James POV
Nandito kami ngayon naglalakad patungong condo ni Trisha.
Wag kayong ano, ihahatid ko lang siya.
Nang malapit na kami sa condo ay agad kaming tumigil sa paglalakad.
"D-dave?" Nauutal na tanong ni Trisha.
Nakita namin si Dave na nakaupo sa may pintuan ng condo ni Trisha.
Tumayo naman si Dave. Nginitian niya si Trisha. At nagbago naman ang mukha niya ng nakita ako.
"Hanggang dito ba naman, James?!" Sigaw niya sa akin.
"Stop it, Dave. Iiwan ko kayong dalawa dito, kapag nag away kayo."
Tumigil naman na si Dave.
"Sinagot mo na ba siya, Trisha?" Tanong ni Dave na ikinatawa ko.
Masyado ata siyang halata na 50/50 ako ang pi-piliin ni Trisha kesa sa kanya.
"No, wala pa akong pinipili sa inyong dalawa. Hindi ko pa alam kung sino ba talaga ang taong mahal ko. Kaya kung pwede ba, bago nyo ko tanungin kung sino ang pi-piliin ko sa inyong dalawa. Eh, manligaw muna kayo!" Sigaw ni Trisha sa aming dalawa.
Oo nga no. Hindi ko naisip na ligawan siya. Gusto ko kuha agad hahahaha. Ganon rin naman si Dave.
Pero ang lahat ng bagay na gusto mo ay dapat mo munang paghirapan bago mo makamit ito.
Kaya paghihirapan ko si Trisha.
"Manliligaw ako sayo, Trisha. Starting Tomorrow." Sabi ko.
"Ako din!" Sabi ni Dave.
Nagkatinginan kami ni Dave at lumapit siya sakin.
"Ka-kalimutan ko muna na kaibigan kita. Dahil ikaw ang karibal ko sa taong mahal ko."
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Pumalagitna sa amin si Trisha.
"O-okay guys. Gabi na. Umuwi na kayo."
"Okay, Trisha. Good night. See you tomorrow." Sabi ni Dave.
"Okay, Trisha. Good night and sweetdreams."
**
Trisha's POV
Naghahanda na ako para pumasok.
Nang lumabas na ako sa condo.
O____O
Dalawang lalaki ang naka abang sakin.
"Trisha, sumabay ka na sakin."
"Asawa ko? Let's go."
Gosh! Ano ba to.
"Uhm.." sabi ko habang tinitignan silang dalawa.
"How about, sa akin nalang kayo sumabay?"
Nakita ko ang tanong sa mga mukha nila.
Nagkatinginan pa nga sila.
"Kayong dalawa, sasabay sakin. Sakay kayo sa kotse ko, and I will drive."
"No.."
"No.."
"No? Edi sige. Ako nalang ang sasakay sa kotse ko. Bye!" Sabay alis papuntang kotse ko.
Ang kulit nyo ah.
"Trisha.."
"Trisha.."
Lumingon naman ako sa kanilang dalawa.
"Oo na.. sasabay na kami." Sabi ni Dave.
"Okay, let's go."
"Pero ako mag dri-drive, ayokong mapagod ka. Asawa ko." Sabi ni Dave.
"Ako nalang para safe." Sabi ni James.
"Ako ang nauna. Kaya ako."
"No. Mas safe---"
"ANO BA KAYO?! KUNG MAG A-AWAY LANG KAYO SA HARAPAN KO. AKO NALANG ANG SASAKAY SA KOTSE KO AT IPAG DRI-DRIVE KO ANG SARILI KO. MADALI LANG GAWIN YUN. PERO ANG TIISIN YANG MGA PAG A-AWAY NYO? HUH! HINDI MADALI! ANG SAKIT SAKIT NIYO SA TENGA! BAHALA NA NGA KAYO!" Sabay sakay sa kotse ko at nag drive
Tsssss. Bahala sila sa buhay nila.
Malaki na sila.
Kaya na nila ang sarili nila
Habang nag dri-drive ako ay napapaisip ko.
I hate boys. Right?
Pero bakit parang ngayon, hindi na?
Dahil ba to kela James at Dave?
Sana wag nila akong saktan.
At patunayan na hindi pare-pareho ang mga lalaki.
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...