A/N: Simula sa chapt3r na to, ay hahaba na ang mga words bawat chapt3r. Gets nito, mga ka chapt3r? Hahahahaha XD jejejeje....
James POV
Tapos na ang klase. Agad ko namang nilapitan si Trisha para sabay na kami.
"Hey. Tara na?" Sabi ko.
"Sige." Sagot niya.
Naglalakad na kami nang may humarang sa amin. Sino pa ba? Edi yung karibal ko.
"Where are you going?" Tanong niya kay Trisha. Na nakatingin ng masama sakin. Tch. Siya lang ba ang may karapatan na makasama si Trisha? Di pa naman sila.
"Lalabas lang kami ni James." Sagot ni Trisha.
"What? Bakit?" Sabi ni Dave.
"Bakit masama?" Sabi ni Trisha.
"Oo, masama."
"Bakit? Di pa naman tayo ah." Sagot niya tapos hinila niya ko. "Tara na nga James."
Pero nagtataka ako. Bakit may "pa" tsssss. Halatang halata naman na bu-bustedin ako neto.
Dinala ko siya sa kotse ko.
"James, pano yung kotse ko?" Tanong niya.
"Pinabantay ko na yan, don't worry." Sagot ko sa kaniya. Nag simula na akong mag drive. Habang nag dri-drive ay may nakita akong sumusunod sa amin. Tssss. Sino pa ba? Edi si Dave. Napaka ano. Harsh.
Trisha's POV
Nandito kami ngayon ni James. Sa mall? Yes, sa mall na pinuntahan namin ni Dave. Harsshhh, sa dinami dami ng mall sa mundo, bat dito pa? >___<
"May problema ba, Trisha?" Tanong ni James.
"Hmm? Nothing." Sagot ko.
"Okay let's go!" Yaya niya. Pumunta kami ngayon sa mga archade waaaa! Ano ba to. Dito pa talaga. Habang naglalakad kami ay nakita ko ang basketball. Hays may naalala ako!
"Trisha, dito." Sabi ni James. Di ko na napansin ni James kasi nakatulala ako. Tsss, Trisha focus.
"Okay." Tapos sumama ako sa kaniya. Nandito kami ngayon sa may isang kwarto tapos may videoke. Wow, nice.
"Kanta ka, James. Gusto ko marinig yung boses mo, ang ganda ganda kasi talaga eh." Sabi ko sa kanya.
"Sige sige. I will just pick a song, and remember this, Trisha."
"What?!"
"Kung ano man ang ka-kantahin ko, ay para sayo yun. Okay?"
Tumango lang ako. Nang nakapili siya ay nag simula na siyang kumanta.
Play the Parokya Ni Edgar Quiz
"Gitara"
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasamaSeryosong nakatingin ngayon sakin si James. Waaaa! Gwapo niya bat ganon?!!
Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitaraHinawakan ni James ang kamay ko. Gosh! Ang bilis ng tibok ng puso ko ba't ganon? Ang weird ko talaga. Feeling ko dalawa talaga puso ko eh.
Mapapagod lang sa kakatingin
Kong marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitaraPagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Oooohhhh ..Idadaan na lang.....
Sa gitara
Pag katapos niya kumanta ay agad naman akong pumalakpak.
Wow! Naka 100 siya. As in wow! Hahahaha.
"Ang galing! Ang ganda talaga ng boses mo, gwapo ka na nga, ang ganda pa ng boses mo! Hahahaha! Bait mo pa! Complete package ka na!" Sabi ko sa kaniya habang tuwang tuwa. Eh sa masaya ako ngayon eh. Pake nyo?! Joke! Hahahahaha.
"Pero kahit gaano ako ka perfect, hindi pa rin ako kayang mahalin ng taong mahal ko." Sabi ni James.
Waaa! Ako kaya tinutukoy niya dun? Malamang Trisha! Ikaw nililigawan eh!
"Ah-eh..."
"Hahahaha. Just kidding ikaw naman kumanta."
"Ehh.. panget boses ko!" Sabi ko sa kaniya. Eh pangit naman talaga! Di ako pa humble ah.
"Tch. Pag mahal mo kasi ang isang tao. Lahat ng pangit sa kanya, gumaganda." Sabi ni James.
Waaaa. Kanina ko pa napapasin ah? Kanina pa to banat ng banat! Hahahaha. Pero teka, lahat daw ng pangit gumaganda, so aminado siya na panget ang boses ko? Harsshh >__<
"Hahahaha. Sige na please." Nag puppy eyes pa. Tssss. Wag ka ngang gum
"Oo na!" Sigaw ko.
So ayun kumanta na ako. Kinanta ko yung "sana pinatay mo na lang ako" eh bakit ba? Yun yung gusto kong kantahin eh. Hahahahaha. Para akong lasing na kumakanta sa kalye. Pero etong si James tuwang tuwa pa. Tssss.
Nang matapos kami dun ay kumain kami sa isang resto. Nang naka order kami ay nag pa alam si James na mag c-cr lang daw siya.
"Miss." Tawag nung lalaki. Di ko nga pinansin. Di ko naman siya kilala eh. Tsssk.
"Miss!!" Tawag niya ulit sakin. Tsss. Diba siya nakakahalata na ayaw ko sa kaniya?
"Miss!!!" Wow lumakas na sinisigawan ako eh.
"What?!!" Sigaw ko sa kaniya.
"Paki pulot naman nung wallet ko." Tapos tingin sa baba ko.
"Kunin mo! Malaki ka na!" Sabi ko sa kaniya. Tsssk.
"Sige na miss, please nagmamadali kasi ako. Pu-punta ako ng hospital ngayon. Saka baka kasi pag pinulot ko yan sa baba mo eh, sabihin mong sinisilipan kita.
"Tssssk oo na!" Sabi ko. At pinulot ang wallet. Nang pag ka abot ko sa kaniya nun ay nagulat ako nang halikan niya ang kamay ko at hinimas himas pa akyat sa braso ko kaya naman nilayo ko agad sa kaniya iyon.
"Bastos!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko aba aba hindi pwerket lalaki ka, ga-ganyan ganyan ka na!
Patayo na sana ako nang bigla siyang napatumba sa kinatatayuan niya.
*boogsssh*
Nagulat ako nang nasa ibabaw nung lalaki si Dave at sinusuntok niya ito. Kala niyo kung ano noooo?! Kayo ha! Hahaha.
"Aw, aw, tama na." Sabi nung manyak.
"Go! Dave! Patayin mo na yan!" Sabi ko sa kanya. Hahahaha. Bad ko no? Eh manyak eh!
Nang dumating si James ay inawat niya si Dave.
"Dave, tama na!" Naawat naman ni James si Dave. Tsssk dapat pinatay na. Joke!
"Binastos kasi niyang ga*ong lalaking nyan! Si trisha!" Sabi ni Dave. Agad namang binitawan ni James si Dave. At sinabing..
"Aba! Ga*o ka palang lalaki ka." Sabay suntok ni James dun sa manyak.
Spell nga-nga??
It's T-R-I-S-H-A...
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...