Chapter 33: Coincidence?

31K 339 37
                                    

Trisha's POV

Lalabas na ako ng condo ko para pumasok. Kasabay ko ngayon si Claire at Angelica.

Ang tagal na din naming di nagkakasama pumasok ng ganito hahahaha.

Pumasok kami sa kotse ko. At ako ang nag drive.

School...

Konting kembot nalang at matatapos na ang school year! Last na namin sa susunod.

Naglalakad kami papuntang room nang nakasalubong namin si James.

"Hi guys." bati niya sa amin.

"Hello, James!" Bati namin sa kanya.

Tinabihan ako ni James.

"Let's go?" Tanong niya.

Tumango ako. At sabay sabay kaming naglakad.

Nakikita ko si Claire at Angelica sa may gilid ko, kakaiba ang mga ngiti.

Ngiting unggoy.

Nang makapasok na kami sa room ay wala pa si Dave.

Asan na kaya yun?

Teka.

Bakit ko ba siya hinahanap?

Tsssss.

"Looking for me, asawa ko?"

Napatalon ang puso ko sa gulat. Nang marinig iyon mula kay Dave.

Nilingon ko siya. At kinindatan niya ko.

"Of course not! And wag mo nga ako tatawaging asawa ko! Nakakainis."

"Ulitin mo nga."

"Ang alin?"

"Yung asawa ko."

"Asawa ko!"

"Yes, asawa ko?"

"Tse! Dun ka na nga! Nakaka irita ka!"

Kabanas to.

Kabanas to.

Kinikilig ako.

HAHAHAHAHAHA.

Ee keshe nemen shene beng de kekelegen pete nge negseselet nete kenekeleg eh!

Katabi ko si Ivan sa room bandang kaliwa. Sa gilid ko naman ay si Angelica at Claire na nasa bandang kanan.

"Ivan!" Tawag ni Dave sa kanya.

"Po?"

Talagang may "po" eh no. Ang galang. Sa bagay takot sila kay Dave eh.

"Palit tayo ng upuan."

"Pero..."

"Walang pero pero, magpapalit tayo ng upuan o magpapalit ka ng school?"

"Eto na nga po."

Agad agad tumayo si Ivan sa upuan niya. At umupo sa upuan ni Dave na ang katabi niya don ay si James.

Lumipat sa tabi ko si Dave.

"Anong trip mo?!" Tanong ko kay Dave.

"Masama bang tumabi sa pag ma-may ari ko?"

"Walang tayo."

"Walang tayo? Pero pag dating sa kontrata, may tayo." Sabay kindat.

Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

Nababaliw na talaga ako sa lalaking to.

-----

Dumaan ang mga oras at uwian na! Hays salamat naman.

Bago kami makapasok sa kotse ko. Ay lumapit sakin si Dave at may binulong.

"Okay." Sagot ko.

Nang maka uwi ako sa bahay ay ginawa ko na ang mga assignment,project etc.

Dahil mamayang gabi ay makikipag kita sakin si James sa...

Sa....




















Sa...























Teka....
























HALA! YUNG TINEXT SAKIN NA LUGAR NI JAMES PAREHO NUNG BINULONG SAKIN KANINA NI DAVE!

Pinag tri-tripan ba nila ako?

Gusto nila makipag meet dun eh.

8pm sabi ni Dave.

9pm naman sabi ni James.

WTH. O_____O

Coincidence kaya to?

Hays, stop thinking about it, Trisha. Malalaman mo rin yun mamaya.

Nang matapos ko na ang lahat ng dapat kong gawin ay agad akong pumili ng damit para susuotin ko mamaya.

Ang hirap pumili.

Ganon talaga pag mga babae eh. Sa damit pa lang, hirap na hirap na pumili. Sa mga lalaki pa kaya?

Char! Hahahahaha.

Nang makapag desisyon na ko kung ano ang susuotin ko ay agad akong naligo at nag bihis.

This is it!

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon