Chapter 28: Red&Angelica

30.8K 345 56
                                    

Angelica's POV

"Hoy! Anong ginawa niyo sa kaibigan ko?!" Sumugod agad ako sa bar nang tawagan ako ni Red na sunduin ko daw dito si Trisha dahil lasing na lasing.

"Maka pag react naman to! Kaya ka nga namin tinawagan para may kasama siyang babae! Baka kasi pag kami or si Dave ang nag uwi sa condo niya, eh kung anong isipin mo! At nang ibang tao!"

"Oo na! Tssss."

Nilapitan ko si Trisha.

"Sis, ano bang nangyari sayo ha?! Ano nanaman bang trip mo at uminom ka ng ganong kadami?!"

"Hoy! Dave! Bat di mo manlang pinagbawalan tong kaibigan ko!"

"Hoy! Wag mong i Hoy ang kaibigan ko! Hoy!  Mag pasalamat ka ng sa kaibigan ko hoy! Dahil kung hindi dahil sa kanya, nasa kasaamaang palad na ang kaibigan mo! Hoy!"

"Fvck you! Bakit ka hoy ng hoy sakin! May pangalan ako hoy!" Di ko alam kung bakit ko siya natawag ulit ng hoy.

"Hoy! Wag mo kong tawaging hoy!"

"Hoy! Wag mo rin ako tawaging hoy!"

"HOY MAGSI TIGIL NGA KAYO! ASIKASUHIN NA NATIN SI TRISHA!" Sabi ni Dave.

Sabay kaming tumingin ni Red kay Dave.

At sabay na sinabing...

"HOY, MAY PANGALAN KAMI HOY! WAG MO KAMING TAWAGING HOY!"

"TANG*NANG HOY YAN! TUMIGIL NGA KAYO! TARA NA!"

Binuhat ni Dave si Trisha pa puntang kotse ko para umuwi na. Di ko na sinama si Claire. Mukhang tulog na dun sa condo niya eh.

"Ako na ang mag u-uwi sa kanya."

"Hoy! Di mo siya kayang buhatin pa pasok sa condo niya no!"

"Oo na!" Sigaw ko.

Di ko na siya tinawag na hoy. Baka humaba nanaman ang usapan!

Habang nag dri-drive ako ay nakita ko na nakatingin sakin si Red.

"Hoy! Anong tinitingin tingin mo dyan ha!"

"Wala! Ang panget mo kasi!"

Aba. Ako pa ang sinabihang panget.

"Ako pa talaga sinabihan mong panget ha!"

"Oo, ikaw nga. Sino pa bang kausap ko dito?"

"Malay mo si Trisha or Dave?"

"Baliw ka ba, tulog si Trisha. Tapos si Dave seryoso. Ikaw ang kinakausap ko dito! Baliw!"

"Di ako baliw!"

"Baliw na baliw lang!"

"LETCHE! TUMAHIMIK NGA KAYO DYAN. MASASAGASAAN PA TAYO SA GINAGAWA NIYONG YAN EH." Sigaw ni Dave.

"Edi si Angelica ang sisihin natin, pag namatay tayo!"

"GA*O!" Mura sa kanya ni Dave.

"Boom! Namura." Sabi ko.

Tinarayan naman niya ako.

Psh. Ka lalaking tao.

Nakarating na rin kami sa condo namin mygosh.

Binuhat ni Dave si Trisha pa-punta sa condo niya. Hiniga ni Dave si Trisha sa kama niya.

"Ako muna ang mag ba-bantay kay Trisha okay?" Sabi ni Dave.

May tiwala ako kay Dave. Kaya hiyaan ko nalang siya.

Napa tingin naman ako sa mokong na to.

"Ano?! U-uwi ka o u-uwi ka?!" Sigaw ko sa kaniya.

"U-uwi! Pero may request sana ako."

"Ano nanaman yun?"

"Nahihiya ako ih." Pabebe niyang sabi.

"Psh! Bakla! Ano nga yon?"

"Ihhhhhh."

"Bahala ka sa buhay mo!"

Papasok na sana ako sa condo ko nang hilain niya ko.

"Bakit ba?!!!"

"Ano kase..."

'Ano ngaaaa?!"

"Pwedeng maki kain? Gutom na kasi ako eh."

Psh. A-alis na nga lang makiki kain pa!

"Oo na! Tara pasok!"

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon