Dave's POV
Nasa cafeteria ako ngayon. Nang makita ko na pinag ti-tinginan sila ng mga tao.
Si James at Trisha.
Pumunta ako dun.
Para ano?
Para umeksena! HAHAHAHAHA.
"Hi guys." Bati ko sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni Trisha.
"Hello." Bati ni Trisha
At si James? Nakatingin lang.
"Uhm, Dave? Hindi nga pala ako makaka attend ng practice ngayong araw. Hanggang sa sabado. Kasi kailangan naming mag handa ni James sa pag kanta."
Tssss. Galing din netong si James eh. Alam naman niyang kasama siya sa grupo ko. Tas e-eksena siya. Tssss.
"Okay." Sagot ko nalang.
"Talaga? Okay lang sayo?" Tanong niya na nagugulat pa.
"Yes. Pero sa isang kondisyon."
"Ano yun?"
"Pag katapos ng mga practice niyo ni James, mag da-date tayo."
"Ha?" Tanong niya.
"Baka nakakalimutan mo, Trisha. Meron tayong kontrata huh. We have 99 days to date." Sabay kindat.
"K." Sabi ni Trisha.
Tsss. Ang sungit talaga.
Kumain na kami. Yes, dun na din ako kumain. Siguro iniisip ng mga tao, love triangle kami. Hahahaha. Hindi kaya. Akin lang si Trisha.
May kontrata kami, right?
Nang matapos na ang break time ay agad nang pumunta si Trisha sa mga kaibigan niya. At kami naman ni James ay sabay na.
Babalik na kami sa classroom.
Classroom..
Nang bumalik kami sa classroom ay wala si Trisha.
Saan kaya siya nag punta?
Dahil sa curiosity ko. Tinanong ko ang kaibigan niya.
"Angelica, na saan si Trisha?"
"Ah, si Trisha ba? Nasa CR. Nagtataka nga ako ang tagal eh."
"Ah okay." Sabi ko nalang.
Mga ilang minuto ay wala pa rin siya.
At may napansin ako.
Shit.
Wala din yung tatlong babae na kaklase ko.
Agad agad akong tumakbo papunta sa CR ng mga babae.
Nang nandun ako ay may ingay akong naririnig.
"Una, si James. Ngayon naman si Dave? Ha?!" Sigaw nung babae.
"Hindi nila ako gf okay?" Sabi ni Trisha.
Oo alam kong si Trisha yun.
"Mabuti naman, at hindi ka pa ganon ka despereda parang sabihing gf ka nung dalawa." Sabi nung babae na alam kong si Anne yun.
"Oo, hindi ako katulad niyo. Lumapit nga lang sa kanila, hindi niyo magawa. Pero makaasta kayo parang mga gf nila kayo!" Sigaw ni Trisha.
"How dare you!" Sigaw nung babae.
Pumasok na ko dun sa CR. Shit! Wala na akong pakialam.
Nakita ko hawak hawak nung dalawang babae si Trisha na pumapalag. At yung isang babae ay sinasampal at hinuhubaran siya.
Shit!
"Itigil niyo yan. Kung ayaw niyong matanggal sa school na to." Sabi ko.
"Da-dave." Sabi ni Kimberly.
Si Kimberly,Anne,Ella lang naman ang nakita ko.
Ang mga pathetic na babae.
Matapang pa rin ang mukha ni Trisha ngayon.
"Wala kayong karapatan saktan si Trisha!" Galit kong sabi.
Galit na galit na ko ngayon.
"Bakit, sino ba siya sa buhay mo ha?"
"At bakit sino ka ba sa buhay ko, para sagutin yang tanong mo! Isa ka lang babaeng baliw sakin dito. Tanggapin mo na! Na never akong magiging sayo!" Sabi ko kay Kimberly.
"Bakit, Dave? Bakit? Mas magaling bang humalik si Trisha kesa sakin? O eto na."
Hahalikan na sana ako ni Kimberly. Nang tinulak ko siya. Dahilan para mapa upo siya.
"Don't try me, Kim. Pag ako mas lalong nagalit, baka makalimutan ko, na babae ka."
Inis na inis na siya at salamat umalis na siya dito.
"Tri-trisha" nilapitan ko siya.
Umiiyak siya.
Shit.
One thing na alam ko kay Trisha. Maldita siya, matigas siya, matapang siya. Pero makikita mo yung another side niya, kapag nasasaktan siya.
Mahina si Trisha. Hindi siya ganon katapang katulad nang pinapakita niya sa ibang tao.
May mask siya kumbaga.
"Shhhh. Tama na. I'm so sorry, Trisha."
Umiiyak pa rin siya.
Nilapitan ko siya para ayusin ang damit niya at niyakap ko siya.
"Tahan na. Pagbabayarin natin sila okay? At wag kang mag alala nandito lang ako."
Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko.
Hinalikan ko siya.
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...