James POV
Pumasok si Dave sa room na galit na galit.
Ano kayang nangyari?
Pumasok din si Red at Trisha.
Wala pa namang teacher. Kaya tinanong ko si Red.
"Anong nangyari?"
"Si Dave kasi ano..."
Naputol ang sasabihin niya nang dumating yung teacher namin.
Tssss. Ano kayang nangyari.
Lunch Break na.
Mag ka-kasama kami ni Dave,Red,Philip at Liam.
"Pre, ano bang nangyari?" Tanong ni Philip.
"Nag handa ako para kay Trisha. Para makabawi,mag sorry sa kanya. Tapos bu-buhusan lang nya ko ng pintura?!'
"What?! Siya talaga nag buhos?!" Tanong ni Philip.
"Hindi. Nag utos siya." Sabi ni Red.
"Bakit ka nag so-sorry sa kanya?" Tanong ni Liam.
Oo nga naman. Ano bang ginawa niya at nag so-sorry siya kay Trisha.
"Tinanong ko kasi kay Angelica kung anong kinakatakutan niya, unang una daw, Doll. Tapos ayun, nag date kami. May kontrata kami diba? Una na nood kami ng love story tapos biglang lumabas yung movie yung Annabelle. Yung may nakakatakot na doll. Tas tumili siya. Mas lalo pa siyang sumigaw nung may hawak na kong totoo na doll. Yung nakakatakot. Nag effort pa ko maghanap nun, para matakot ko siya. Eh hindi ko alam ganoon pala siya katakot sa doll, tas umiyak siya. Tapos umalis." Kwento ni Dave.
"Yun naman pala." Sabi ni Red.
Nagtawanan silang lahat.
"Baliw ka talaga, Dave. Malamang ga-ganti yun sayo." Sabi ni Philip.
"Ehh, nag sorry na nga diba?!"
"Eh bakit alam ba niya yun na mag so-sorry ka, bago niya gawin yung pag plano nya ng pintura sayo?" Sabi ni Liam.
Matalino talaga to si Liam. Walang makaka lusot dito. Hahaha.
"Oo na! Kasalanan ko na! Masaya na kayo?"
"Hindi naman sa pinu-push namin na ikaw ang mali, Dave. Ang samin lang is, dapat di ka magalit kay Trisha, sa pag buhos niya ng pintura sayo, kasi hindi naman niya alam na mag so-sorry ka before nya pinagawa yun." Sabi ni Philip.
"Tama, tama." Sabi ni Red.
"Eh basta! Galit ako. At wala na kayong magagawa about dun."
Ganito talaga si Dave. Childish talaga siya.
Umalis ako dun at hinanap ko si Trisha. Pero hindi ko siya makita.
Asan na kaya yun?
Tinawagan ko siya.
Nakuha ko nga pala tong no. Nya kay Angelica.
"Hello?"
[He-hello?] Bakit parang umiiyak siya? Siguro dahil kay Dave.
"Trisha, si James to. Asan ka? Saka bakit parang umiiyak ka?"
[Nasa hospital.]
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
[Uminom siya ng madaming gamot *iyak*]
Shit.
[Na saan ka ngayon?]
"Nasa.."
Agad kong pinuntahan yung hospital na sinabi niya.
Nag a-alala ako para kay Trisha. Pati na rin sa kaibigan niya.
Pag ka dating ko dun ay agad ko silang hinanap.
At nang makita ko siya ay umiiyak siya.
"Trisha.."
Nilapitan ko siya.
Naka upo siya ngayon at lumuhod ako para makita ang mukha niya.
Bigla niya kong niyakap.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Di ako nakapag react ka agad.
Pero nang bumalik na ko sa katinuan ay niyakap ko din siya pabalik at pinatahan.
"Shh.. Don't worry, Trisha.. everything will be fine." Sabi ko.
"Please stay here, by my side" sabi nya habang umiiyak.
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...