Chapter 40: Only Mine

30.3K 362 35
                                    

Dave's POV

Pu-puntahan ko na si Trisha sa may basketball. Dun daw siya maglalaro eh. Kakaiba talaga ang babaeng yun.

Ng makita kong....

May nakayakap sa kanyang lalaki???

Nag che-cheat ba siya sakin?

Ay oo nga pala. Wala palang kami.

Nakita ko na kumakawalag si Trisha dun sa lalaki pero hindi siya makaalis kasi mahigpit ata yung hawak nung lalaki sa kanya.

Aba. Gago to ah.

Galit na galit akong pumunta dun.

*booogsssh*

Napahiga yung lalaki sa suntok ko.

Tch. Para kasing stick.

"Anong problema mo ah?! Ako ang naka una sa sexy na babae na yan."

"Gago! Hindi ba obvious na kasama ko siya, stick ka na nga! Bobo ka pa!"

"Anong sinabi mo?!" Sabi nung lalaking stick.

Tsss. Ayan nanaman susugod nanaman ang isang stick na tao.

Bakit ba ganon? Alam na nga ng tao na masasaktan sila, go pa rin ng go. Hays mga tao nga naman.

*booogsshhh*

Napahiga naman siya this time.

Nilapitan ko siya.

"Bastusin mo na ang lahat, wag lang si Trisha. Dahil makakatikim ka talaga saking gago ka." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ayaw tumigil eh. Ayaw magpatalo!

Napansin ko na dumadami na pala ang tao rito. Pinapanood kami.

Tssss.

Hinawakan ko sa kamay si Trisha at umalis na dun.

Habang naglalakad kami ay nagsalita siya.

"Thank you nga pal---"

"Bakit mo kasi hinahayaan na bastusin ka ng ganon na ganon lang?! Paano kung wala ako?! Paano kung di ako ang kasama mo eh?! Edi kung ano na yang nangyari sayo! Tssss."

Nang lumingon siya ay nakita ko na umiiyak na pala siya.

Shit.

Pinaka ayoko sa lahat umiiyak siya.

Pumunta ako sa harap niya at medyo yumuko. Pinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya at sinabi kong...

"Trisha, wag ka ng umiyak. Don't worry, hindi ka na mapapahamak ulit. Kasi, simula ngayon ako na ang laging magbabantay sayo. I love you, asawa ko."

Niyakap niya ako.

Damn. I love this.

"Di ka pala flat chested no." Sabi ko.

Para naman ngumiti na ulit siya.

Kumawala siya sa yakap. At pinalo niya ko.

"Pervert!" Sigaw niya sakin. Tapos natawa siya.

Damn. Ayan ang gusto ko. Yung lagi siyang nakangiti.

Tumalikod siya sa akin at patuloy na naglakad.

"Asawa ko, san mo gusto kumain?"

"Mcdo."

"Okay."

Papunta na kaming mcdo nang nakasalubong namin si Red at Philip.

Nag da-date? Char!

Anong char? San nang galing yun? Tch. Nababaliw na ako.

"Oy pare, kamusta?" Sigaw nila sakin.

Kahit kailan talaga ang ingay ng dalawang to. Puro kalokohan to eh.

"Ayos lang naman. Kayo?"

"Ayos lang din. Gwapo pa din."

Tsss. Ang ha-hangin!

"Asan si James at Liam?" Tanong ko.

"Ah si Liam, ayun nakakulong sa bahay nila nag a-aral. Alam mo naman yun eh! HAHAHAHA." Sabi ni Philip.

"Si James naman, kasama niya ata kapatid niya, nag shopping. Princess na princess niya yung kapatid niya eh. Sweet talaga ni James." Sabi ni Red.

"Ge." Sabi ko.

Aalis na kami nang hinarangan nila kami.

Tumingin sila kay Trisha.

"Teka, date niyo ba to ni Trisha?" Tanong nila.

"Obvious naman diba?" Sabi ko.

"Contract?" Tanong nila.

"Not anymore."

Hinila ko si Trisha at inakbayan ko siya.

"Wala na yung kontrata na yun, dahil totoo na to." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Wooohhh! Goodluck, Dave." Sabi ni Red.

"Kaya pala usap usapan kaya kayong tatlo sa school, love triangle daw." Sabi ni Philip.

"Hahahaha. Oo nga, so kamusta na pala kayo ni James?" Tanong ni Red.

"Okay lang. Kakalimutan muna namin ang pagkakaibigan namin." Sagot ko.

"Woaahhh! Kakaiba ka, Trisha. Ano ba pinainom mo sa dalawang kaibigan ko, at naging ganyan kabaliw sayo. Hahaha." Sabi ni Philip.

"Ha-ha-ha." Plastic na tawa ni Trisha.

"Grabe, baliw na baliw sila sayo, makisama kaya rin ako? I love you, Trisha." Sabi ni Philip. At lumalapit siya kay Trisha, na para bang hahalikan niya ito.

"Gago! Lumayo ka nga! Sa akin lang to." Sabi ko at mas hinigpitan ang pag kaka akbay kay Trisha.

"Easy bro, I'm just kidding! Hahaha." Sabi ni Philip.

"Tsss."

"Di pa nga kayo, sayo na agad. Hahaha. Kakaiba ka talaga master." Sabi ni Red.

"Di PA kami ngayon, pero magiging akin dito to. Trisha is ONLY MINE."

To be continued.

The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon