Chapter 10: In my room

36.4K 383 11
                                    

Trisha's POV

Sa condo.. (saturday)

Ang galing ni James kahapon ah. Sobrang galing niya. Damang dama niya kasi yung kanta hehehehe.

Ang swerte siguro ng taong gusto niya.

Kringggggg....

Tumatawag yung baliw.

"Oh baliw?" Sabi ko.

"Anong baliw?! Sinong baliw?!"

"Malamang, ikaw! Baliw na nga,tanga pa."

"Anong sabi moooo?!"

Aba sinisigawan pa ko ng Dave na to.

"Wala! Sabi ko gwapo mo!"

"Ah. Okay, I know that."

Tsssss. Ang hangin.

"Oh bakit ka napatawag?"

"Let's do it."

"ANONG LET'S DO IT?!" Sigaw kong sabi sa kanya.

"Yung kontrata! Wag ka ngang green minded dyan! Masyado kang halata na pinag pa-pantasyahan mo ko!"

"Edi wow!"

"Oh ano, tara na?"

"Ayoko."

"Hahahaha. Takot ma inlove. Akala ko ba matigas ka."

"Oo! Matigas ako! Kasing tigas ng mukha mo!"

"Whatever. Be ready. 20 minutes nandyan na ko sa condo mo."

Tssss. Paano naman nya nalaman kung na saan ang condo ko.

Nakalimutan ko, sya nga pala si DAVE G. TORRES!

Ughhh! Kainis.

Wala na kong magawa, kaya nagbihis ako.

Dress na yellow ang sinuot ko. At nilugay ko ang buhok ko.

Ganon lang. Ganon kasi dapat. Simple lang. Hahahaha.

Tok.. tok..

Nandyan na si Daveil.

Pag ka bukas ko ng pinto. Nagulat sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala, you look so plain. Tsss. Di yan ang type ko."

"Lumabas ka."

"Bakit?"

"May ipapahanap ako sayong importante."

"At ano naman yun?"

"LUMABAS KA AT PAKI HANAP ANG PAKE KO! HOY! DAVE G. TORRES WALA AKONG PAKE KUNG ANONG TYPE MO SA ISANG BABAE!"

"Shhh. Stop shouting. Mukha kang halimaw.'

Anong sabi niya halimaw?!!!

Di na ko nakapag salita. Nang hinila nya ako at pinunta sa kotse nya.

Magsasalita na sana ako nang tinakpan nya ang bibig ko.

Ang bango ng kamay nya.

Shocks!

Mangilabot ka nga sa sinasabi mo, Trisha!

This guy! Harsshhhh.

Di nalang ako nag salita.

After 30 years nandito na kami.

Joke! 30 minutes! Hahahaha.

Wait familiar to ah.

Wait ano ba to.

Oo tama, eto yung bahay nya. Ah, okay....

WHAAAAAAAAAAT?! Bahay nya? At ano namang naisip ng baliw na daveil na to?!

"Hoy! Bakit tayo nandito sa bahay mo?"

"Tsss. Don't call me, "hoy" i have my beautiful name "Dave".

Tss. Baka beautiful kung alam lang niya yung pangalan nya sa contact ko hahahahahaha.

"Oh? Anong ginagawa natin dito? Aber?!"

"Manonood lang tayo ng movie. This is our first date! Hahahaha."

"Pagkatapos neto 99 days nalang?" Tanong ko.

"Oo. Pero kung gusto mo to-tohanin tong larong to. Pwede naman, babe." Tapos kumindat sya sakin.

"Dati baby ngayon babe naman! Ano ba talaga!"

"Yun kasi yung karaniwang mga tawag sakin ng mga babae ko eh."

Tssss. Play boy!

"Minsan nga nalilito pa ko kung sino sila! Hahahahahahaha." Proud nyang sabi.

Proud at natatawa pa talaga sya ah?! Kala nya nakakatuwa. Akala nya ang cool nya.

Mukha lang naman siyang manyak!

"Oh tara na, mahal."

WTH.

"Stop caling me that, i have my beautiful name too! TRISHA!"

"Okay beautiful Trisha! Let's go!"

At pumasok kami sa bahay nila.

Puro yaya lang ang nandito.

"Na saan mama mo?" Tanong ko.

"May pinuntahan."

"Papa mo?"

"Nasa ibang bansa. May inaayos sya na business dun."

"Ah okay."

"Let's go! To my room."

"Okay."













































WHAAAAAT?

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon