Chapter 23: Fireworks

31.6K 399 42
                                    

Dave's POV

Sinundo ko si Trisha sa bahay ni James.

Tssss. May pag pa alam pang nagaganap.

Pumasok na sa kotse si Trisha. At nag seatbelt.

"Oy. Saan ba tayo pu-punta?"

Di ko sya nilingon.

"Oy!"

"May pangalan ako. Ako si Dave. Hindi ako si "oy!" Sigaw ko.

"Sorry na. So san nga tayo pu-punta, Dave?" Pa cute na sabi niya.

Damn. Ang cute niya.

"Ah eh sa ano. Kung saan ang gusto mo."

"Talaga?"

"Yep."

"Gusto ko sa may ano, park!"

"Sige, sige."

Habang nag dri-drive ako ay nakatulog naman siya.

Ang ganda niya talaga.

Pinagma-masdan ko lang yung mukha niya. Muntik pa nga ako maka bangga eh.

"Baka matunaw ako nyan, Dave." Sabi niya.

Nagulat ako akala ko gising siya.

"May dumi kasi sa mukha mo." Depensa ko.

"Ha saan?" Agad niyang kinuha ang salamin niya. At nagsalamin.

"Wala naman eh. Loko mo ko."

"Ayan oh, sa buong mukha mo."

Pinalo naman niya ako. Hahahaha. Ang cute niya pag naiinis siya.

"Oy nandito na tayo."

Di niya ko nililingon.

"Oy. Ano ba?"

"May pangalan, ako Trisha!" Agad naman siyang lumabas sa kotse ko.

Cute. :3

5pm na. Yung hinanda ko na fireworks ay mga bandang 8pm pa.

Nag lakad lakad kami. Hanggang sa may nakita kaming nag be-benta ng ice cream.

"Dave. Bili tayo ng ice cream." Nag puppy ice pa siya.

Shit. Tama na ang pag papa cute mo. Nahuhulog ako.

"Sige." Sabi ko nalang.

Pumunta kami dun sa nagbebenta ng ice cream. Bumili kami.

Nag lakad lakad kami doon.

8pm...

"Pang 98 days na natin ngayon right?"

Nagulat ako sa tinanong niya pero di ko yun pinahalata.

"Yeah."

May tinanong naman ako sa kaniya.

"Nag ka BF ka na ba?"

"Sa tingin mo?"

"Meron na. Sa ganda mong yan."

"Asus, nambola pa. Hahahaha. Wala pa."

"Ha? Talaga?"

So ibig sabihin first kiss niya ko.

"Opooo."

"Edi first kiss mo ko?" Tanong ko at di ko alam kung bakit ko natanong yun.

"Oo. Ay teka. Bakit mo nga ako hinalikan non ah?! Di mo alam kung gaano ako..."

Napatigil siya sa sinasabi niya. Na realize na niya na ang daldal na niya! Hahahahaha.

"What?" Tanong ko.

"Wala."

"Bakit ayaw mo sa mga lalaki?"

"Pare-pareho lang naman kayo eh." Medyo natawa pa siya na naiiyak.

"Pati papa mo? Kuya mo? O whatever na lalaki sa pamilya niyo?"

"Wala akong kapatid."

"Eh papa mo?"

"Oo."

"Ganon din ba siya?"

"Kakasabi ko nga lang eh. Pare-pareho lang kayo. Hahahaha."

So ibig sabihin manloloko din yung taray niya? Tsk tsk.

Di nalang ako sumagot.

"Si James nga lang ata ang pinagkakatiwalaan kong lalaki ngayon eh."

Medyo nasaktan ako dun ah. </3

"Bakit naman?"

"Hmmm. Wala lang, parang pinapatunayan niya kasi sakin na, hindi kayo pare-parehong mga lalaki. And i a-admit ko, unti unti akong naniniwala sa kanya."

"Ah."

"Mabait naman si James diba?"

"Yeah."

"Di ka ba nagsasawa?"

Napalingon naman ako sa tinanong niya.

"Saan?"

"Sa paglalaro."

"Ng ano?"

"Ng feelings ng tao."

Ganon din naman ginawa niya sakin eh.

"Oo. Nagsasawa."

"Bakit?"

"May isang tao kasi na nagpapatunay sakin, na hindi lahat ng babae pare-pareho."

Mag sa-salita pa sana siya ng lumabas na ang mga fireworks.

Tinignan ko siya. Ang ganda niya.

Kinuhaan ko siya ng picture. Habang nakangiti at naka tingin sa taas.

"Did you like it?"

"Yeah."

I prepare that one for you, Trisha. And I'm so damn happy to see you smiling like that.

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon