Trisha's POV
Nung break time na. Naging lonely na ko. Syempre wala si Angelica at Claire. Harsh.
Kaya nag desisyon ako na umuwi nalang. Nag panggap akong may sakit sa guard. Wahahahaha!
Saka gusto ko na ring umuwi kasi alam ko namang ayaw akong makita ni Dave ngayon.
Nang pumunta ako sa condo ay nakasalubong ko agad si Angelica na hingal na hingal at umiiyak.
"Trisha, si Claire" hinihingal pa rin siya.
"Nasa hospital siya ngayon."
"What?!"
Agad agad kaming sumakay sa kotse ko ako ang nag drive pa-puntang hospital.
Hospital..
Agad namin pinuntahan yung room ni Claire. Nandun yung mga magulang niya.
"Tita, ano daw pong nangyari?"
"Natutulog siya ngayon. Uminom daw siya ng maraming gamot." Umiiyak ang mama niya.
Napa iyak naman ako. Bakit ganon? Best friend niya ko pero di ko alam na may pinag da-daanan siya.
"Hayaan muna natin siyang mag pahinga ngayon." Sabi ng papa niya.
"Sige po." Sabi ni Angelica.
Lumabas kami sa room na iyon. At umupo.
"May alam ka bang problema ni Claire?" Tanong ko kay Angelica.
"Wala nga siyang nababanggit sakin eh. Sayo ba?"
"Wala din eh." Naiiyak ako.
"Bakit? Magiging okay din si Claire. Wag kang mag alala" sabi ni Angelica.
Si Angelica kasi yung taong kahit nahihirapan/nasasaktan na hindi mo yun makikita sa kaniya, kasi matapang siyang tao.
At mahina akong tao.
"Kasi iniisip ko wala akong kwentang kaibigan. Kasi hindi ko manlang napansin na may pinag da-daanan pala siya." Sabi ko.
"Hindi tayo walang kwentang kaibigan okay? Hindi siya gagaling, Trisha kung magpapakahina ka. Hindi siya gagaling kung i do-down mo yung sarili mo. Kaya tama na okay?"
Patuloy pa rin akong umiiyak.
Nang may tumawag sakin.
Unknown No.
Sino kaya to? Sinagot ko nalang.
[Hello?]
"He-hello." Bati ko naman parang pamilyar yung boses.
[Trisha, si James to. Asan ka? Saka bakit parang umiiyak ka?] Tanong niya.
"Nasa hospital" sagot ko naman.
[Ha? Bakit?] Tanong niya.
"Uminom siya ng madaming gamot." Di ko napigilang umiyak.
[Na saan ka ngayon?]
"Nasa.."
Sinabi ko kung saang hospital to. Sa tingin ko kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko pa ng isang kaibigan.
"Sis, sino yun?" Tanong ni Angelica.
"James."
"Medyo nagjging close kayo ah."
"Sira. Kaibigan ko lang siya." Medyo umiiyak pa rin ako.
"Sige, sis. Bibili muna ako ng maka-kain natin okay?"
"Okay."
"Trisha?" Alam ko. Alam ko yung boses na yun. Si James.
Lumuhod siya sakin at tinignan ang mukha ko.
Lalo akong napaiyak shit. Hindi ko alam kung bakit at niyakap ko siya ng hindi ko alam ang dahilan.
"Shh.. Don't worry, Trisha.. everything will be fine." Sabi niya.
"Please stay here, by my side" sabi ko na hindi ko alam kung saan nanggaling yun.
"Okay. I'm here now." Sabi niya.
"Thank you, James. Thank you for being my friend."
"You don't have to thank me okay? At si Claire, wag kang mag alala di sya pa-pabayaan ni God okay? Don't worry."
"Thank you, James."
Dumating na si Angelica kasama ang pagkain na binili niya.
"Oh, nandito ka na pala, James. Kain muna tayo."
Sabay abot ng pagkain na binili niya.
Kumain kami. At napatayo kami sa sinabi ng mama ni Claire.
"Gising na si Claire!"
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...