Chapter 19: Trust me

33.1K 379 33
                                    

Trisha's POV

Nasa classroom na kami. Tsss. Kinikilig pa rin ang mga unggoy.

Pumasok na si sir.

"Good morning class! May i a-announce lang ako para kay James."

"James, i know you are ready. But, may mga changes na nangyari sa competition."

"Una, hindi na siya bukas. Sa Saturday na siya."

"Mabuti yun para makapag practice pa ang bebe natin." Sabi ni Anne. *kaklase ko na baliw kay James.*

"Di ba kayo nagtataka kung bakit ginawang Saturday?"

"Para po makapag prepare sya." Sabi namin.

"Yes. Makapag prepare pa lalo with his partner. Ginawa nilang dalawa na ang ka-kanta isang babae at isang lalaki. Dahil dalawa ang ticket papuntang Korea dapat daw eh pareho nilang pag hirapan para makuha nila yun."

"Ahhhhh." Sabi namin.

"So, James. Sinong gusto mo kasamang kumanta?"

"Ako po sir! Gusto ko!" Sigaw ni Anne.

"Hindi ikaw si James, para mag desisyon, Anne."

Boom! Pahiya.

"Si Trisha po."

O______O

Isang malaking..

WHAAAAAT?!!!!!!!

"Ha?" Sabi ko.

"Siguro ka ba James? Si Trisha ay nasa dance na. May competition din sila."

"Yes, sir. Sir, next saturday pa naman yun eh. Kaya pwede pa siyang maka practice. Saka po, si Trisha po talaga yung gusto kong makasama kumanta."

"Iba ka na, girl." Sabi ni Claire.

"Hahahaha. May pag James na to." Sabi naman ni Angelica.

"Tsss. Tumigil nga kayo!" Sabi ko.

"Ah oo nga naman, sige James, kung yan ang gusto mo, susuportahan kita." Sabi ni sir.

"Thanks, sir." Sabi ni James.

Nakatulala pa rin ako.

Hindi ako makapaniwala.

Patay na ko neto.

Wala akong talent sa pag kanta!

Ano ba to. Una sayaw.

Pangalawa naman, kanta.

Kailan ba nila maiintindihan, na wala akong talent!

Harssssshhhh! >____<

Hindi ako makapakinig ng maayos sa teacher ko. Dahil iniisip ko yung mga sa-salihan ko. Wala pa naman akong ka talent talent! Psh!

Break time na. Salamat naman kanina pa ko gutom eh.

Nandito kami ni Claire at Angelica sa cafeteria. Kumakain kami nang dumating si James. Hinila niya ako at sinabing..

"Girls, pahiram muna kay Trisha ah. May importante lang kaming pag u-usapan."

"Sige" sagot naman nung dalawa.

Akala ko kung saan na kami pu-punta. Sa may ibang upuan lang pala ng cafeteria. Dinala ni James ang pagkain ko.

"James, ano bang pumasok sa utak mo at gusto mo kong maging partner dun?"

"Maganda ang boses mo eh."

"What?! Di mo pa nga ako naririnig kumanta."

"Pag nagsasalita ka, alam ko na maganda ang boses mo."

"Eh paano kung hindi?"

"Edi tu-turuan kita, ako ang bahala sayo." Sabay kindat.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Hays. Alam kong galit na galit na ngayon ang mga fans ni James sakin. At sigurado akong kakalat na rin na ako yung pinili niya para maging partner.

Nababaliw na talaga ako.

Pero may part din sakin, na gusto ko yun.

Gusto ko na ba si James?

Harsh. Ewan ko.

"May kontrata pa rin ba kayo ni Dave?" Tanong niya.

"Oo." Sabi ko.

"Ilang days pa bago matapos yun?" Sabi niya.

"99 i think."

"Ah isang beses pa lang kayo nag da-date?"

"Ganon na nga."

Natahimik kaming dalawa.

Awkward.

Binali ko yung katahimikan at nag tanong ako.

"James, paano kung matalo tayo? Paano kung matalo ka, ang section natin, dahil sakin? Harsh. Di kakayanin ng konsensiya ko yun, promise."

"Just trust me, Trisha. Magiging maganda ang ka-kalabasan ng performance natin."

Napagaan naman ang loob ko dun. Yes, kilala ko si James, hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahiya ko.

I will trust him.

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon