Trisha's POV
After 1 week..
1 week na ang nakakalipas. 1 week na rin silang nanliligaw saking dalawa. But still, di ko pa rin alam kung sino ba talaga ang mahal ko. Manhid ba ko? Kaya ganito. Hays yayain ko nga si Claire at Angelica dito para may makausap naman ako. Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko.
Papalapit na ako sa condo ni Angelica nang nakita ko sila na tumatakbo at hingal na hingal.
"Oh? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.
*hingal hingal* nag salita naman na si Claire.
"Si-si Da-dave." -Claire
"Oh? Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko.
"A-ano." Hinihingal pa rin siya.
"Na-na aksidente siya. 50/50 nalang ang buhay niya." Sabi ni Angelica.
"Whaaaat?!!!" Sabi ko.
"Kaya, tara na, Trisha. Para maabutan mo pa siyang humihinga."
Natulala ako sa sinabi niya. Nang bumalik na ako sa katinuan ko ay agad kaming tumakbo papuntang kotse ko pa-puntang hospital.
Traffic pa.
"Fuck! Umalis kayo dyan!" Sigaw ko sa mga sasakyan. Para namang naririnig nila ako diha? Oo na, tawagin niyo na akong baliw pero ang gusto ko lang ngayon ay makita si Dave.
Hospital..
"Room 20" sabi sakin ni Angelica at Claire.
Agad naman akong tumakbo dun. Nang nakarating ako dun ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng room na iyon. Habang binubuksan ko ay unti unti kong nakikita ang mukha ni Dave na puro galos at parang hinang hina na siya. Di ko mapigilan ang mapa iyak. Tang*na. Mahal ko na ba siya kaya ganito?
Nilapitan ko siya ng iyak ako ng iyak.
"Da-dave." Tawag ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Hinang hina ang itsura niya.
"Da-dave. Wag mo naman akong iwan ng ganito oh." Sabi ko. Fuck! Mahal ko na ata talaga siya. Pero pano na? Pano na namin matutuloy ang love story namin, kung mawawala na siya.
"Da-dave. Please, gumising ka na. Pano pa natin maitutuloy ang love story natin kung ganito ka? Ple-please, Dave." Iyak pa rin ako ng iyak.
Nandito ang mga kaibigan niya na si James,Red,Philip pero wala si Liam.
Tinapik tapik ni Angelica at Claire ang balikat ko.
"Da-dave. Please naman oh, sige na gumising ka na, para sayo i o-open ko na ang puso ko, para sayo mag ti-tiwala na ako sa mga lalaki. Please lang." Iyak ako ng iyak.
"Bro, anong sabi ng doctor?" Narinig kong tanong ni Philip.
"Ilang minuto nalang siya, bro." Sabi ni Red na maiyak iyak na rin.
*iyak, iyak* Da-dave. Oo na! Mahal na kitang baliw ka! Ngayon ko lang na realize, kasi nasasaktan ako ng ganito ngayon. Sorry, kung ngayon ko lang na realize ngayon na wala ka na." Iyak pa rin ako ng iyak.
"Please, Dave. Pag ka gising mo, tayo na agad agad. Please, mahal na mahal kita. Gumising ka na, magiging masaya pa tayo." Iyak pa rin ako ng iyak.
Nang...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Tang i*a! Magiging meseye pe teye." Sabi ni Philip nang natatawa.
Bumalik ang tingin ko kay Dave at naka ngisi siya sakin.
WTF???!!!!!! What is the meaning of this?!!!!
Tumingin ako sa kanilang lahat at tawa ng tawa.
"Trisha, pano ba yan? Akin ka na." Sabi ni Dave at biglang kumindat.

BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...