Chapter 53: Things are getting better

30.5K 336 44
                                    

Trisha's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Dave. 2 days na niya akong hindi kinikibo. Naiintindihan ko naman siya. Nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumababa. Natigilan ako nang nakita ko si Riva na nakapalupot ang mga kamay sa bewang ni Dave.

Relax, Trisha. Trust Dave.

"Hayaan mo na ang babaeng iyon. Hindi ka naman niya pinapasaya gaya ng pagpapasaya ko sayo eh." Rinig kong sabi ni Riva sa kaniya.

Hindi nagsalita si Dave at hindi rin niya tinatanggal ang pagkakapalupot ng kamay ni Riva sa kaniya. Nasasaktan ako.

"Tch. Baka nga hindi niya pa nabibigay yung bagay na binibigay ko sayo dati eh. Walang kwentang babae."

Agad na inalis ni Dave ang nakapalupot na kamay ni Riva sa kaniya. At nag salita.

"Wala kang karapatan para pagsabihan na walang kwentang babae si Trisha." Sabi niya kay Riva na may madilim na mukha.

"Tss. Kung ganoon, bakit ka niya sinasaktan? Para namang wala siyang pakialam sayo eh. Alam mo..." Hinawakan ni Riva si Dave sa magkabilang kamay niya.

"Sa akin ka nalang, hindi kita sasaktan. Papaligayahin pa kita." Malandi niyang sabi.

Konti nalang at masusugod ko na ang babaeng ito.

Agad inalis ni Dave ang mga kamay ni Riva sa kaniya.

Yeah. That is my boy.

"Mas pi-piliin kong masaktan sa taong mahal ko. Kesa sa lumigaya sa taong hindi ko naman gusto."

Burn, baby.

"Pero, dati gusto mo naman ako diba? Baliw na baliw ka pa nga sa akin nun eh."

"Baliw na Dave ang pumatol sayo noon. Sorry, nagising na ako ngayon."

"No! Alam ko na mahal mo ko dati. Dahil kung hindi mo ako mahal. Hindi ka makikipag sex sa akin!"

Ow. Sakit nun ah?

"Madaling ibigay yan sa kahit na sino, Riva. Pero, mahirap ibigay ang puso na may laman ng iba."

Burn again.

"But I still love you, Dave. Can you just love the way you love me before?"

"No. I can't. I'm sorry, Riva. But I love Trisha more than I love you before."  Sabi ni Dave at saka tumalikod.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang hinila siya ni Riva paharap at hinalikan niya ito sa labi.

Nanginginig ako sa galit.

Akma ko na siyang susugurin ngunit may nauna na sa akin.

"Fuck you ka talagang babae ka! Ang tagal ko nang nagtitimpi sayo gag*!" Sigaw ni Angelica sabay hila sa buhok ni Riva.

"Awtch. Stop it, Damn!" Angal ni Riva.

Sige lang, Angelica. You're doing it fucking right.

"Tang*na mo! May iba nang mahal yung tao singit ka ng singit! Iba din ang mga ahas eh no!"

Nasa ibabaw na ni Riva si Angelica at hindi ko mabilang ang pagsampal niya sa ahas na yun.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon