah you right. Thanks."
"So. Labas mo na."
"EH KASI NAMAN NAKAKA BWISIT NA YANG DAVE NA YAN. SINO BA SIYA PARA MAG DESISYON. EH DI NGA AKO MARUNONG SUMAYAW. OH ANO?! GUSTO NIYA AKONG PAHIYA. NAKO TALAGA. ALAM MO KAPAG NAKITA KO YUN DI KO ALAM GAGAWIN KO DUN. BAKA IPAKAIN KO SIYA SA LUPA KAGAYA NG NA IMAGINE KO KANINA."
Hala.
"HAHAHAHAHA. Seriously Trisha?! Na imagine mo yun?"
Aalis na ako nang hinila niya ako.
"Joke lang. Oh so anong balak mo ngayon?"
"Papakain ko siya sa lupa."
"HAHAHAHAHA. Ang cute mo, Trisha."
"Ewan ko sayo, James! Oh? So anong gagawin ko?"
"Are you asking me?"
"Ay hindi. Nagsa-salaysay ako ngayon malamang nagtatanong diba."
"Hahahaha. Parang ikaw kasi yung taong never magtatanong sa iba dahil napaka sungit mo."
"So what now?!"
"Take mo nalang yung chance, Trisha. Once kasi na naka lista ka na dun. Di ka na mabubura. Eh unang una pa si Dave na nag palista. Kasi bago sabihin yun ni sir alam na ni Dave."
Hays that jerk.
"Take mo nalang yung chance, Trisha. Sabi mo kanina baka ginagawa lang niya yun para mapahiya ka. Edi gawin mo ang best mo! At patunayan mo sa kaniya na hindi ka basta basta nagpapatumba. That is Trisha right?!"
Yeah. That is Trisha.
"Thanks, James. Sobrang nakatulong yun sakin."
"You're always welcome to me. Basta pag may problema ka wag ka mahihiyang maglabas sakin. Okay?! Ganon ang kaibigan."
Nginitian niya ko.
Ngimitian ko din siya.
May another side din pala si James. Akala ko puro kalokohan din siya. Dahil sa mga barkada niya.
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...