Trisha's POV
Another day!
Lalabas na sana ako ng condo ko para pumasok nang nag vibrate ang phone ko.
Sino kaya yung nag text? Baka si Dave. Hmmmm.
James:
[Pwede ba tayong lumabas, after class?]
Ah si James pala.
[Yeah sure.]
Lumabas na ko ng condo ko ng nakita ko si Dave.
"Oh? Bakit? Makiki sabay ka nanaman?" Tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko sumakay ka sa kotse ko. Pero kung anong gusto mo, yun yung susundin ko." Sagot niya.
"Ang gusto ko ay umalis ka dito sa harapan ko, pumasok sa kotse mo, at mag drive para sa sarili mo." Sabi ko. Aba syempre! Dapat hard to get daw muna sabi ni Angelica at Claire.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na kami sabay pumasok yun ay dahil may sarili na silang kotse. Ang saya diba? Hahaha.
"Grabe ka naman, asawa ko. Nagsusungit ka ba?" Tanong ni Dave.
"Hindi. Seryoso ako." Sabi ko.
"Then, drive on your own! Tch." Sabi niya.
Aba! Di manlang ako sinuyo! Tsss. Nakakapag tampo! Di niya alam paano humandle ng girl.
Padabog akong pumasok sa kotse ko pati na rin siya ay ganon din.
Habang nag da drive ako ay tumingin ako sa side view mirror ng kotse. Aba! Kasunod ko lang pala siya. Tssssss.
Nang makarating ako sa school ay may mga 30 minutes pa bago magsimula ang klase kaya tumambay muna kami nila Angelica at Claire dito sa Garden.
"Angelica, kamusta na ang lovelife mo? May bago na ba?" Tanong ni Claire kay Angelica. Oo nga curious din ako. Meron na kaya?
"Hmmm. Wala pa. Di pa kasi ako nag se-seryoso eh." Sagot niya.
Agad ko naman siyang binatukan.
"Hoy babae ka, diba sabi ko wala ka namang mapapala dyan sa pag---"
"Hahahahahaha. Don't worry, Trisha. Hindi na ko nakikipag flirt sa mga lalaking di ko naman mahal. Wala lang talaga ngayon, kasi, kasi wala pa. Hahahaha. A-antayin ko nalang." Paliwanag niya.
Hays buti naman at nagtino na.
"Baka kasi hindi mo mahanap, kasi nandiyan na sa tabi mo." Sabi naman ni Claire. Napalingon ako kay Claire.
"Who?" Tanong ko.
"Red." Sagot ni Claire. Hmmm. Di rin imposible. Hahahahaha. Sabi nga nila, "the more you hate, the more you love"
"Kahit sino nang lalaki Claire. Wag lang si Red." Sabi ni Angelica.
Natawa naman ako hahahaha.
Napalingon sakin si Angelica.
'Tinatawa tawa mo dyan?!" Tanong niya sa akin.
"Wala, kung tutuisin bagay kayong dalawa ang cute niyo kaya." Sabi ko.
"Oo nga, para kayong aso't pusa lagi hahahaha." Sabi naman ni Claire.
"Tsssss. Cute? Ako lang yun."
"Hahahahaha. Baliw ka talaga. Eh ikaw Claire, kamusta ka? Naka move on ka na ba kay ano?" Tanong ko.
"Yeah, I'm fine. Naka move on na ko dun, hahahahaha."
"May bago ka bang nagugustuhan?" Tanong ko.
Natahimik siya. Hmmmm. Alam ko meron na hahaha. Kilalang kilala ko to eh.
"Wala." Sabi niya
Nagkatinginan naman kami ni Angelica na parang alam namin kung ano ba talaga ang sagot niya. Hahahahahaha.
"Wehhhhh?!!!!" Sabay naming sabi ni Angelica.
"Wala nga, ang kulit niyo, tara na nga ma la-late na tayo." Sabi ni Claire na nagmamadaling umalis.
"Wushuuuuu! Iniiwasan mo lang eh, sino nga?!!" Sabi ni Angelica na hinahabol si Claire.
Ayun naghabulan hahahahaha. Ang cute lang nila. Thankful ako na nagkaroon ako ng mga kaibigang ganito. Yung tipong hindi plastic, hindi nang iiwan sa ere, nag tu-tulungan. Ang swerte ko sa kanilang dalawa. I love them.. super..
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Novela JuvenilHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...