Trisha's POV
Hays. Buti nalang at napagaan ni James ang ulo ko. At binigyan nya ko ng dahilan para di magpatalo sa Dave na yan!
Tsssss.
Naiinis ako sa kanya!
Kayo rin ba?
Hays.
Bumalik ako sa classroom ng confident at naka ngiti.
Para naman di isipin ni Dave na naapektuhan at nasisira nya ang araw ko! Pero ang totoo sirang sira na talaga.
"Oh, sis! Nandito ka na pala." Sabi ni Angelica.
"Hindi picture ko lang to. Tara na."
"Anong tara na? May isang class pa before ang break time natin, sis! Hahaha."
Kainis naman.
Inantay ko nalang yung teacher at nakinig sa mga lesson.
Break time na! Hahahaha. Tama nga naman, hindi lahat ng "break" malungkot. Katulas ng break time! Hahahahaha.
"Oh, tara na sis."
Umalis kami sa classroom. At pumunta ng cafeteria.
May pinag kakaguluhan sila. At hindi ko na kailangang tignan kung ano yun. Dahil si Dave lang naman lagi ang pinagkakaguluhan nila. Tsk. Akala mo naman gwapo, well oo na! Gwapo sya. Pero ugali nya, nevermind.
Nagulat ako. Nang lumabas si James dun sa mga pinagkakaguluhan ng mga babae.
Sikat din pala to! Hahaha.
'Sis, sikat din pala si James no?" Tanong ko kay Angelica.
"Oo naman. Sa kanilang lima, siya ang magaling kumanta. Nako, Trisha. Pag nakita mo yang kumakanta. Baka ma inlove ka. Hahahaha!"
"Tssss. Kahit mag hubad pa ang isang lalaki sa harap ko never akong ma i-inlove."
"Asus! Nasasabi mo yan kasi di ka pa tinatamaan! Intayin natin, na pumag ibig ka. Nga nga ka! Hahahaha."
Tsss.
Lumapit dito si James.
"Hi Trisha, hi Angelica"
"Hello, James!' Bati ni Angelica.
'Low" bati ko.
Umupo siya sa harap namin at dun kumain.
Naiilang ako kasi alam kong nakatitig sya sakin.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
'Hmmm. Wala lang."
Tssss.
Tumunog yung cp ko. Pagkalabas ko may message galing sa unknown number.
[Practice after class. GM.]
Tssss. Kala neto ah. Di na ko mag papatalo sa kanya no! Tssss.
"Teka? Pano niya nalaman no. Ko?" Napa sigaw ako ng hindi oras.
"Nino?' Sabay na tanong ni James at Angelica."
"Si Dave."
"Ah, eh malamang. Alam na nya ang lahat about sayo. Tatay nya may ari ng school na to eh."
Oo nga pala tssss.
Nilagyan ko ng pangalan yung no. Nya
Alam nyo kung ano yung nilagay ko?
DAVEIL.
Hahahahahahahahaha. Bagay naman sa kanya eh!
Bumalik na kami sa room pag katapos kumain.
Nakatingin sakin si Daveil.
Di ko nalang pinansin. At nakinig sa teacher namin.
Tapos na ang klase! Yayy!
Makakauwi na ri...
Gosh! Oo nga pala! May practice dun sa sayaw.
Bayorn. Mag pa-pahinga na nga lang may ganon pa!
Ang dami kong reklamo sa buhay no? Hahahahaha! Ganon talaga!
Tinawag ko si Dave.
"Pst! Saan ba tayo?"
"Sumunod ka nalang."
Nag pa alam ako kay Angelica at sumunod kay Dave.
Nasa kwarto kami.
Eto ata yung room para sa mga dancers.
Pag karating namin dun ay kaming dalawa lang.
Sinarado niya yung pinto.
Gosh. Ano bang pina plano neto sakin.
Papalapit ng papalapit sya sakin.
Umaatras naman ako.
Gosh! What is ths!
At naramdaman ko nalang yung likod ko tumama sa pader.
Ang lapit na ng mukha namin. At konting galaw nalang ay pwede na nya kong halikan.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinabing...
"Please, stop it Dave."
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...