Red's POV
Sasabihin na kung sino ang mananalo.
And sadly to say, 2nd place lang kami.
Pero okay na rin yun.
Tinignan ko si Dave, kahit naka ngiti siya, alam kong dissapointed siya.
"Okay lang yan pre. 2nd place naman eh. Saka mas magaling tayo dun sa 1st place no." Sabi ko sa kanya.
"Sino bang nagsabing di okay?" Sabi ni Dave.
Tsss. Nagku-kunyari pa.
"Wala. Tara mag party tayo! Whooo! Hahahaha."
"Party? I like that! Hahahahaha." Sigaw ni Trisha.
"Whooo let's go guys!" Sigaw ko.
Pu-punta kaming bar ngayon. Para mag celebrate.
Naka upo lang kami dito habang inaantay ang inorder namin na mga alak.
Ako - Trisha - Dave
Yan ang arrangement ng upuan namin hahahaha. At sa ibang upuan naman ang mga ibang members ng group namin.
"Trish, Red, cr lang ako ah." Paalam ni Dave.
"Sige." Sabi naming dalawa.
Napatingin sakin si Trisha. Nginitian niya ko.
Nginitian ko din siya.
"Pwede magtanong, Red?" Sabi ni Trisha.
"Yeah, sure."
"Play boy si Dave diba?"
"Oo. Bakit?"
"Bat nung nakilala ko siya hindi ko naman siya nakikitang nambabae, or nakikipag flirt or what."
"Yun din ang pinagtataka ko eh."
"Bakit?"
"Simula nung dumating ka, simula nung gabing nag truth or dare tayo. Never ko na siyang nakitang nambabae."
Nagtataka pa rin ang mukha niya. Kaya kwinentuhan ko nalang siya.
"Si Dave, bago nung gabimg yun. Siya pa si Dave, Dave na lahat ng babae pinapa-pasok niya sa buhay niya. Siya yung lalaking di maka tanggi sa babae. Pero simula nung gabing yun nagbago na ang lahat."
"Paanong nag bago?" Tanong niya.
"Lahat ng lumalapit sa kanya na babae. Tinatanggihan na niya. Kung dati gustong gusto niya ang mga ito, ngayon nang di-diri na siya. Malaki ang naging epekto mo sa kanya, Trisha."
Sinasabi ko lang ang totoo ngayon. Yun kasi yung nakikita ko eh.
"Bakit ba siya naging ganon? Bakit ba siya naging play boy?"
"Dahil ka..."
Di ko natuloy ang sasabihin ko nang dumating na si Dave.
"Oh eto na pala mga order natin." Sabi ni Dave.
Kumuha ako ng alak at ininom ko yun.
**
Dave's POVNandito kami ngayon sa bar.
Umiinom ako.
Hindi ko kasi talaga tanggap na 2nd place lang kami. Kasi alam nyo yun, yung ginawa mo na yung best mo pero di pa rin naging sapat.
Di ako pwedeng mag lasing ngayon ng sobra. Dahil mag dri-drive pa ko.
Pero nakita ko yung katabi ko na si Trisha. Lasing na lasing na.
Bakit siya uminom?! At ang dami pa! Fvck! Kakaisip ko dun sa competition na yun, nakalimutan ko siyang pag bawalan!
Masama sa babae ang umiinom. Kaming mga lalaki kaya pa namin ang sarili namin. Pero sila?! Eh hindi nga nila alam ang ginagawa nila kapag nalalasing sila.
"Da-dave, whoooo! Let's dance!" Sigaw sakin ni Trisha. At hinila patayo.
"Trisha. Stop."
Nakatayo kami ngayon. At sumasayaw sya pagiling giling pa sya!
"Alam mo Dave. Ang tanga ko. Hahahahahahahahaha." Sabi niya.
Hinayaan ko lang siya.
"Ang tanga ko una, dahil pumayag ako sa chilidish contract na yun! Hahahahaha."
Childish? Tsss.
"At sa tingin ko, ako yung natalo. Hahahahaha."
Natalo? So it means...
May lumalapit na lalaki. At nag pla-planong hahawakan si Trisha.
"Wag mo siyang hahawakan." Sabi ko dun sa pangit na lalaki.
Ang pangit niya eh!
"Bakit bro sayo ba to?"
"Kaibigan ko siya."
"Kaibigan lang naman pala eh." Kinuha niya si Trisha, at si Trisha wala sa katinuan kaya sumayaw siya sa harap nung lalaki.
Fuck eto na nga ang sinasabi ko. Masama sa babae ang uminom.
Di na ko nakapag pigil at sinuntok ko yung lalaki.
"Sabi nang wag mo sya ha-hawakan eh!'
Sinuntok din niya ko.
Aba lumaban.
Kaya ginamit ko ang lahat ng lakas ko.
Nasa ibabaw niya ako ngayon. At sinusuntok siya. Di siya makalaban.
Tssss. Wala naman pala to eh.
Kundi lang ako naawat nila Red. Napatay ko na to.
Ayoko sa lahat binabastos ang taong mahal ko. Dahil makakapatay talaga ako.
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...